17

3 0 0
                                    

"TOMORROW, we'll have a quiz. Class dismissed. Go on with your lunch break." ang sabi ng teacher namin sa Science matapos ang klase sa umagang iyon.

"Lham, tayo na!" excited na sabi ni Prince nang mauna siyang lumabas ng room.

Inayos ko muna ang mga gamit ko bago lumabas. Pero bago pa man ako makalabas ay may bumunggo sakin.

"Oh sorry!" paumanhin ko nang mabitawan niya ang phone niya at malaglag sa semento.

"Ayos lang..." aniya at pinulot ang cellphone. "Mukhang nasira nang tuluyan." natatawang aniya habang sinusubukan pang buhayin ang nabasag niyang phone.

"Hala! Sorry, hindi ko sinasadya." bigla akong na-stress at nakonsyensya. "Ipapaayos ko nalang. Ako na bahala sa pambayad."

"Hindi. Okay lang. Hindi mo naman sinasadya eh." aniya pa at saka ko lang siya natitigan ng husto. Napansin kong ngayon ko lang siya nakita sa school na ito kaya hula ko ay transferee siya.

At may itsura ha. Kayumanggi ang balat at perpekto ang mga hugis ng kanyang mukha.

Umiling ako. "Hindi. Ako na ang bahala. Ipaayos natin mamaya pagkatapos ng klase. By the way ano nga palang pangalan mo?"

"Kinley. Kinley Fortalejo. Kin nalang ang itawag mo sakin." nakangiti niya pang inilahad ang kanyang kamay.

Agad ko naman iyong tinanggap.

"Lham Tenzin."

"Hmm Tenzin." nagulat ako sa tono ng kaniyang boses pagkasabi niyon at mukhang napansin niya rin. "Ang ganda ng apelyido mo. Kasing ganda mo."

Natawa naman ako sa pambubola niya.

Pero bigla ko na lang naalala si Prince.

"Sige, basta mamaya ipaayos natin iyang phone mo ha. Mauuna na ako sayo." sabi ko at iniwan siya.

"Sa cafeteria ba ang punta mo?" habol niya at patakbong pumantay sa lakad ko.

"Oo." sabi ko lang na nagmamadaling hagilapin si Prince. Baka kung napano na yun.

"Pwede ba kitang sabayan kumain?"

Napatingin ako sa kanya habang hindi humihinto sa paglalakad.

"P-Pasensya na, may kasama kasi akong kumain."

"Ah nobyo mo ba?"

Agad akong napailing. "H-hindi. Kaibigan ko lang."

"Yun naman pala. Wala naman sigurong masama kung sabay tayong kumain."

Hindi ako nakasagot at nagtungo nalang sa Cafeteria. Pero bago paman kami makarating ay may natanawan akong pamilyar na lalaki.

Pinuno?

Kamukha nga ng Punong Pazap ang naglalakad na janitor na iyon sa field.

Pero napailing nalang ako. Imposibleng si Pinuno ang lalaking iyon.

"May problema ba?"

Napatingin ako kay Kinley. Napatingin narin siya sa direksyon na tinatanaw ko. Wala na doon ang janitor.

Umiling ako at pumasok nalang sa cafeteria. Agad kong hinagilap si Prince.

"Lham!"

Napalingon ako sa tawag na iyon ni Prince. Agad ko siyang nakita sa pwesto niya.

Nakaupo na siya at may naorder narin. Lalapit na sana ako nang mapansin kong may babae siyang kasama.

Napakunot ang noo kong nilapitan sila.

"Dito ka." aniya pang itinuro ang upuan sa tapat niya. Katabi niya ang babae. Nawala naman ang ngiti niya nang mapansin ang taong nasa likod ko. "Sino yan?" nagsalubong ang kilay niya.

TENZINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon