Marienne Aecy Chandria's Point of View
Saturday na ngayon at wala namang special na nangyari sa mga nakaraang araw maliban na lang sa araw-araw naming pag-aaway ni tukmol. Tsk, masyado kasi siyang pikon kaya masarap siyang inisin. Hehehe. Hindi ko naman siguro kasalanan kung mabilis siyang mapikon. Masyado pa nga akong mabait sa kaniya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakaganti roon sa pagbangga niya sa akin. Gustong-gusto ko na siya gantihan kaso si Zac ay palagi akong pinipigilan kapag sinusubukan ko kaya naman iniinis ko na lamang siya. Nakakatuwa nga ang mukha ng isang 'yon kapag naiinis. Ansarap niya panoorin kapag napipikon.
Pitikin mo lang ang tenga niya o kaya sulatan mo lang ng lapis ang notebook niya ay inis na inis na kaagad siya. Halos araw-araw na rin kaming pinapagalitan ng mga teachers. Tsk, kung hindi siya pikon 'e di hindi kami papagalitan. Muntanga kasi masyado, eh. Hindi ko alam kung bakit siya palaging naiinis sa akin gayong trip ko lang naman siyang inisin. Palagi niya rin akong tinitignan ng masama kapag nanghihingi ako ng papel sa kakambal ko. Ano nga bang problema ng tukmol na iyon sa akin? Hindi ko rin alam. Aba'y nakikinig lang naman ako sa teacher namin pero kapag pinansin ko si Zac ay akala mo papatayin niya na ako sa tingin. May gusto yata ang isang 'yon sa kakambal ko. Mukha rin naman siyang bakla eh kaya hindi na ako nagtataka.
"Mac, may gagawin ka ba bukas?" Tanong ni Zac habang busy ako manood ng anime at siya naman may kung ano'ng kinukulikot sa phone niya. Tumingin ako rito saglit bago ibinalik ang paningin sa pinapanood. Istorbo naman ang isang 'to. Mahuhuli na sana ni Conan ang suspect, sisingit pa ang unggoy na 'to.
"Wala naman, bakit?"
"Sila JV kasi nag-aaya, basketball daw tayo bukas pagkatapos ng practice. Gusto mong sumama?" Alanganin niyang tanong kaya mabilis pa sa alas kuwatro akong napatingin dito.
"Woah, sige kamo. Tatalunin ko silang tatlo bwahahaha. Gagamitin ko ang mga napanood ko sa Kuroko, tatalunin ko sila, bwahahaha. Iiyak sila sa akin, bwahahaha. Tapos babait sila sa akin, bwahahaha- arayyy ko naman, Zac! Tangina, problema mo ba? Ikaw batukan ko riyan, eh."
"Malala ka na, Mac. Iyan siguro ang epekto ng anime sa iyo. Dapat ko na bang sabihan si Kuya Levi at Kuya Rhex na ipadala ka sa mental? Gagong 'to, umayos ka ng tawa mo," gigil niyang saad kaya napasimangot na lamang ako. Ano bang problema ng taong 'to sa tawa ko?
"Tsk, masama na ba tumawa?"
"Hindi masama tumawa, Mac. Ang masama ay 'yong nasobrahan ka na sa tawa. Para kang baliw na nakatakas sa mental dahil diyan sa tawa mo. Hinaan mo rin iyang tawa mo at baka machismis tayo dito sa barangay natin na isa kang baliw," sabi niya.
"Tsk, gagong 'to at tiyaka, ano bang pakialam nila kung ganito ako tumawa? Kung gusto nila ay tumawa rin sila ng kagaya ng sa akin para mas masaya."
"Ewan ko sa iyo, Mac," naiinis niyang saad ngunit wala akong pakialam dahil busy akong manood dito.
"Ano na naman iyang pinagtatalunan ninyong magkapatid? Kahit nasa labas pa lang ako ay rinig na rinig ko na iyang mga boses niyo," biglang saad ng isang boses kaya pareho kaming napalingon ni Zac. Mula sa pinto ay doon nakita namin si Kuya Levi at kasunod si Kuya Rhex. May hawak na supot si Kuya Levi.
"Ito kasing si Mac, Kuya. Masyadong malakas tumawa at mukha pang baliw," sagot ni Zac kaya sinamaan ko ito ng tingin.
"At ako pa talaga? Ano naman ang problema nila sa tawa ko? Wala akong pakialam kung pagchismisan nila ang tawa ko. Mga anak nga nilang maagang nabuntis hindi ko pinagchismisan."
"Hays, tigilan niyo na nga ang bangayan ninyong dalawa. Hindi naman kayo aso para magganyanan," sabi na lamang ni Kuya Levi habang kinakamot ang ulo na para bang problemado siya sa aming dalawa ni Zac. Si Kuya Rhex naman ay tahimik lang sa gilid. Pinagmamasdan kaming tatlo at parang natutuwa pa. Baliw yata si Kuya Rhex.
YOU ARE READING
Make The Boyish Fall In Love✓
HumorMarienne Aecy Chandria Ramos is a boyish type of a person. Zhyro Blaine Acosta wants to make her fall in love with him. Will he succeed? Or will he fail? Covered by: Acesu Graphics