'Is there anything else?'
Ang dapat sana'y itatanong ko kay customer bago ang closing spiel pero di ko na ginawa. Bahagi ito ng QA guideliness kaya good luck talaga kapag namonitor 'tong call.
"Thank you for..."
Binabaan ako ng customer kaya di ko natapos ang aking closing spiel. Either gusto niyang gumanti or na-realize niyang nagmamadali na ako. E paano naman kasi magdadalawang oras na kami. OTTY or Over-Time-Thank-You na ako ng 30 minutes.
Sinave ko na lang ang notes ko.
CTRL + ALT + Delete - Locked Computer
Nga pala, bawal rin i-lock ang computer kapag out na. Sabi ng IT, kapag may susunod na agents ay kailangan Log Off. Kapag wala, Shut Down. Pero sabi nga, bawal o mali lang isang bagay kapag nahuli ka. :p
Pagkalabas ko ng floor, diretso ng locker area, konting ayos ng sarili sa restroom at pababa na ako sakay ng elevator. Pagbukas ng pinto, dali-daling pumasok ang ibang agents. Medyo nainis ako dahil di man lang kami hinintay makalabas muna. Palibhasa naghahabol sa oras kasi late na. Nang sa wakas ay makadaan na, naglakad na ako patungong exit ng building.
"Good morning sir! Out na kayo?" Masayang bati ni manong guard. Kung nandito lang si Alex, sasagot iyun ng 'Hindi. Papasok pa lang. Trip kong dumaan sa exit pero papasok pa ako.' Natawa na lang ako't napansin kong may pagtataka sa mukha ni manong guard.
"Yes chief, out na." Sagot ko habang nakangiti sa kanya.
Agad kong hinanap si Khel at di naman ako nahirapan dahil tulad ng sabi niya sa text ay nakatayo lang siya malapit sa may starbucks. Napapangiti na lang ako kapag naalala kong kami na. Isang linggo na rin pala ang dumaan pagkatapos ng teambuilding pero hindi pa rin ako makapaniwala. Para pa rin panaginip ang lahat dahil sa pagkatagal-tagal kong naghintay biglang isang araw lang ay boyfriend ko na siya. Medyo nakakalungkot lang na wala pa rin akong maalala nung gabing sagutin ko siya.
Kumaway siya sa akin ng makita niya ako. Papunta na ako sa kanya nang mapansin kong may kausap pala siya.
"Sige Michael, mauna na ako. Maraming salamat." Paalam ni Riza. Tumayo siya at pilit ngumiti sa akin.
Kahit medyo madilim pa ang paligid ay napansin ko ang pamamaga ng kanyang mga mata na para bang kagagaling lang nito sa pag-iyak. Labis rin akong nagtaka dahil kanina pa umuwi si TL, at madalas ay sabay naman sila. Pinanood ko siyang papalayo sa amin.
Nilingon ko si Khel para tanungin sana nang bumungad sa akin ang isang red rose na may mahabang stem. Napangisi ako at di makapaniwala sa aking nakikita.
"What?" May nahihiya niyang tanong.
"Wala. I just find it ... Sweet and... Thoughtful. Thanks Khel." Sagot ko sabay abot ng rose. Gusto ko sana siyang halikan o yakapin kung di lang maraming tao sa paligid. Nakontinto na lang akong ngitian siya.
"Well, it's the first time na hinayaan mo akong sundoin ka sa office and week-sary natin today."
"Week-sary?" Natatawa kong tanong. "Sa'n mo naman yan natutunan?"
"Somewhere. I don't know. Narinig ko lang ata minsan. But really, I am just happy and wanna say thank you kaya yan...rose." Paliwanag niya habang kinakamot ang buhok sa likod ng kanyang tenga.
"Ganun? Ahmmm... Then happy weeksary?" Nakangiti at may pang-aasar kong bati sa kanya.
"Tama bang pagtawanan ako?"
"Hindi ah. Para lang kasi akong babae. You know? With the red rose." Nakangiti ko pa rin sabi.
"Sorry. Honestly, sobrang tagal ko sa flower shop. Di ko kasi alam anong bibilhin. Hindi naman ako sanay sa ganitong setup. No idea paano manligaw ng guy." Napapangiti siya habang nagpapaliwanag.
BINABASA MO ANG
Call Center Diary (boyXboy)
FanfictionLimang taon. Limang taon na paghihintay. Limang taon at mahal mo pa rin siya. Paano kung isang araw, pagkalipas ng limang taon, pag-gising mo boyfriend mo na siya. "Good morning gorgeous." Halata sa mukha niya ang pagkabigla pero di ko na lang pi...