5

123 9 7
                                    

NANG makabalik ako sa aming kampo ay ako na lamang pala ang kanilang hinihintay.

"Napakatagal mo." galit na turan ng Ikalawang Pazap.

Nailapat ko ang aking mga labi at napayuko. "Paumanhin po..."

"Sa tagal mong namalagi sa gubat, iyan lang ang nakuha mo?" Di makapaniwalang sambit nito.

Kaya napatingin ako sa mga nahuli ng aking mga kasama.

Bahagyang nanlaki ang mata ko nang halos katiting lang ng huli nila ang dala ko.

May nakapatay ng baka, usa, baboy ramo, malalaki at mararaming isda at manok.

Napatingin ako sa aking mga nakuha. Isang pirasong isda. Kung hindi lang siguro ako iniwanan ng manok sa daan ng Pangunahing Pazap ay baka mas lalong magalit sakin ang Ikalawa.

Hinanap ng aking paningin ang Punong Pazap. Nang magtagpo ang aming mga mata ay seryoso lamang siya saka nag-iwas ng tingin sakin.

"Sige na, agad niyong katayin ang lahat ng inyong dala, iyong mga nakakuha ng baka ay kalahati lamang ng karne ang inyong iluto. Ibilad ninyo sa araw ang matitira upang maiulam natin mamayang gabi."

Agad naman kaming kumilos. Dahil hindi ko naman alam kung anong gagawin ko ay sinundan ko nalamang ang mga kasamahan ko.

Doon ako sumunod sa may nakahuli rin ng manok.

Pinapanood ko siyang mag gilit ng leeg ng manok kaya naman napalunok ako at bahagyang nanlaki ang mga mata. Napansin naman iyon ng batang lalaki.

Natawa siya sa itsura ko. "Halatang wala kang karanasan sa ganitong gawain."

Napanguso ako. "G-Ganon na nga.."

"Kilala namin ang mga Tenzin, sinong hindi makakakilala sa pinakamayamang pamilya sa bansang ito bukod sa palasyo."

Hindi naman ako nakapag salita. Isinabit ko muna ang nakatali kong huling isda sa sanga ng puno malapit sa amin saka sinimulang tanggalan ng mga balahibo ang leeg ng manok.

"Sa murang edad namin ay natuto na kaming gawin ang mga ganitong bagay. Kaya naman hindi na kami nahihirapan ngayon. Hindi tulad mo, bago ang lahat ng ito sayo. Hindi naman kita masisisi. Hindi mo naman kasi kailangang kumilos sa inyong tahanan sapagkat marami kayong tagapagsilbi."

Nakita kong pinatutulo niya sa maliit na mangkok ang dugo ng manok. Naawa ako sapagkat kumikisay ang manok habang nauubusan ng dugo.

"Ikaw naman." utos niya saka ibinigay ang kanyang punyal. Ilang segundo ko muna iyong tinitigan bago tinanggap. "Higpitan mo ang kapit ng manok upang hindi ito makawala.

Ganoon nga ang ginawa ko. Pinigilan ko ang awa ko habang idinidikit na sa leeg nito ang punyal.

Huminga muna ako ng malalim bago iyon ginilitan. Gumalaw ng malakas ang manok kaya tumapon ang ilang tulo ng dugo nito.

Hinigpitan ko pa ang kapit ko rito. Mabuti nalang at dati pang nakatali ang mga paa niyon.

Napabuntong hininga ako nang hindi na gumagalaw ang manok.

Itinuloy ko nang alisan ng balahibo ang manok hanggang sa luminis na ito.

Mabuti nalang at mabait ang batang lalaki sapagkat tinuruan niya akong maghiwa ng karne ng manok.

Niyaya ako ng batang lalaki na sumama papunta sa mga kasamahan naming nagpapakulo ng tubig sa malaking kaldero.

Inilapag ko na muna ang aking karne saka kinuha ang aking nahuling isda at lumapit sa malaking container na may lamang tubig.

TENZINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon