MALAPIT nang lumubog ang araw ngunit tila wala sa bukabolaryo ng dalagang si Lham ang pagod sa pagsisiyasat sa kabuuan ng bayan ng Paro. Hinalughog niya ang lahat ng bahagi ng bayan lalo na ang kung saan nakatira ang namatay na punong ministro. Kasama niya ang tatlo sa kapwa niya Pazap sa paghahanap ng mga bakas na makatutulong upang kaniyang matuklasan ang tunay na may sala.
Kailangan niyang makahanap ng ibedensya na makapagpapatunay na walang kinalaman ang Punong Pazap sa pagkamatay ng punong ministro.
Ilang araw na siyang hindi umuuwi sa Templo ng mga Tenzin sapagkat ayaw niyang masayang ang mga araw nang hindi nabibigyang linaw ang mga nangyari sa Palasyo.
Hindi na niya kayang nakikitang pinahihirapan sa bilangguan ang kanyang mahal lalo na't sa tingin niya ay kasalanan niya ang nangyari dito.
Natagpuang patay ang punong ministro sa silid nito na duguan at wala nang buhay. Nakatarak pa ang punyal na ibinigay sa kanya ng Punong Pazap bilang regalo sa kanyang kaarawan. Meron iyong tatak na araw na katumbas ng pangalan nitong Surya na ang ibig ding sabihin ay 'Araw'.
Sa una ay siya ang ipinadakip ng reyna sapagkat ang akala nila ay siya ang nagmamay-ari ng punyal na iyon. Ngunit inako ni Surya ang punyal na iyon dahilan para ito ang dakpin at parusahan.
Sa halip na sa Parliyamento ng Thimphu ito litisin ay iniutos ng reyna na ikulong at pahirapan ito sa piitan ng palasyo sapagkat ayon sa reyna, taga-palasyo ang napaslang kaya nararapat lang daw na siya ang mag-litis sa Punong Pazap.
Nalalapit na ang parusang kamatayan nito at bago pa man iyon mangyari ay kailangan niya nang malaman ang totoo.
Nagdududa siya sa reyna. Batid niyang ito ang nasa likod ng karumal-dumal na pangyayari at nais nitong siya ang lumabas na may sala ngunit hindi ito nag-tagumpay sapagkat inako ng Punong Pazap ang kanyang kasalanan na alam nilang pareho na hindi nila magagawa ang bagay na iyon at napagbintangan lamang.
Ang ipinagtataka lamang niya ay kung talaga bang kayang patayin ng reyna ang punong ministro gayong ang alam niya'y magkasundo ang mga ito sa maraming bagay.
Mas lumaki ang galit sa kanya ng reyna nang maging isa siya sa tagapagbantay sa itinakdang prinsipe. Noon pa man ay marami nang ibinalak na masama ang reyna sa itinakdang prinsipe.
Ang reyna ay hindi kayang magsilang ng tagapagmana kaya nag-asawang muli ang hari at tagumpay namang nag-silang ng prinsipe ang babae ng hari.
Hindi nagtagal ang buhay ng babae ng hari dahil sa sakit nito. May usap usapan sa labas ng palasyo na paunti-unting nilalason ng reyna ang ikalawang asawa ng hari upang masiguro nitong hindi maagaw ang kanyang trono.
Nang mamatay ang ina ng itinakdang prinsipe, ang reyna ang nag-alaga rito na siyang sinadya niya upang muling manumbalik ang tingin ng hari sa kanya na noon ay naibaling nito sa babae nito.
Lingid sa kaalaman ng hari, ilang beses pagtangkaan ng masama ng reyna ang prinsipe. Di naglaon ay nag-utos ang hari na kunin siya kasama ang Punong Pazap bilang tagapagbantay at kawal ng itinakdang prinsipe upang mailigtas ito sa anumang panganib.
Gusto ng hari na ang anak niya sa kanyang babae ang sumunod sa kanyang trono na siyang lihim na tinututulan ng reyna.
At upang mailayo si Lham sa prinsipe, maraming beses siyang sinubukang pabagsakin ng reyna. At nitong huli lang ay muntikan na siya nitong makanti. Alam ng reyna na hindi maganda ang naging pag-uusap niya at ng ministro. May lihim na pagnanasa sa kanya ang punong ministro at minsan na niya itong muntikang saktan dahil sa pagtangka nitong pagsamantalahan siya. Buti nalang at nariyan si Surya para maprotektahan siya.
Iyon din ang ginamit ng reyna upang mas lalong maipit ang Punong Pazap dahil minsan na nitong nasaktan ang punong ministro upang maligtas lang ang dalaga sa binabalak nitong masama.

BINABASA MO ANG
TENZIN
AksiHIGHEST PEAK: #2 ganti, #2 higanti, #2 hari After the decades of continuous support, obedience and loyalty of the people to the Kingdom, isinilang ang natatanging mandirigma na siyang pupukaw sa mga natutulog na damdamin ng karamihan. Bata pa lamang...