Palubog na ang araw nang sa wakas ay magdesisyon ang mga kateam kong maligo na sa dagat. Hindi na kasi mainit. At ang totoo marami rin sa kanila ang takot lang umitim na hindi ko maintindihan kasi ang hilig nilang magsuggest ng teambuilding sa beach. Di ba ang gulo nila?
"Ikaw? Hindi ka pa maliligo?" Natanong ni Khel habang tinutulongan ko siyang ayusin ang kanyang iluluto. Siya kasi ang nagpresentang magluto para sa haponan.
"Mamaya na. Ikaw? Baka gusto mo ng maligo. Kami na lang dito ni Xander. Kami naman lagi ang tuka sa kusina." Sabi ko pero sa loob ko, ayaw kong umalis siya.
"Sabay na lang tayo maligo mamaya." Sagot niya na nagpasaya naman sa akin. Pilit ko iyon itinago, nakakahiya kasi. Tumayo ako sa pagkakaupo para hugasan ang karne ng baboy at isda.
Napatingin ako sa pinto ng may maramdaman akong pumasok.
"Alex, himala! Tutulong ka sa kusina?" Biro ko dahil pareho namin alam na hindi siya mahilig sa kusina.
"Oo. Tutulong ako kapag kainan na. Ako na bahala." Nakatawang sagot ni Alex. Tumayo siya sa tabi ko.
"Oh bakit? May kailangan ka?" May pagtatakang usisa ko sa kanya.
Tumingin siya sa may labasan at siniguradong walang ibang tao. "Sino yung kasama ni Christa? Familiar kasi siya at di ko lang maalala."
"Don't tell me..."
"No! No! No! It's not what you think. He's cute but not my type." Agad niyang pagtanggi. Nabasa niya siguro ang iniisip ko na baka ex o may naging ugnayan sila ni Jerry. Yung lalaking kasama ni Christa kaninang dumating.
"Tinanong ko siya at kaibigan lang daw but I am sure hindi lang sila basta magkaibigan." Nakangisi kong kwento sa kanya.
"B1, naiisip mo rin pala naiisip ko? Friends nga tayo. Up here!" Mahinang sigaw ni Alex sabay taas sa kanyang kanang kamay. Inapiran ko siya ng basa kong kamay.
"Ay grabi to! Langsa ng kamay mo e." Reklamo niya pagkatapos amuyin ang kamay.
"Ikaw tong may pa-up here - up here pang nalalaman. Alam mo naman naghuhugas ako dito." May pang-aasar kong sagot sa kanya.
"Makaalis na nga't maliligo na kami ni Rey." Paalam niya pagkatapos namin siyang pagtawanan ni Khel.
Si Xander naman ay wala pa rin imik at patuloy lang sa kanyang ginagawa. Napansin kong may lungkot pa rin sa kanyang mga pilit na ngiti sa tuwing magtatama ang aming mga mata. Hindi naman siya ganito dati. Inisip ko na lang na baka pagod lang siya sa biyahe.
Kinagabihan, around 6:30 ng makita kong nagsibalikan na ang mga kateam ko sa bahay na inuupahan namin. Sana lang tapos na sina Khel at Xander sa pagluluto. Panandalian ko silang iniwan para bumili ng softdrinks. Ito kasing mga kateam ko, nakabili nga ng iinumin, puro alak naman. From Bacardi, to Emperador to Beer pero walang softdrinks. Pagpasok ko, may nakapwesto na sa mesa habang ang iba ay naglilinis pa ng katawan sa CR. Kinse kami sa team kasama na si TL at may mga kasama pa yung iba kaya siguradong hindi lahat makakaupo.
Paglapit ko sa mesa, namangha ako sa mga pagkain nakahain. Sa bilang ko may mga anim o limang putahi ang nasa hapag. May manok, baboy at isda at gulay na hindi naman karaniwan sa TB namin. At aaminin ko, halos wala akong kilala sa mga ulam.
"Grabi! Ang sarap tingnan ng food at ang bango pa!" Pagpuri ng isang kateam ko.
"Para tayong nasa restaurant e!" Sabi pa ng isa na halatang excited na excited kumain.
"Nakakagutom lalo." Dagdag pa ni Vernie.
"Kaya nga dapat tayong magpasalamat kay Michael. Siya na nga itong bisita, siya pa talaga nagluto." Sabi ni TL na agad naman nilang ginawa.
BINABASA MO ANG
Call Center Diary (boyXboy)
FanfictionLimang taon. Limang taon na paghihintay. Limang taon at mahal mo pa rin siya. Paano kung isang araw, pagkalipas ng limang taon, pag-gising mo boyfriend mo na siya. "Good morning gorgeous." Halata sa mukha niya ang pagkabigla pero di ko na lang pi...