#CCD 11 | Conference Love

417 9 0
                                    

Wednesday. 01:43AM

Sabi sa orasan ng computer sa station ko. 143. I Love You.

Pwede rin, I Hate You.

"Ewan!"

Sabi ko sa sarili ko pero mukhang napalakas ata dahil napatingin sa akin ang mga teammates ko. Bumalik din naman agad sila sa kanilang ginagawa. Kaka-lunch break lang namin at auto-in na naman in 2 minutes. Makikipag-usap sa mga problemadong customer. Aayusin ang kanilang problema, sasagutin ang kanilang mga tanong at pagbibigyan sa mga gusto nilang gawin.

Sana meron customer service o technical support para sa lahat ng problema. Yung tatawag ka kasi wala kang pera. Tatawag ka kasi nahihirapan ka sa school. Tatawag ka kasi nawawala ang alaga mong pusa. Tatawag ka kasi napagalitan ka ng parents mo. Tatawag ka kasi wala kang boyfriend or girlfriend. At kung in-a-relationship ka na, tatawag ka kasi nag-away kayo. Kasi kung meron man, ako ang pinaka-unang tatawag.

Tatlong araw na ang nakakalipas ng mangyari ang nangyari. Nalaman ni Khel na bumili ako ng phone para sa kanya at salungat sa inaasahan kong reaksyon niya, na normal sanang reaksyon ng taong nabigyan ng regalo, hindi siya naging masaya.

"You know I can't accept that phone. You can either return it, sell it or give to someone else. I don't care! But I won't accept it!" Naalala ko pang sabi niya habang nakaupo kami sa may sala ng apartment ko. Di ko malimutan kung paano siya nagalit, dagdag pa na nagsinungaling ako sa kanya.

"Bumili lang ako ng phone. Bakit parang ang laki-laki ng kasalanan ko?" Di ko na napigilan ipagtanggol ang sarili ko. Alam ko naman may kasalanan ako, pero hindi ko pa rin maintindihan bakit ganito na lang ang reaksyon niya. "Di ko naman pinipilit na tanggapin mo. Kung ayaw mo talaga, okay fine. End of discussion. You don't have to be upset." Paliwanag ko pa sa kanya.

"I'm not upset."

"Really? Bakit yun ang nakikita ko? Yun ang nararamdaman ko." Putol ko sa kanya bago ako tumayo at naglakad papasok sa room ko.

"JM!" Bumalik ako sa kasalukuyan ng marinig ko ang pagtawag ni Xander na nasa katabi kong station.

"Nag-ping na ang workforce. Over-lunch ka na."

"Sorry. Sorry. Thanks Xander." Sabay auto-in ng avaya ko.

"Malalim na naman iniisip mo. Sigurado akong...." Di niya natuloy ang kanyang sasabihin ng pasukan siya ng calls. Ngunit alam ko rin naman ang gusto niyang sabihin - si Khel. Lagi naman siya ang nasa isip ko, at alam 'yan ni Xander.

Di umabot ng isang minuto'y may pumasok na rin call para sa akin. Simula na ulit ang trabaho. Mga dalawa o tatlong calls pa ang nasagot ko bago nawala sa utak ko si Khel. Nag-focus na lang ako sa mga issues ng mga customers na alam kong nare-resolve ko. Mahirap, totoo pero mamaya ko na lang iisipin ang sarili kong issues. Hanggang sa di ko namalayan na last break na pala, at ilang oras pa ang dumaan ay end of shift na.

"JM? May pupuntahan ka?" Tanong ni Xander ng mag-abot kami sa locker area. Seryoso ang kanyang mukha at halatang kinakabahan.

"Wala naman. Dadalawin lang namin ni Christa si Alex. May sakit daw e." Sagot ko habang inaayos ang aking headset at tumbler sa locker.

Huminga siya ng malalim at akmang magsasalita pa ng biglang dumating si Christa. "Xander? Sasama ka sa amin?"

"Yeah. Sure." Tanging nasabi niya.

"Ano na yung sasabihin mo kanina?" Tanong ko sa kanya paglabas namin ng locker area. Pati si Christa ay nakatingin sa kanya't tila naghihintay rin ng sagot.

"Next time na lang. Di naman importante e." Sabi niya at napansin ko ang pagkadismaya sa kanyang mukha. Agad din iyon napalitan ng mga pilit na ngiti.

Call Center Diary (boyXboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon