KABANATA 18:
Malamig ang gabi habang nakaupo ako sa sahig ng sala, nakasandal sa gilid ng sofa habang nakayakap sa sarili kong mga tuhod. Tahimik kong pinapanood si Mommy habang maingat na tinatahi ang sugat ni Kinley.
Hindi na bago sa akin ang ganitong eksena. Sa Bhutan, kahit mga bata, sanay nang makakita ng mga tahi, pagpapalit ng benda, at kung paano rumesponde ang katawan sa mga injuries mula sa training. Pero sa lahat ng beses na nakakita ako ng ganito, ngayon lang bumigat nang ganito ang dibdib ko.
Si Kinley ay nakaupo sa long sofa, nakataas ang shirt hanggang dibdib habang nakatitig lang sa kisame. Halatang pinipigilan niya ang sakit—yung paminsan-minsang pagkunot ng noo at bahagyang panginginig ng labi—pero wala siyang reklamo. Not even a single word.
Sa tabi niya, nakaupo si Mommy sa stool na kinuha niya sa kitchen. Mabilis at maingat ang mga kamay niya. Alam ng bawat Pazap na ang mga kamay ni Mommy ay may dalawang purpose: panlaban at pangligtas. Ngayon, she's doing the latter.
Tinanaw ko ang sugat mula sa pwesto ko. Dalawang tahi. Based sa haba ng thread at pagkakagupit ni Mommy, hindi naman ganoon kalalim ang hiwa, pero hindi pa rin ako mapalagay.
Kahit manipis na sugat lang na gawa ng isang Bhutanese blade, sapat na itong proof ng isang delikadong katotohanan: Nakarating na sila rito.
Nasa Pilipinas na ang mga tulisan ng Emperyo—sa mismong lungsod at subdivision namin—at ako ang hinahanap nila o ang prinsipe. Napahigpit ang kuyom ng kamao ko sa ibabaw ng tuhod ko. Bata pa lang ako, kilala ko na ang tulisan. Parte na ng Pazap education ang mga kwento tungkol sa kanila bilang banta sa kaharian ng Bhutan.
For decades, pilit silang sumasalusot—through agents, spies, and bribes. Minsan nagtatagumpay sila sa maliliit na bagay, pero never sa malakihan. Hanggang ngayon.
This is the first time na naramdaman ko ang presensya nila nang ganito kalapit at kapersonal. Hindi na lang ito kwento ng mga mentors ko; reality na ito na nangyari sa isang madilim na kalye sa subdivision namin, sa harap ng taong kasama ko ngayon na may tahi sa tagiliran.
"Tapos na," mahinahong sabi ni Mommy habang tinatapalan ng gauze ang tahi. "Two stitches. Malinis ang pagkaka-cut. Swerte ka—a few centimeters more and pwedeng tinamaan ang main artery, and that would be a different story."
"Salamat po," ngiti ni Kinley. It was a genuine smile—walang halong pilit. It's the kind of smile from someone who accepts pain as a part of life. "Ang galing niyo po."
Bahagyang napangiti si Mommy. Pamilyar ako sa ngiting 'yan—the professional look of a doctor observing a patient without making them feel scrutinized. "Salamat. Lham."
Tumingin ako sa kanya. Nagtaas siya ng kilay at tumingin sa kabilang corner ng sala, malayo sa pandinig ni Kinley. Signal 'yun. Tumayo ako at sumunod sa kanya.
"Sino sila?" direct na tanong ni Mommy.
"Mga tulisan mula sa Imperyo," sagot ko. "Mukhang na-trace nila tayo."
Hindi nagulat si Mommy. Expected na niya. Bilang Punong Mahistrado, sanay siya sa bad news. "Ilan sila?"
"Tatlo. Isang babae at dalawang lalaki. The woman was the leader—siya ang pinakamabilis kumilos. The two guys were just backup."
"May naiwan bang ebidensya?"
Inilabas ko sa bulsa ko ang maliit na dagger na sinalo ko kanina. Kinuha ito ni Mommy at sinipat ang handle at ang talim. "Bhutanese blade. Made of Thimphu steel. Ginagamit lang ito ng mga special agents, hindi ng common soldiers. This was an organized mission."
Tumingin siya kay Kinley na dahan-dahang humihiga sa sofa. "Sino siya?"
"Kaklase ko. Bagong transferee. Timing lang na nandoon siya nung nilusob nila ako," paliwanag ko. "He's not part of this."
"Are you sure?"
Natigilan ako. Simple lang ang tanong, pero ang bigat.
"Lham," seryosong sabi ni Mommy. "In your line of work, you always have to ask that. Kahit sa mga taong akala mo kilala mo na. Precautions are not the same as lack of trust. Ang pag-iingat ang nagpapanatili sa safety mo at ng misyon mo."
Tinapik niya ang braso ko. "Palitan mo ang bandage mo tomorrow. At yung labi mo—avoid sour or hot food para hindi mamaga."
"Opo, Mommy."
"And if they come back—"
"I'll handle it. I can do this."
Bumuntong-hininga si Mommy—ang buntong-hininga ng isang ina na kailangang maging lider. "Alam kong kaya mo. At 'yun ang kinakatatakutan ko, anak. You trust your own strength too much. Sometimes, you need to accept that some things are more important than just being strong."
Umakyat na siya sa taas, iniwan kaming dalawa ni Kinley sa sala.
Umupo ako sa sofa sa tabi niya, pero nag-iwan ako ng space. "Ayos na ba ang pakiramdam mo?"
"Medyo," ngiti niya. "Mas masakit pala yung tahi kaysa sa mismong sugat. Unexpected."
"Normal 'yan. Sleep it off. Mas mabilis ang healing pag nagpahinga ka."
"Sige," sabi niya, pero hindi siya pumikit. Nakatitig lang siya sa kisame. "Lham... sino ba talaga sila?"
Huminga ako nang malalim, tinitimbang ang sasabihin. "H-hindi ko rin alam eh."
Nanatili siyang nakatitig sa akin.
Ang weird ng feeling sa dibdib ko. Marami nang nagsabing nagtitiwala sila sa akin—si Prince, si Mommy, si Punong Pazap. Pero sila, taon ang binilang bago nabuo 'yun. Si Kinley? Ilang araw ko pa lang siyang kilala.
"Kin," bulong ko. "Bakit mo ginawa 'yun? Bakit ka humarang?"
"Kasi nandoon ka," simpleng sagot niya.
"That's not a valid reason."
"Para sa akin, sapat na 'yun. Ganyan ako pinalaki. If someone's in danger, you help. Hindi mo na tinitimbang kung safe ka ba o kung may mapapala ka."
"So, handa kang mamatay para sa taong halos hindi mo pa kilala?"
Natawa siya nang bahagya. "Hindi naman sa handang mamatay. Handa lang masaktan nang konti for someone I feel like protecting."
"Baliw ka talaga," napailing ako.
Nagtangka siyang tumawa pero napa-aray dahil sa tahi. "Mag-ingat ka nga, huwag kang tatawa."
"Yes, po," biro niya habang hinihipan ang bandage niya na parang bata. Napangiti ako, pero binawi ko rin agad. "Matulog ka na."
Nagising ako ng 6:00 AM—sanay na ang katawan ko sa maagang gising mula sa training. Pero pagbaba ko, wala na si Kinley. Maayos ang kumot at may iniwan siyang note sa ibabaw ng unan.
Salamat sa pag-aasikaso. Maaga akong umalis para hindi makaabala. Ingat lagi, Lham. P.S. Magaling magtahi ng sugat si Mommy mo—may 'dignidad' yung tahi niya. — Kin
Napangiti ako. "Dignidad?" Ibang klase talaga siyang mag-isip. Itiniklop ko ang papel at ibinulsa.
Nag-check ako ng phone at nag-text sa kanya.
Lham: Kinley. Change your bandages this morning. Don't get it wet.
Seconds later, nag-reply siya.
Kin: Opo, Doktora. Haha. Ikaw rin, change yours. Stay safe today.
Huminga ako nang malalim habang umiinom ng kape. Umiikot ang isip ko. Kinley Fortalejo is a puzzle. Pwedeng totoo ang lahat ng pinapakita niya, pwedeng hinde. This is the most dangerous situation for a Pazap—yung hindi mo alam kung friend or foe ang nasa harap mo dahil nagsisimulang makialam ang emosyon mo.
Kailangan ko ng mas maraming info tungkol sa kanya. Habang hindi pa malinaw, I'll keep my distance. Pero yung ngiti sa labi ko? Mahirap burahin.
Problema ka talaga, Lham Tenzin.
BINABASA MO ANG
TENZIN
ActionHIGHEST PEAK: #2 ganti, #2 higanti, #2 hari After the decades of continuous support, obedience and loyalty of the people to the Kingdom, isinilang ang natatanging mandirigma na siyang pupukaw sa mga natutulog na damdamin ng karamihan. Bata pa lamang...
