#CCD 5 | Coffee Break

493 12 0
                                    

"Sabi ni Rey kay Alex, ay initially kailangan lang ni Michael ang pera for his graduation. So Rey offered the job which he immediately refused. But after a few days, bigla na lang nagbago ang isip ni Michael. And just recently nalaman ni Rey na nakatanggap pala ng call si Michael from his parents kasi may sakit daw ang anak niya." Salaysay ni Christa habang tinitimpla ang kanyang kape.

"Did you just say 'anak'? May anak na si Khel." Pagkomperma ko kung tama ba ang mga narinig ko.

"Oo. Anak as in baby? Maliban na lang kung iba definition mo ng 'anak'." Sarkastikong tugon niya. Kahit kailan talaga, di ko makakausap ng matino itong mga kaibigan ko.

Binuksan ko ang ref at kinuha ang box ng freshmilk. Hinanap ko ang expiry date para masiguradong fresh pa talaga ito. Di naman ako nabigo. Inalog ko ito sandali at dahil tinamad na akong kumuha ng lalagyan, sa box na mismo ako uminom.

Pagkatapos ay umupo ako ulit sa tapat ni Christa. Hindi pa rin maalis sa utak ko na may anak na si Khel. Hindi naman sa ini-expect kong hindi siya magkakaanak pero nagulat lang talaga ako. At may kung anong sakit na naman sa puso ko nang marealize ko na ibig sabihin lang nito ay may asawa na rin siya. Uminom ako ulit ng gatas mula sa box. Bakit ba kasi ito nangyayari? Sana hindi na lang kami nagkita ulit? Lord, bakit?

"JM? Fresh milk 'yang hawak mo. Hindi beer. Kahit ilang beses ka pang uminom, hindi ka malalasing." Saway ni Christa sa akin. Du'n ko lang napansin na halos wala ng laman ang hawak kong box.

"Alam mo nakaka-relate ako kay Michael. Tulad ko rin siyang single parent kaya naiintindihan ko bakit siya pumayag na gawin yung inalok namin sa kanya." Putol ni Christa sa katahamikan sandaling namagitan sa amin.

"Kasi when you became a parent, gagawin mo lahat para sa anak mo. Kapag nagkasakit sila, kakalimutan mo ang hiya at lahat na. Kakapit ka sa lahat ng pwedeng kapitan, masigurado lang na gumaling sila. Na maging ligtas sila sa kapahamakan. Madalas bibitiwan mo na rin ang mga gusto at kailangan mo para lang maibigay lahat ng kailangan nila. Si Michael, pinili niyang huwag na lang sumali sa graduation o ipa-ospital ang paa. Agad niyang pinadala ang pera para sa kanyang anak na may sakit."

Lalo pa akong nabigla sa mga sinabi ni Christa. Nakonsensya ako at nahiya sa inasal ko nung gabing mag-abot kami ni Michael sa club. Sinigawan ko pa siya at sinabihan ng masasakit na sila.

"Bakit di man lang siya nagpaliwanag? Maiintindihan ko naman."

Binaba ni Christa ang kanyang baso. "Well, QA mode tayo ha. First, you assume."

Magsasalita sana ako para ipagtanggol ang sarili pero pinigilan ako ng kanyang nakakamatay na titig. Saka siya nagpatuloy.

"Again, you assumed. Bago ka pa man nagtanong, e may sagot ka na sa utak mo. Akala mo alam mo talaga 'yung isasagot base sa kung anong unang nakita o narinig mo. Second, yes! You did ask question pero hindi mo naman hinintay ang sagot. Kasi nga nag-assume ka na alam mo na ang sasabihin niya. Third, he is right. We've been friends for years at masasabi kong ikaw yung taong kapag nagalit, sarado na 'yan utak mo - no offense, okay?"

"None taken"

"Good. And lastly, nakainom ka. No correction ka, lasing ka."

Natigilan ako. Feeling ko tuloy ang sama-sama ko na. Aminado kasi akong kapag galit ako, kulang na lang literal kong tatakpan ang tenga ko. Hindi rin ito excuse pero iba na ang tama ng beer sa akin ng gabing iyon.

Ilang sandali pa'y may narinig kaming tatlong magkakasunod na katok mula sa pinto. Tumayo ako para ibalik sa ref ang box ng freshmilk. Pinakiusapan ko na lang si Christa na tingnan kung sino ang nasa labas. Sigurado naman akong si Alex iyon dahil may usapan kaming dito mag-aagahan sa apartment.

Call Center Diary (boyXboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon