Chapter 23

237 3 0
                                    

Marriene Aecy Chandria's Point of View

"Ano ba, tukmol!? Bitaw sabi nga. Hindi ka ba nakakaintindi? Gusto mong tadyakan pa kita para lang bitawan mo ako? Nakakainis kana."

"Ayaw! Iiwan mo ako," parng bata niyang saad bago hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Mukha siyang unggoy dahil salagay niya ngayon.

"Hindi nga sabi, bibitaw ka o tatadyakan kita?"

"Babe naman kasi! Iiwan mo ako kapag binitawan kita," katwiran niya.

"Bakit naman kita iiwan, aber?"

"Kasi sasama ka roon sa Jaxel na 'yon, makikipagbreak ka sa akin kasi mas mahal mo na siya kaysa sa akin. Babe, ayaw ko ng ganoon," katwiran niya kaya napabuntong hininga na lang ako. Trauma nga talaga ang gago.

"Tangina, tukmol! Hindi kita iiwan, okay? Ang OA mo na! Nakakainis na rin."

"Babe, natakot lang naman ako roon sa prank mo no'ng nakaraan. Natakot akong mawala ka sa paningin ko. Feeling ko kapag nalingat lang ako ay mapupunta kana sa Jaxel na 'yon. Call me weird pero nagiging praning na ako dahil sa ginawa mo. Lalo pa't napapalapit ka sa Jaxel na 'yon," sabi niya.

Shit, dapat kasi talaga hindi ko na lang 'yon ginawa. Nagka-trauma pa tuloy ang tukmol na 'to. Para na siyang tuko na nakayapos sa bewang ko. Simula nang iprank ko siya ay halos hindi na siya umalis sa tabi ko, kulang na nga lang ay doon na siya tumira sa bahay namin para lang masiguro ako na hindi ko siya iiwan.

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa mga ginagawa niya. Hindi ko rin naman siya masisi dahil alam kong kasalanan ko ang nangyari. Bakit ba kasi talaga naisip ko ang prank na 'yon? Sa susunod nga ay hindi ko na hahayaan na mabored ako. 

"Babe?" Aniya.

"Oh?"

"Hindi mo ako iiwan, 'di ba?" Paninigurado niya.

"Hindi."

"Promise?" Tanong niya.

"Promise. I won't leave you."

Napangiti siya dahil sa sinabi ko. Hindi ko rin naman kayang iwanan ang isang 'to.

***

"Mac!" Tawag sa akin ni Jaxel.

"Ikaw pala, Jaxel. Ano'ng kailangan mo sa akin?"

"Wala naman. Ano'ng ginagawa mo?" Tanong niya.

"Ah, ginagala ko lang itong si Roro. Wala namang pasok ngayong araw."

Friday ngayon pero wala kaming pasok dahil may seminar ang karamihan sa aming mga guro at naisipan ko ngang igala itong si Roro. Masyado na siyang mataba, puro lamon lang kasi ang inaatupag.

Gusto rin kasi siya nina Kuya, lalong-lalo na si Kuya Rhex na kada hapon na lang yatang may pasalubong kay Roro. Minsan nga ay nagseselos na si Zac, buti pa raw 'yong aso may pasalubong tapos siya ay wala. Muntanga, pati aso pinagseselosan.

"Ang cute naman ng aso mo," sabi niya at lumuhod upang hawakan sa ulo si Roro.

Buti na lang ay mabait si Roro sa kaniya. Kahit kasi maliit ang isang 'to ay matapang din lalo na kapag hindi niya gusto ang isang tao. Mana sa akin ang aso ko.

"Siyempre cute din ang amo kaya ganiyan."

"Hangin naman," natatawa niyang saad kaya naatawa na lang din ako.

"Hindi ako mahangin, nagsasabi lang ako ng totoo."

"Okay, sabi mo, 'e. Mac, nakapagdesisyon kana ba?" Bigla niyang tanong at tumayo na ulit.

Make The Boyish Fall In Love✓Where stories live. Discover now