7

101 11 3
                                    

"ATE LHAM?"

Pareho kaming napalingon ng Punong Pazap kay Cahya. Kalalabas lang nito mula sa maliit na kwarto.

Kunot ang noo nitong nakatingin sa amin.

"Anong ginagawa mo dito Azhim(ate)?"

Lumayo sakin si Pinuno at bumuntong hininga.

"Napuwing siya nang sabuyan ng buhangin ni Sierra sa mukha. Dahil doon ay muntikan na siyang mabugbog ng walang kalaban laban. Dinala ko siya rito upang tulungang alisin ang mga buhangin sa kanyang mga mata."

"Ikaw Cahya, ayos ka na ba?" Nag-aalalang tanong ko saka tumayo at nilapitan siya. "Nawalan ka ng malay kanina."

Natatawa naman siyang napakamot sa ulo. "Akala ko kasi matatalo ko siya sa pag-iwas ko sa mga tira niya. Konti nalang sana at mapapagod na siya at ako na ang panalo."

"At paano ka naman mananalo sa iyong kalaban kung panay lang ang takbo mo?" nagsesermon ang tono ng Punong Pazap. Napanguso naman si Cahya. Nasisiguro kong magkakilala talaga sila. "Kumilos na kayo at tayo'y babalik na doon." utos pa nito saka lumabas ng kubo.

Umikot lang ang mata ni Cahya saka ako hinila palabas ng kubo.

Tapos na ang labanan nang makabalik kami roon. Hindi ko naman maintindihan kung bakit masama ang tingin sakin ni Sierra. Kung may dapat mang magalit doon ay ako iyon sapagkat hindi siya naging patas sa aming laban.

Ganoon din naman ang Ikalawang Pazap. Ngunit mas galit ito sa aming pinuno.

Pero kung ako ang tatanungin, ang Punong Pazap ang nararapat masunod doon dahil ito naman ang pinakamataas ang rango sa amin. Marahil na hinayaan lang siya ng pinuno na pangunahan ang mga gawain sapagkat nirerespeto siya nito bilang pinakamatandang Pazap.

"Humayo kayo at maghanap ng ating kakainin sa tanghalian!" Maya maya'y anunsiyo nito. "Siguraduhin niyo lang na marami ang makukuha ninyo upang mayroon tayong kakainin para mamayang gabi. Naiintindihan niyo ba?!"

"Opo!!" sabay sabay naming sigaw.

"Maari na kayong umalis."

Agad naman akong lumapit kay Cahya. "Maari ba tayong magsama sa panghuhuli?"

"Oo naman, upang mas marami tayong mahuli."

Lumapit na kami sa mga nakatambak na pana at palaso. Kumuha ako ng isang pana at mga palaso at isinukbit iyon sa aking likuran.

Agad naming nilisan ang kampo at pinasok ang kagubatan.

"Ang totoo niyan, kaya ako nagpapasama sa iyo ay nais kong turuan mo akong mamana ng mga hayop."

Natigilan naman siya at humarap sa akin. "Ha? Bakit hindi ka ba marunong gumamit ng pana at palaso?"

Napabuntong hininga ako. "Marunong akong gumamit ng mga ito subalit naaawa akong kitilan ang mga hayop."

"Sus, kahit naman hindi mo sila patayin, hulihin mo man sila ng buhay ay kakailanganin mo parin silang patayin upang maihain."

May tama naman siya. Kailangan ko na talagang alisin ang mga kahinaan kong ito.

"Huwag kang mag-alala, tuturuan kitang masanay doon."

Napangiti naman ako at sinundan siyang pumasok sa liblib na gubat.

Maya maya ay sinenyasan niya akong tumahimik.

May natanawan siyang isang usa sa di kalayuan.

Agad niyang kinuha ang kanyang pana at palaso saka itinutok sa dereksyon ng usa.

TENZINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon