AGAD na napuno ang malawak na bulwagan ng templo ng Parlamento ng mga taong gustong makita, matunghayan at makilala ang mga batang nakaligtas at nagtagumpay sa matinding pagsusulit.
Hindi mawawala ang mga magulang ng mga batang napabilang dito.
Lalo na ang pamilya Tenzin na 'di mapantayan ang kaba sa dibdib.
Ito ang pinakamahirap at nakakatakot na sandali para sa kanila. Dahil hindi nila alam kung makakabalik pa ba ng buhay si Lham.
ILANG minuto silang naghintay bago bumukas ang malaking pintuan sa kanang bahagi ng templo at pumasok ang mga Pazap. Gumawa sila ng dalawang hanay mula sa pintuan upang mabigyan ng daan ang Reyna at Hari.
Maya maya lang ay pumasok na ang Hari at Reyna.
Agad na nagbigay galang ang lahat ng naroon. Hindi nila inaalis ang pagkakatungo hanggang sa makaupo ang Hari at Reyna sa kanilang mga upuan.
Sumunod ang ilang ministro ng bawat lungsod at pinuno ng mga pangunahing kagawaran.
"Magsimula na..." utos ng hari at tila naghahanap. "Nasaan ang Punong Pazap?" takang tanong nito.
"Ipagpaumanhin niyo Kamahalan, ngunit hindi ko rin makita ang Punong Pazap."
"Kung gayon ay ikaw ang manguna.." utos naman ng Reyna. "Kahit kailan ay hindi maaasahan ang Punong Pazap, nararapat siyang palitan."
Bumuntong hininga ang hari. "Hintayin nalang natin ang kanyang paliwanag." bumaling ito sa Ikalawang Pazap. "Papasukin niyo na ang mga batang nagtagumpay sa proseso."
Agad namang kumilos ang Ikalawang Pazap at binuksan ang malaking pintuan sa kaliwang bahagi ng templo.
Lumabas ang Ikalawang Pazap at saglit na nawala.
Ang mga paningin naman ng lahat ng naroon sa loob ay nasa pintong iyon ang atensiyon. Ang mga magulang ay tila di mapakali at nananabik na makitang muli ang kanilang mga anak.
Ang ilan ay pinangunahan na ng pag-iyak dahil sa pangambang baka hindi na nila makita ang kanilang anak.
Ilang minuto ang lumipas ay muling pumasok ang Ikalawa kasunod ang mga kasamahan nitong mataas ang rango.
Napasinghap naman ang mga tao nang makita ang pagpasok ng mga kabataan.
Agad na napaiyak ang ilang magulang nang makita ang kanilang mga anak.
Gula-gulanit na ang mga damit ng mga ito at napuno ng dugo ang katawan.
Napapaiyak rin ang mga kabataan kapag nakikita nilang umiiyak ang kanilang mga magulang. Bukod doon ay naiisip din marahil nila ang kanilang sinapit sa pagsusulit.
Pagkaraang makapasok ang pitong kalahok. Napuno ng bulungan, hagulgol at hikbi ang templo.
Marahil ay alam na nila ang ibig sabihin niyon.
"Sila na lamang ba ang natira sa proseso?" tanong ng Hari.
"Opo mahal na hari." tugon ng Ikalawa.
"Kung gayon ay marami ang hindi pinalad?" tanong ng Reyna na bahayang tumaas ang sulok ng bibig at ang mga mata ay tila nagtatanong sa Ikalawa.
"Ikinalulungkot ko mahal na Reyna ngunit ganoon nga po." sagot ng Ikalawa na makahulugang tumango sa Reyna.
Isasarado na sana ng mga kawal ang malaking pinto nang biglang tumayo ang ama ni Lham.
"Sandali!"
"Mike..." naluluhang pigil ni Dema sa asawa ngunit hindi ito nakinig at naglakad patungo sa pinto.
BINABASA MO ANG
TENZIN
AcciónHIGHEST PEAK: #2 ganti, #2 higanti, #2 hari After the decades of continuous support, obedience and loyalty of the people to the Kingdom, isinilang ang natatanging mandirigma na siyang pupukaw sa mga natutulog na damdamin ng karamihan. Bata pa lamang...