Marienne Aecy Chandria's Point of View
Busy ako makipaglaro kay Roro, 'yong aso na ibinigay sa akin ni Zhyro noon? Malaki na siya ngayon.
Noong mga unang araw kasi namin dito ay doon ito naglalagi kina Kuya Rhex, lalaki si Roro at may aso naman na babae si Kuya Rhex at gusto nila ni Ate Shenna na mabuntis ang kanilang aso na si Chichi.
Hindi ko alam kung nakita na ni Zhyro si Roro. Ano kaya ang magiging reaction ng gagong iyon kapag nakita niya si Roro? Maaalala niya kaya ang monthsary namin? Ang mga bulok niyang pangako? Hindi naman halatang bitter ako, 'no?
Well,bulok naman talaga ang kaniyang pangako. Umasa pa mandin ako at minahal ko siya ng lubos pero iyon lang ang iginanti niya sa akin.
Tanginang 'yan, napagod kuno. Sampalin ko siya ng orasan, 'e.
"Tita Mac! Nandito po ulit ako at mangungulit sa inyo! Tita Mac! Luhh, nasaan na naman kaya iyon? Pangit mo kabonding, Tita Mac. Tito Zac? Nasaan kana po? Nasaan na ba mga tao rito!? Pangit n'yo naman kabonding, 'e!"
Mula sa terrace ng bahay ay rinig na rinig ko ang boses ni Leiro. Ito talagang batang 'to napakalakas ng boses, parang nakalunok ng microphone. Hindi na ako nagtataka kasi alam kong kay Zac niya ito nagmana. Si Zac kasi ang pinaglilihihan ni Ate Lara, palagi silang video call kaya nga nagseselos na no'n si Kuya Levi.
"Lei, nandito ako!!"
Nakarinig ako ng mga yabag papunta sa direksyon ko at ito na nga, tumatakbo papalapit sa akin si Lei at nang marating niya kung nasaan ako ay agad niya akong niyakap.
Ano'ng problema ng batang 'to? Naglalambing kaya 'to? O baa naman ay may kailangan sa akin kaya nanlalambing?
Pero nagtataka ko itong tignan nang makita ko ang namumulaniyang mata. Para bang ano mang oras ay iiyak na siya dahil sa lagay niya.
Ano ba ang nangyaari sa batang 'to?
"Hey, what's the problem, baby?"
"Tita, huhuhu," ungot niya sa akin at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
"Wait, wait, wait!? Bakit ka umiiyak? May umaway ba sa iyo? Sino'ng nanakit sa yo? Dali! Sabihin mo sa akin at susugurin namin 'yan ni Zac! Hindi nila puwedeng saktan ang pinakacue kong pamangkin. Sabihin mo sa akin at susugurin ko talaga."
"Si ano kasi, Tita," hikbi niya.
Umalis siya sa pagkakayakap sa akin at kinusot-kusot ang kaniyang mata. Ang cute! Tapos nakapout pa siya, lobo ang pisnge.
Oo na, ikaw na ang cute? Paano naman akong maganda lang pero guwapo?
Oo, sa nakalipas na mga taon ay nasanay akong kumilos bilang isang babae dahil na rin kasama iyon sa training pero hindi ibig sabihin niyon ay mawawala na sa akin ang pagiging boyish ko. Ewan ko ba, parang naging parte na ito ng pagkatao ko. Hindi na nga yata ito mawawala sa akin.
"Sino? Sabihin mo sa akin at talagang susugurin ko 'yan!"
"Si Clara po kasi, Tita," sumbong niya sa akin.
"Sino 'yang Clara na 'yan? Ano'ng ginawa sa iyo ng Clara na 'yan? Sinaktan ka ba niyan? Inaway ka? Dapat ay inaway mo rin siya para kwits kayong dalawa. Hala, gumanti ka roon sa Clara na iyon."
"Opo, sinaktan niya po ako," sagot niya.
"Saan? Saan ang masakit?"
"'Yong puso ko, Tita, sobrang sakit. Kasi nakipagbreak siya sa akin, huhuhu," aniya at muli akong niyakap.
Putangina! Ano raw? Namali yata ako ng rinig. Pero naglinis naman ako ng tenga kahapon kaya imposibleng mabingi ako.
"Nakipagbreak!? Ano? Pakiulit nga ng sinabi mo."
YOU ARE READING
Make The Boyish Fall In Love✓
HumorMarienne Aecy Chandria Ramos is a boyish type of a person. Zhyro Blaine Acosta wants to make her fall in love with him. Will he succeed? Or will he fail? Covered by: Acesu Graphics