15

165 7 6
                                    

MAKALIPAS ang siyam na taon...

Nagising ako dahil sa nakakasilaw na sinag ng araw mula sa naka-awang na kurtina ng bintana sa aking kwarto.

Bumangon ako at umupo muna sa aking kama. Saka nagsalin ng tubig mula sa babasaging pitsel na nakapatong sa maliit na mesa na naroon sa tabi ng aking kama.

Ininom ko iyon at inubos ang laman ng baso.

Kinuha ko ang aking cellphone na nakapatong sa bedside table saka tiningnan ang messages doon.

Pagkatapos ko roon ay bumaba na ako sa kama at kumuha ng tuwalya sa closet at naglakad papasok sa banyo.

Pagkalabas ko roon ay basa na ang aking buhok at nakatapis na ako ng tuwalya.

Nagbihis ako ng damit na komportable at presko lalo na at summer ngayon.

Pagkatapos kong makapag-ayos ay lumabas na ako sa aking kwarto at bumaba.

Ginamit ko ang elevator upang mas madali akong makababa at agad kong hinagilap ang aking pamilya.

Agad ko naman silang nakita sa isang malaking pabilog na mesa sa ground floor. Abala ang lahat sa pag-aalmusal at ako nalang pala ang wala roon.

"Good morning..."  nakangiting pagbati ko sa kanila.

Agad naman nila akong nilingon.

"Good morning anak." nakangiting tugon ni Mommy. "Do you want me to make you juice?"

"No mom, ako na po, thanks." nakangiti ko parin sabi saka umupo sa bakanteng upuan.

"Do you want bacon and egg also anak?" alok ni Dad.

"Yes dad thanks." sagot ko at agad na tumawag si daddy ng waiter upang ikuha ako ng almusal ko.

Kumuha ako ng tasa at nagtimpla ng sarili kong kape. Habang hinihintay ang aking pagkain ay dinudutdot ko ang aking cellphone.

"Lham anak, nakapag-enroll ka na ba? Next week na ang pasukan." Maya maya ay tanong ni Dad.

"Yes po Dad, kagabi lang po ako nag-enroll online." tugon ko.

"What strand did you take?" tanong naman ni Mommy.

"STEM po mommy."

Maya maya lamang ay dumating ang  aking almusal. Agad ko iyong kinain at nang matapos ako roon ay lumabas muna ako saglit patungo sa dalampasigan upang maglakad at lumanghap ng sariwang hangin.

Naglakad ako patungo sa walang mga tao katulad ng aking nakasanayan.

Umupo ako sa buhangin. Maganda ang panahon at hindi pa matindi ang sikat ng araw kaya napakagandang magmuni-muni roon.

Palagi kaming naroon sa Siargao kapag bakasyon at kapag nagsasawa na kaming libutin ang mundo.

Sa sunod na linggo ay kailangan na naming bumalik sa Maynila upang makapaghanda sa nalalapit na pasukan.

Naglagi pa ako roon ng ilang minuto. Kumuha pa ako ng sapin upang makahiga ako at mamasdan ang bughaw na kalangitan.

Dahil sa haplos ng hangin ay hindi ko napigilang mapapikit at maidlip.

Ilang sandali lang ay napakunot ang aking noo nang makarinig ng isang tumatawag na lalaki.

"Lham!"

Napamulat ako nang mabosesan ko iyon. Sigaw iyon ngunit mahina sa aking pandinig.

Agad akong napabangon at hinagilap ang kung sino iyon ngunit wala sa magkabilang gilid ko ang tumatawag na iyon.

"Hoy Lham!!"

TENZINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon