Marienne Aecy Chandria's Point of View
"Uy, guys, si Mac girlfriend ko!"
"Mga ka-tropa, si Mac oh, girlfriend ko na!"
"Mga first year girlfriend ko na Ate Mac niyo."
"Uy, kayo huwag niyo nang pagtangkaan itong si Mac, girlfriend ko na 'to"
"Guys, magjowa na kami ni Mac!"
"Si Mac, guys, akin na."
Kaninang-kanina pa ako naririndi sa mga sinasabi ng tukmol na 'to, paulit-ulit na lang. Mula yata kaninang umaga ay bukambibig niya na ang tungkol sa relasyon namin kuno. Kalat na kalat na sa buong campus ang relasyon namin kuno at dahil 'yon sa madaldal na lalaking 'to. Hindi mapigil ang bibig, ansarap nga sapalan ng isang malaking mansanas para manahimik naman.
"Tukmol, puwede ba manahimik ka kahit ilang minuto lang? Nakakarindi."
"Babe naman, masaya lang ako kasi tayo na," saad niya.
"Dinaya mo ako, tukmol."
"Hindi kaya," katwiran niya habang umiiling pa. Itinaas din nito ang kaniyang kamay.
"Tsk, madaya ka."
"Hindi nga sabi, 'e," ungot niya kaya lihim akong napangiti. Para kasi siyang isang batang napagbintangan na nagnakaw ng kendi sa tindahan.
"Kung hindi ka sumigaw ng, 'Mac, mahal ko', 'e di sana na-ishoot ko 'yong bola kaya madaya ka. Titigilan mo na sana ako. Wala na sanang susunod-sunod sa akin na parang aso. Isa kang mandaraya!"
"Kung hind ka naistatwa, hindi ko maaagaw ang bola kaya kasalanan mo 'yon. Dapat nagpatuloy ka pa rin kahit na sumigaw ako. So basically, kasalanan mo 'yon, babe," saad pa niya at halatang sinisisi ako.
"Ang galing mo rin mangatwiran, 'no?"
"Hehehe. Babe naman, huwag mo nga sirain ang mood ko, ganda-ganda nakaya. Kasing ganda mo, hehehe," tatawa-tawang sabi niya.
Sinuntok ko na lang ang braso niya at iniwan siya doon. Nakakarindi talaga. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala.
Noong isang araw ay halos sumigaw siya sa tuwa dahil sa pagkapanalo samantalang ako ay nagluluksa. Masaya ang mga Kuya nang ibalita ni tukmol na magjowa kuno na nga kami. Nagluto pa nga ng pansit si Kuya Levi dahil isa raw iyong himala. Bukod sa nagkaroon daw ako kasintahan ay natalo rin ako sa basketball.
Kinuwento rin ni tukmol kung bakit ako natalo. Halos doon na nga nila patulugin si tukmol pero mabuti na lang ay napilit ko silang pauwiin dahil hindi tama na patulugin sa bahay ang taong kakikilala pa lang naman nila.
"Uyy, Mac, ano? Nasaan na ang jowa mo? Kalat na kalat sa buong campus relasyon niyo ni Zhyro. Ikaw daw bang halos isigaw na sa buong campus ang pagkatalo mo sa basketball," lokong saad ni JV.
Tinignan ko ito ng masama ngunit parang wala lang dito ang tingin ko dahil tumatawa pa rin ito.
"Tawang-tawa lang, JV? Tsk, naririndi ako sa pagmumukha ng lalaking 'yon kaya pagkatapos kong suntukin sa braso ay iniwan ko."
"Hahaha, bakit mo naman iniwan? Bad kang girlfriend, Mac," sagot niya at itinaas ang hintuturong daliri at parang sinasabing 'lagot ako'. Pakialam ko naman doon? Dinaya niya ako kaya nagkaroon kami ng relasyon.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na natalo ako sa paborito kong laro. Ako dapat ang mananalo roon at titigilan niya na ako ngunit sumigaw ang tukmol.
YOU ARE READING
Make The Boyish Fall In Love✓
HumorMarienne Aecy Chandria Ramos is a boyish type of a person. Zhyro Blaine Acosta wants to make her fall in love with him. Will he succeed? Or will he fail? Covered by: Acesu Graphics