8

104 8 3
                                    

ANG sunod naming inaral ay ang paggamit ng espada.

Ilang oras muna naming pinag-aralan ang iba't ibang galaw niyon. Kahit naturuan na ako ni Mommy ay pinagtuunan ko parin ng pansin ang mga itinuturo ng mga namumuno sa amin. Lalo pa't marami rin ang hindi ko pa alam.

Pagkatapos niyon ay nagkaroon muli ng pagtutuos.

Pinanuod muna namin ang Ikatlo at Ikaapat na Pazap na naglalaban gamit ang espada.

Napakabilis nila. Kahit babae ang Ikaapat ay hindi ito nagpatalo. Mas maliksi pa nga ito sa Ikatlo ngunit mas malakas parin ito sa kanya lalo na sa mga hampas nito na halos ikaatras ng Ikaapat.

Halos nagliliparan na sila at naglalaban sa ere na siyang ikinahanga naming lahat.

Maya maya lang ay natalo ang Ikaapat nang mapatumba siya ng Ikatlo at kinorner ng espada nitong nakatarak sa lupa malapit sa pisngi niya at ang isang braso naman ang nakatuon sa kabila.

Nakangisi lang na nakatitig dito ang Ikatlo. Maya maya lang ay bigla nitong hinalikan ang Ikaapat na ikinagulat namin at ng Ikaapat.

Agad na sumama ang mukha ng Ikaapat saka malakas na inuntog ang noo ng Ikatlo.

Dahil doon napahiga ang Ikatlo sa lupa at nasapo ang noong napinsala.

Agad namang bumangon ang Ikaapat saka galit na sinipa ang Ikatlo bago naglakad palayo.

Maya maya lang ay ang Ikalawang Pazap na muli ang nagsalita.

"Magkakaroon muli tayo ng isang tunggalian. Sa puntong ito, babae naman laban sa lalaki. Inaasahan kong magiging pantay lang ang lakas niyo kahit na magkasalungat kayo ng kasarian. Kayong mga kalalakihan, huwag niyong limitahan ang inyong sarili sa pakikipaglaban dahil lamang sa sila ay babae. Kayo namang mga babae, huwag kayong papatalo sa mga lalaki at patunayan niyong mas malakas kayo kaysa kanila, maliwanag ba?!"

"Opo!"

Nagkaroon muli ng pagpili kung sino ang makakalaban. At hindi ko inasahan ang sunod na nangyari.

"Dahil mas lamang ang bilang ng kababaihan sa kalalakihan. Ang mga babaeng walang makakalaban ay kami ang kanilang makakatunggali." sabi ng Ikalawang Pazap.

Nagsimulang pumili ng magkakalaban ang Ikalawa.

Kabilang kami ni Cahya sa mga naiwan.

"Cahya Yangchen, ang makakalaban mo ay ang Punong Pazap."

"Ano? Hala!" gulat na bulalas ni Cahya."Bakit naman ang Pinuno pa?" nakasimangot na reklamo niya na napatingin sa Punong Pazap.

Napabuntong hininga lang  ito.

Muling nagtawag ang Ikalawa. Ang tatlo pang natitira kong kasamahan ay  makakaharap din ang ikatlo, ikaapat at ikalima.

Ako nalang ang natitirang wala pang makakalaban. Natigilan nalang ako nang tumingin sakin ang Ikalawa Pazap.

"Ikaw Lham Tenzin, ako ang makakalaban mo." seryosong sabi nito na lihim kong ikinalunok.

Agad na nagsimula ang laban.

May parehong magagaling, may parehong mahina at may mahina laban sa malakas.

Mas naging interesado lang ang laban nang sumabak na ang Ikatlong Pazap at si Ugyen.

Napakagaling ng Ikatlong Pazap, ngunit kahanga hangang kayang makipagsabayan ni Ugyen.

Panay ang pagkalansingan ng kanilang mga espada. Halos liparin ni Ugyen ang pagsugod sa Ikatlo.

Hindi naman hinahayaan ng Ikatlo na madikitan siya ng espada nito kaya mabilis niyang naisasalag ang mga tira nito.

Pero mukhang pursigidong manalo si Ugyen. Seryoso lang siya sa kanyang ginagawa.

TENZINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon