Xander's POV
"Princess," tawag ko sa aking pinsan. Kakatapos lang niyang maghugas ng plato at nagpapatuyo na lamang siya ng kamay. "May tanong ako?" Patuloy ko ng malapitan ko siya.
"Ano 'yun kuya?"
Inabot ko sa kanya ang litrato. "Sino dyan si JM?"
Matagal niyang tinutukan ang lawaran na para bang yun ang unang pagkakataon nakita niya ito.
"Yung nasa kanan ko..."
"Yung nakapula?" Mabilis kong paglilinaw ko. Dalawang bata kasi ang nasa kanan niya sa larawan.
Tumango lang siyang bilang sagot. Halata na sa mukha niya ang pagtataka. "Kilala mo siya kuya?"
"Parang. Hindi ako sigurado." Tanging nasabi ko. Maging ako'y naguluhan sa aking sagot. Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita. "Anong pangala niya? I mean, yung complete name niya."
Akmang sasagot na sana si Princess nang biglang tawagin siya ni tita mula sa labas ng bahay. Maging ako'y napalingon at hinintay si tita na pumasok sa may pinto. At di nga kami nagkamali.
"Anak, may bisita ka. Si JM." Sabi agad ni tita nang makita niya kami.
Nang mga sandaling iyon, sobrang bilis na ng takbo ng puso ko. Napahawak ako sa aking dibdib sa sobrang kaba. Di ko iyon maintidihan lalo na't hindi ko naman talaga siya kilala, maliban sa mga kinuwento ni Princess sa akin. Nakakatawa lang din na ni minsan, hindi ko naitanong ang tunay niyang pangalan. Kung dati e halos wala akong pakialam, biglang gusto ko nang makilala ang kaibigan ni Princess. Bumalik sa akin ang pagnanais kong damayan siya, tulungan siya at patahanin. Di ko alam kung nararamdaman ko lang ito dahil sa nakita ko noon at mga nalaman ko sa kanyang kasalukuyan, o dahil sa simpleng dahilan na kapangalan niya si JM. Di rin maalis sa akin na isipin kung posible kayang sila ay iisang tao lamang.
Dala ng takot at pangamba na tama ang aking hinala, unti-unti akong naglakad para sundan ang aking pinsan palabas ng bahay. Nakita ko siyang nakaupo sa may putol na kahoy kausap si JM - ang kanyang kaibigan. Hindi ang JM na inakala ko. Dismayado man ay para akong nabunutan ako tinik sa dibdib. Di ko kasi kakayanin kapag nalaman kong si JM nga ang batang nakita ko noon at ang JM na kaibigan ni Princess. Marami na siyang pinagdaanan at pinagdaraanan, para maranasan pa ang malungkot at masakit na buhay ng JM na kasama ngayon ng aking pinsan.
Kumaway sa akin si Princess nang makita niya ako sa may pinto. Ngumiti lang ako nang makita kong nakatingin na rin sa 'kin yung kaibigan niya. Naisip kong lapitan sila, pero nagdalawang-isip ako. Siguro'y mas makakabuti kong hahayaan ko muna silang mag-usap. Nagpasya na lang akong pumasok sa aking silid at iwan ang dalawa. Habang nakahiga ako sa kama at pinapakinggan ang nakakabinging katahimikan, bigla naman tumunog ang phone ko. Sandali kaming nagbatian ng tumawag.
"Kumusta?" Sabi ni Christa.
"Mabuti. Ikaw dyan, kumusta?" Balik ko ng tanong sa kanya.
"Mabuti rin. Rest day today kaya tanghali na akong nagising." Sabay tawa niya.
Nilipat ko ang phone sa kabila kong tenga at patagilid na nahiga. Tanaw mula sa posisyon ko ang mga puno sa labas. Patuloy lang kaming nagkwentohan. Tungkol sa bakasyon ko. Tungkol sa kanya at maging tungkol kay Alex na bumubuti na raw ang kalagayan. Masaya akong naririnig na nagiging maayos ang lahat sa kanila. Nag-aalangan man ay di ko napigilan magtanong tungkol kay JM.
"Di ba siya tumawag sayo?"
"Hindi pa." Maikli kong tugon. Narinig kong huminga siya ng malalim at agad na akong nag-alala. Bumangon ako't naupo sa gilid ng kama. "Did something bad happen to JM?" Usisa ko kay Christa.
BINABASA MO ANG
Call Center Diary (boyXboy)
FanfictionLimang taon. Limang taon na paghihintay. Limang taon at mahal mo pa rin siya. Paano kung isang araw, pagkalipas ng limang taon, pag-gising mo boyfriend mo na siya. "Good morning gorgeous." Halata sa mukha niya ang pagkabigla pero di ko na lang pi...