Xander's POV
"Morning kuya!" Masayang bati ni Princess. Nakaupo siya sa may mesa at abala sa kanyang cellphone.
"Morning! Aga mong nagising. May pasok ka?"
"Wala. Pero alam mo naman sina mama kahit Sabado e kailangan gumising ng maaga." Tumayo siya at nagtungo sa lalagyan ng mga tasa. "Gusto mo ng kape?"
"Ang bait mo ata ngayon? Wala akong pera, okay?"
"Ay grabe!" Inis niyang tugon. "Di ba pwedeng naglalambing lang muna? Pera agad?"
"Kilala kita..." Natatawa akong naupo sa tabi ng kinauupuan niya kanina.
"Judgemental..." at may mga sinabi pa siyang di ko na narinig. Medyo malakas rin ang radio sa may sala. Di nagtagal ay bumalik siya sa mesa dala ang tinempla niyang kape.
"O ayan na kape mo... mapaso ka sana."
"Salamat po mahal na prinsesa." Pang-aasar ko.
Hindi siya umimik at binalikan ang kanina'y hawak niyang cellphone. Napangiti na lang ako. Magpinsan kami ni Princess sa side ni mama. Halos magkasing-edad lang kami pero nasanay siyang tawagin akong kuya dahil 'yun na ang nakalakihan namin. Nag-iisang anak rin siya nina tita kaya magkapatid na ang turingan namin. Kahit ba matagal na akong di nakatira sa bahay nila, hindi pa rin nawala ang komunikasyon namin sa isa't-isa. Lalo na nitong mga nakaraan buwan. Siya rin ang unang tao na sinabihan ko tungkol kay JM - at ang nararamdaman ko sa kanya. Di tulad ng mga magulang ko, mabilis akong natanggap ni Princess. Maging ng kanyang mga magulang, lalo na si tita.
"Kumusta work mo?" Usisa ko nang di ko na natiis ang katahimikan sa pagitan namin.
"'kay lang." Sagot niya.
"Hindi ba mahirap magturo ng mga bata?"
"'kay lang."
"Grade 1 tinuturoan mo di ba?"
"Oo"
"Kulit siguro ng mga pupils mo?"
"Medyo."
At nagpatuloy pa ang tila 'Oo at Hindi' niyang mga sagot sa akin. Mukhang nainis talaga siya. O ayaw lang niyang magpatalo. Para pa rin siyang bata.
"Sigurado akong busy ka kahit weekend?"
"Sobrang busy... Daming reports..."
Tumayo ako't naglakad palabas ng kusina. Sandali akong tumigil at nagparinig sa kanyang - "Balita ko may bagong bukas na starbucks sa mall. Ma-try ko nga yung bagong frap nila." At patuloy na ako sa paglalakad palabas ng kusina.
"Sandali lang kuya!" Tawag niya ngunit di pa rin ako huminto. Nagpanggap akong walang naririnig nang biglang nasa harapan ko na pala siya.
"Sama ako." Napakalaki ng ngiti sa kanyang mga labi.
"Akala ko ba busy ka? Kakasabi mo lang kanina - maraming kang reports...?"
"Okay lang yun." Putol niya sa akin. "Pwede pa mag-submit next week."
"Hindi. Sayang ang time. Mabuti na yung matapos mo agad." Sabi ko habang pinipigilan ang aking sarili sa pag-tawa.
"Please... please... sige na please." Makulit niyang sabi.
"Pag-iisipan ko muna... " At tumakbo na ako palabas ng bahay. Mabuti na lang at di na siya sumunod. Sa tapat ng bahay naabutan ko si tita na nag-aayos ng kanyang halamanan. Sandali niya akong nalingon bago bumalik sa kanyang ginagawa.
"Kinukulit ka na naman ng pinsan mo?"
"Ok lang ho. Ako naman ang unang nag-asar sa kanya e." Natatawa kong paliwanag. Mainit pa rin ang kape ng subukan kong uminom. Bilis ng karma - muntikan pa akong mapaso. Napailing sabay ngiti na lang si tita ng makita niya ako. Mabilis akong nahawa ng kanyang mga ngiti.
BINABASA MO ANG
Call Center Diary (boyXboy)
FanfictionLimang taon. Limang taon na paghihintay. Limang taon at mahal mo pa rin siya. Paano kung isang araw, pagkalipas ng limang taon, pag-gising mo boyfriend mo na siya. "Good morning gorgeous." Halata sa mukha niya ang pagkabigla pero di ko na lang pi...