Marienne Aecy Chandria's Point of View
Watdapak!? Ano ba'ng ginagawa ko? Bakit ko 'to ginawa kay tukmol? Nababaliw na ba ako? Tangina! Ang abnormal ko! B'wisit! Ano 'yon, Mac? Ha? Ano 'yon? Ano'ng nasa isip mo at ginawa mo iyon? Kailan ka pa natutong gumawa ng mga gano'ng bagay? Kasalanan talaga ito ni Cid! Kung hindi niya ako pinatakbo nang pinatakbo. Hindi sana ako mapapagod. Yeah, right, kasalanan talaga 'to ni Cid. Walang ibang puwedeng sisihin dito kung hindi ang unggoy na iyon.
Nakayuko lamang ako habang nakikinig ng music at hindi ko alam kung ano ang ginagawa ni tukmol sa tabi ko. Nahihiya akong tumingin sa kaniya kasi baka asarin niya lang ako. Magkaaway kaming dalawa kaya kung ano na lamang ang iisipin niya kung bakit ginawa ko ito. Paniguradong aasarin niya nga ako at ayaw kong mangyari iyon.
"Woiii, Mac! Ano 'yan, ha? Ano 'yan? Aba, ikaw, ah! Hindi ka pa umamin. May gusto ka pala kay Zhyro, ah. Pero, Mac, tigilan mo muna 'yang gusto-gusto na 'yan dahil bata ka pa at hindi ka naman namin papayagan nila Kuya pumasok sa isang relasyon," biglang sigaw nang kung sino kaya naiangat ko ang aking ulo. Doon ay nakita ko si Zac na parang tanga, nakataas kasi ang hintuturo niya at parang sinasabing 'lagot ka'.
Napaayos kami ng upo ni Zhyro. Kinuha ko na rin sa kaniya ang headset ko at inirapan ko na lang si Zac. Masyado, sarap batukan. Narinig ko naman ang mahinang asik ni tukmol.
"Manahimik ka nga riyan, Zac. Andaldal mo, pasakan ko ng papel 'yang bibig mo. Huwag mong bigyan ng malisya ang pakikinig namin ng music nitong si tukmol."
"Abat— hoy, Marriene Aecy Chandria Ramos! Pinagsasabihan lang kita dahil wala rito ang iba nating Kuya na pagbawalan ka. Iniutos sa akin ni Kuya Levi na bantayan ka dahil alam nilang gagawa at gagawa ka ng kalokohan mo," saad ni Zac dahilan kung bakit napakamot ako sa aking pisnge. Nagsisimula na akong mainis, ah!
"Wala naman akong ginagawang masama, ah. Katunayan nga niyan ay sobrang bait ko, hindi ako makabasag pinggan, 'no."
"Tangina! Sa akin ka pa nagsinungaling. Kakambal mo ako kaya kahit utot mo ay alam ko ang amoy. Ano'ng hindi makabasag pinggan ka riyan? Ikaw, mabait? Kailan pa nangyari iyon? Demonyita ka kaya," asik niya. Ampota!
"Mabait ako. Hindi mo naitatanong na may nakita akong krimstick kanina sa lamesa natin. Tatlo iyon at balak kong isauli sa iyo kaso natakam ako kaya kinain ko ang isa at ibinigay ko sa iyo ang dalawa. Oh, 'di ba? Mabait ako kasi ibinigay ko sa iyo 'yong dalawa. Kung sinapian ako ng kakambal kong demonyita na sinasabi mo ay malamang, kinain ko na 'yong tatlo at inubos. Pasalamat ka talaga at mabait ako."
"Ampota! Kaya pala nawawala 'yong isa kong krimstick. Bilang ko ang krimstick ko, Mac. 58 lahat iyon kaya nagtataka ako kung bakit naging 57 na lang. Napagbintangan ko pa tuloy si Kuya Rhex na kumuha ng pagkain ko," nakasimangot niyang sagot at bahagyang kinamot ang kaliwang kilay.
"At talagang si Kuya Rhex pa ang napagbintangan mo? Ni hindi nga no'n ginagalaw ang mga gamit mo."
"Siya kasi ang nakita kong naroon kanina," pagrarason niya. Ngumuso pa ito kaya puwede nang sabitan ng kaldero ang bibig niya.
"Aysus! Nagdahilan ka pa riyan."
"Tsk. Hoy, Zhyro, halika rito. Usap tayo!" Sigaw niya at nagsenyas kay tukmol.
Agad naman sumunod si tukmol kay Zac kaya hindi ko na lang siya pinansin. Ano'ng pag-uusapan ng dalawang 'yon? Seryoso ang mukha ni Zac nang umalis sila at ganoon din si tukmol. Minsan ko lamang sila makitang seryoso kaya curious talaga ako.
***
"Okay 'yon lang muna, guys. Bukas na lang ulit! Magpahinga na tayong lahat at nang makauwi na. Alam kong pagod kayo," sigaw ni JV at nagpunas ng kaniyang pawis.
YOU ARE READING
Make The Boyish Fall In Love✓
HumorMarienne Aecy Chandria Ramos is a boyish type of a person. Zhyro Blaine Acosta wants to make her fall in love with him. Will he succeed? Or will he fail? Covered by: Acesu Graphics