#CCD 3 | Queuing

809 17 2
                                    

Lumipas ang isang linggo pero hindi pa rin ako maka-move-on sa mga nangyari. Eh sino ba naman makakalimot agad? Maliban na lang kung magka-amnesia na rin ako.

Nga pala, nasa club kami ngayon. Ma-ingay. Magulo. Matao. Nagkataon sabay kami ng restday nina Alex, Christa at Xander kaya nagyaya silang lumabas. Kung ako lang papipiliin, mas gusto ko pa talagang maiwan sa apartment. At matulog. Pero itong mga kaibigan ko, di patatalo sa pagpipilit. Feeling ko nga direktor sila ng buhay ko. Sila lagi ang nasusunod.

At kasalanan nila kung bakit namomoroblema ako ngayon. Well, maliban kay Xander na walang ginawa kundi ang pagalitan ang dalawa. Kahit papano'y nakahanap ako ng kakampi sa kanya.

So paano ba nagsimula ang lahat?

Habang nasa pantry kami para kumain ng lunch, na hindi naman talaga lunch time dahil alas dos pa lang ng madaling-araw, biglang nagkwento si Christa ng mga tipo niya sa lalaki. Pinagtalunan pa namin kung gwapo ba yung bagong TL sa katabi naming team. Di na namin siya pinangalanan habang nag-uusap. Mahirap na't maraming tao sa pantry ng mas oras na 'yun. Hanggang sa umabot nga ang usapan sa mga gusto ko rin sa lalaki. Dahil di naman ako sanay sa ganitong usapan, nagkaroon pa ng pilitan. Tulad ng dati, talo pa rin ako. Sinagot ko siya.

Ngayon na binabalikan ko ang pag-uusap namin, at paano ko denitalya ang mga gusto sa isang lalaki, narealize kong si Khel ang nilarawan ko kay Christa. Dahilan? Hindi ko alam. Siguro dahil siya lang naman 'tong lalaki na nagustohan ko.

Pilit kong hinanap si Christa sa baha ng tao sa stage. Tumigil ang mga mata ko sa may bandang kanan ng makita ko siyang kausap si Alex.

Si Alex na ginatungan pa ang plano ni Christa. Dahil marami siyang kilala (slash) ex-partners (slash) friends - boy na friends, hinanap nila si 'perfect' guy base sa kinuwento ko kay Christa. Hanggang sa makausap niya si Rey, isa sa kanyang ex na naging daan para mahanap nga nila si 'perfect' guy. Subalit ang di nila alam - ang taong tinutukoy ko ay ang mismong taong nahanap nila. Si Khel.

Pinili kong huwag magtanong paano nila napapayag si Khel. Siguro dahil natakot akong malaman na ang dating Khel na kilala ko ay tuluyan ng nawala kasama ng ala-ala niya. Pero sadyang wala preno ang bigbig ni Alex.

"So bakit nga?"

"Kinailangan lang talaga ni Michael ng pera. Wala ng choice. Binigyan pa siya ng deadline ng school at kapag hindi siya nakapagbayad, hindi siya papayagan sumali sa graduation." Kwento ni Rey nang makausap namin siya ni Alex sa isang mall.

Sa usapan din iyon, tila nabasa ni Rey ang tanong sa utak ko. "Sakali lang gusto mong malaman, iyun ang first time ni Michael. Makailang beses ko pa siyang kinausap at pinilit. Akala ko nga e hindi na siya tutuloy."

"JM?" Narinig kong may tumawag sa akin. Bumalik ang isip ko sa kasalukuyan. Sa club.

"JM?" Tawag ulit ni Xander mula sa kanyang kinauupuan. Napansin niya sigurong wala na naman ako sa sarili ko't malalim ang iniisip. "Kanina mo pa hawak 'yang phone mo. May hinihintay kang tawag?"

Umiling lang ako't ibinulsa ang phone na di ko maalala kelan ko nilabas.

"Gusto mo bang mauna na lang tayo umuwi?" Tanong niya ulit at halata sa kanyang mukha ang sobrang pag-aalala kaya pilit akong ngumiti sa kanya.

Maliban kina Alex at Christa, malapit din sa akin si Xander. Kilalang-kilala niya ako na hindi ko na kailangan magsabi kung may problema. Higit isang taon na rin pala ng ilipat siya sa team namin. At nakakatuwang balikan paano nagsimula ang pagkakaibigan namin.

Umabot pa kasi ng dalawang linggo bago niya napagtantong hindi ako straight tulad niya. Kakahiwalay lang nila ng girlfriend niya kaya ayaw niyang lumalapit sa mga babae, nagka-allergy ata. Di rin naman siya kompartableng kasama si Alex na sobrang out sa pagiging binabae. Kaya madalas, kami ang magkausap. Bilang ako lang naman DAW ang straight sa team. Madalas din siyang nagyayaya ng inuman dahil nga heart-broken. Ngunit kahit ilang beses ko siyang bigyan ng clue o dahilan para pagdudahan ako, wala pa rin. Inisip ko na lang na baka marami lang talaga siyang inaalala. Di ko rin siya masisisi dahil di naman kasi ako halata. Umabot pa sa puntong, nachi-chismis na kami sa opisina. Ginatungan pa yan nang mga panunukso si Alex. Hanggang sa isang araw, habang nag-aagahan kami sa aparment ko ay tinanong niya ako, out of no where – "Are you really gay?". At laking gulat ko na kahit nalaman niya ang aking kasarian, hindi siya nagbago. Bagkos ay naging mas malapit pa kami sa isa't-isa. Ito na rin ang naging paraan upang mas makilala niya sina Alex and Christa.

Call Center Diary (boyXboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon