4

166 11 0
                                    

MATAPOS ang nangyari kay Lham, agad siyang inihatid kasama ang prinsipe sa palasyo. Mabilis siyang inasikaso ng mga manggagamot.

Nalaman na iyon ng hari at reyna. Ang mga magulang naman ni Lham ay nagmadali papunta roon.

Malubha ang naging kalagayan ng dalagita. Malaki ang hiwa sa kanyang likod upang halos maubusan siya ng dugo.

Sa sobrang pag-alala ng kanyang ama ay halos bulyawan nito ang mga gumagamot.

Ang kanyang ina naman ay nagprisentang siya na ang gagamot.

"Tumabi kayo, ako na ang gagawa.."

"Ngunit hindi mo ito tungkulin." Gulat na sabi ng isang manggagamot.

"Bago pa ako naging hukom, isa muna akong doktor. Kumpara sa inyo, mas marami akong alam at napag-aralan. Ngayon kung maaari, tumabi ka, naghihingalo na ang anak ko!" Seryoso at galit na sabi ni Dema.

Natakot naman ang manggagamot at nagmadaling bigyan ng daan si Dema.

Ilang oras ang inilaan ni Dema upang gamutin at tahiin ang sugat ni Lham. Mabuti na lamang at nakapagdala siya ng mga aparato at dugo na nanggaling pa sa pilipinas. Marami silang ganoong bagay na nakatambak sa templo.

Sapagkat inaasahan nila ang mga ganoong pangyayari sa bansa. Ngunit ang pamilya lamang nila ang may ganoon sa buong bansa.

Dahil nga sa gusto ng mga naging hari ng iba't ibang hinerasyon na mapreserba ang kultura ng bansa, sarado ang isip ng mga ito sa pagbabago at pag-unlad ng bansa. Katulad nalang ng pagtatayo ng istruktura gaya ng ospital.

Nang matapos niyang tahiin ang sugat ni Lham ay nagpasya silang iuwi ang dalagita sa kanilang templo upang doon lubusang magpagaling.

Kinausap naman sila ng hari bago umalis.

"Humihingi ako ng dispensa sa nangyari sa inyong anak. Dahil sa anak kong prinsipe, nalagay sa panganib ang inyong anak..."

Yumukod naman ang mga magulang ni Lham.

"Wala po kayong dapat ihingi ng tawag mahal na hari." Sabi ni Dema. "Tama lang po ang ginawa ni Lham. Malapit na siyang sumabak sa ensayo upang maging Pazap kaya naman tungkulin niyang protektahan ang prinsipe..."

"Kung gayon ay lubos akong nagpapasalamat sa inyong anak. Hindi ko ito makakalimutan, nararapat lang siyang parangalan."

Nakangiting umiling si Dema. "Hindi na po kailangan iyan mahal na hari. Karangalan po naming iligtas ang mahal na prinsipe."

NANG maiuwi nila sa templo si Lham ay sobra ang pag-aalala ng kanyang lola at lolo. Mangiyak-ngiyak pang dinaluhan ni Madison ang kanyang apo na wala paring malay hanggang sa sandaling iyon.

"God! What just happened?"

"She saved the prince..."

"What?" Gulat na tanong ni Chairman Tenzin. "Bakit? Ano bang nangyari sa prinsipe?"

"May mga tulisan ang biglang nagpakita sa kanila. Balak nilang patayin ang prinsipe. Mabuti nalang at dumating ang isang kawal ng prinsipe upang sila ay matulungan. Ngunit nag-iisa lang ang kawal ng prinsipe. Dahilan para sila ang pagtuunan ng pansin ng iba pang tulisan."

"Kahanga hanga si Lham." Ani Chairman. "Hindi siya nagdalawang isip na protektahan ang prinsipe, kahit na ikinapahamak niya iyon."

AGAD nilang inihiga si Lham sa kanyang kwarto. Binantayan ng mag-asawa ang kanilang anak at hinintay na magising ito.

Ilang oras din ang lumipas bago nagkamalay ang dalagita. Agad siyang dinaluhan ng kanyang mga magulang.

"Gising kana anak..." Natutuwang saad ng kanyang ama. "How are you feeling?"

TENZINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon