1

1.3K 34 10
                                    

DEMA TENZIN

PAGKALAPAG ng aming chopper ay bakas ang paghanga at pagtataka sa mukha ng aming anak na si Lham. Pagkababa namin ay agad niyang inilibot ang kanyang mga mata sa mga tanawing naaabutan ng kanyang paningin.

Sa murang edad ay marahil naninibago siya sa klima at tanawin ng lugar.

"Mom, are we gonna live here for good?" Tanong niya at nakangiti naman akong tumango.

"Medyo matagal tayong mag-i-stay dito anak. Do you like it here?" Tanong ko.

Tumango naman siya at sinuyod muli ang lugar. "Diyan po ba tayo titira?" Pagkuway tanong niya muli at itinuro pa ang Templo ng mga Tenzin.

Nakangiti muli akong tumango. "Oo, anak, diyan tayo titira. Diyan rin nakatira ang lolo at lola mo.."

Namilog ang kanyang bibig sa pagkamangha. "Wahhh...It's like a castle. So, I'm gonna be the princess here." Tuwang tuwa niyang usal.

"Let's go anak.." Anyaya ko saka binalingan ang asawa. Tinutulungan nito ang aming tauhan sa pagbaba ng aming mga bagahe.

Nagtataka lang ako nang mapansing tila kinakabahan siya. Noon ko lang din napagtanto, alam kong natatakot siya at nag-aalala para sa aming anak. Hindi naman kasi kami pumunta rito para lang magbakasyon. May mahalagang rason kung bakit naroon kami.

"Are you okay, hon?" Tinanong ko parin siya.

Pilit siyang ngumiti saka napabuntong hininga sinulyapan ang aming anak. "Medyo kinakabahan lang ako.."

Lumapit naman ako at hinawakan ang kanyang kamay.

"Hon..."

"I know..." Aniya saka lumapit sa anak upang haplusin ang pisngi nito. "Noon ay ayos lang sa akin na magkaroon ng anak. May tiwala akong makakayanan niya iyon dahil nasa dugo niya ang pagiging Tenzin, pero ngayong nandito na tayo, I don't know.. Nakakaramdam na ako ng takot." Kunot lang ang noo ni Lham nang nakatingin sa amin. Marahil ay di pa niya maunawaan ang aming pinag-uusapan.

Napabuntong hininga nalang ako. "Wala tayong ibang choice kundi ang gabayan, alalayan, samahan at turuan si Lham para sa ikabubuti niya."

Napangiti naman siya kahit papano. "Tama ka hon, mapagtatagumpayan niya ang lahat ng iyon dahil sasamahan natin siya."

Naglakad na kami papasok sa templo kung saan kami nakatira.

"Lolo!" Tuwang sigaw ni Lham nang sumalubong si Daddy sa amin. Naroon din ang Mommy.

"Apo!" Magiliw na bati ng kanyang lolo. "I missed you so much apo." Dagdag pa nito nang kargahin ang kanyang apo at halikan sa pisngi.

"Me too, lolo.." Masayang sabi naman ni Daddy.

"How about lola? No hug for me?" Ani Mommy.

Ibinaba naman ni Dad si Lham. Lumuhod si Mommy upang yakapin at halikan ito sa pisngi.

"So, how's your flight little princess?"

"It's good po lola." Sagot ng bata.

"Oh, that's great. Did you miss me also? 'Cause I've missed you so much."

"Of course, I've missed you too, Lola."

DUMAAN ang ilang araw na pamamalagi namin sa bansang Bhutan at inuunti unti naming inihahanda si Lham. Kailangan namin siyang sanayin sa paghawak ng pana at pati narin sa martial arts. Ilang buwan nalang ay sasabak na siya sa ensayo at ayukong matulad siya sa akin noon na walang kaalam alam sa paghawak ng pana at palaso.

"Why are we wearing these, Mom, Dad?" Tanong niya nang pareho kaming nakadamit ng Kira. Ang kanyang ama naman ay nakasuot ng Gho.

Obligasyon naming magsuot ng ganoon sapagkat ginawa nang batas ang pagsuot ng mga tradisyonal na kasuutan sa labas ng tahanan. Kapag nasa loob kami ng aming templo ay malaya kaming naisusuot ang aming gustong kasuutan.

TENZINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon