SA pagkawala ng aking ulirat mula nang mahulog ako sa napakalalim na tubig, tanging ang pakiramdam ko na lamang ang natitirang gising sa mga sandaling iyon.Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakalubog sa tubig bago ko maramdaman ang pagyakap sa aking baywang at pag-angat ko sa tubig.
"Lham!"
Pakiramdam ko ay naroon parin ako sa kawalan at tanging naririnig ko lamang ay ang mahinang pagtawag sakin ng taong nagligtas sa akin.
Ang sumunod na nangyari ay ang pagsubok niyang mailigtas ako sa pagkakalunod.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pagdampi sa labi ko at binigyan ako ng hangin.
Ilang beses niya iyong inulit hanggang sa maramdaman ko ang pagtaas ng tubig na nainom ko at maiubo ko iyon palabas.
Agad akong napasinghap ng napakabigat nang makalanghap muli ng hangin.
Sandali akong napamulat at agad na tumambad ang nag-aalalang mukha ng Punong Pazap.
"Lham..."
Ngunit tila walang lakas ang katawan ko sa sandaling iyon. Saka ko lang naramdaman ang kumikirot kong sugat sa aking tagiliran.
Unti unting lumabo ang paningin ko hangang sa mawalan muli ako ng malay.
Tila mahabang oras akong nakatulog. Nagising ang diwa ko nang maramdaman ko ang pagtakbo ng bagay na kinauupuan ko.
Dahan dahan naman akong napamulat nang marinig ko ang pamilyar na huni na iyon ng kabayo.
"S-Snow?" nasambit ko nang mapagtantong siya nga iyon. Nakaligtas siya at natutuwa ako dahil doon. Agad kong hinaplos ang kanyang leeg ng nakangiti. Napangiwi nalang ako nang kumirot ang tagiliran ko. Nakalimutan kong may sugat pala ako.
Doon ko lang napansin ang isang kamay na nakahawak saking tiyan kaya naman napalingon ako sa aking likuran.
"P-Pinuno..."
Tumikhim muna siya bago nagsalita. "Mabuti at gising kana." pinatigil niya sa pagtakbo si Snow saka siya bumaba at hinila ang kabayo patungo sa lilim ng puno.
Itinali niya si Snow doon sa puno saka ako inalalayan pagbaba.
"Hindi ko na hinintay na magkamalay ka kanina. Naiisip kong dalhin na kita agad pabalik upang may maabutan pa tayo."
"Sa tingin niyo po pinuno, maaabutan pa natin ang pagkakaloob ng simbolo?"
"Hindi ganoon kabilis magpatakbo ang mga Pazap kapag nakatungtong na sila sa bayan kaya may pag-asa pa tayong maabutan sila. Sa ngayon ay magpahinga na muna tayo ng ilang minuto at kumain bago tayo magpatuloy."
Niyaya niya akong umupo sa tabi ng puno. Umupo naman siya sa tabi ko at may inilabas na telang supot mula sa ilalim ng kanyang damit.
"Ito nalang ang natitirang pagkain ko, paghatian nalang natin." hinati niya ang isang pirasong tinapay at ibinigay sa akin ang bahagi ko.
Nahihiya man ay nagawa ko parin iyong abutin dahil kumakalam narin ang tiyan ko.
"Salamat Pinuno..."
Habang kumakain, pinagmasdan ko si Snow habang abala rin sa pagkain ng damo. Saka ko lang napansin ang mga galos at maliliit na sugat sa kanyang katawan.
"Paano mo nga po pala natagpuan si Snow, Pinuno?"
"Nadaanan ko siya sa kakahuyan. Malapit na siyang lapain ng mga lobo mabuti nalamang at nakita ko." sagot nito.
"Ngunit ano po ang ginagawa ninyo sa gubat?"
Napabuntong hininga siya. "Malalaman mo pagkarating natin sa templo."
BINABASA MO ANG
TENZIN
AksiHIGHEST PEAK: #2 ganti, #2 higanti, #2 hari After the decades of continuous support, obedience and loyalty of the people to the Kingdom, isinilang ang natatanging mandirigma na siyang pupukaw sa mga natutulog na damdamin ng karamihan. Bata pa lamang...