#CCD 15 | Ex Finding Why (Part 1)

364 7 0
                                    

Pagkatapos ng checkup at ilang tests kay Rey, nagdesisyon kaming pumunta sa apartment ni Alex. Tatagal pa ng ilang araw bago namin malaman ang resulta. Sa mga oras na magkasama kami sa ospital ay di gaanong nagsasalita si Rey. Di na namin kasama pauwi si Khel dahil nagpumilit siyang pumasok sa restaurant kahit ba may pasa pa siya sa mukha.

Pagdating namin ay tinungo ko agad ang kusina upang hayaan mag-usap sina Alex at Rey. Dahil di naman ito kalayuan sa sala, di ko maiwasan na marinig sila.

"Kumusta ka na?" May pag-aalalang tanong ni Rey.

"Aside from the fact na meron akong AIDS, everything is fine." Naririnig ko sa boses ni Alex na pinipilit niya matawa.

"Pwede bang huwag muna natin pag-usapan ang AIDS?" Pakiusap ni Rey.

"Pasensya ka na." Tanging nasabi ni Alex. Nawala ang kanina'y pinipilit niyang saya.

"Buong araw ko na kasi yan naririnig, lalo na sa ospital kanina." Paliwanag ni Rey nang maupo siya. "Nagpacheck-up kana ulit? Anong sabi ng doktor?" Muling usisa niya upang putulin ang biglang katahimikan.

"Went to the hospital on Friday. Napagalitan pa nga ako dahil uminom ako ng alak." Kwento ni Alex at bumalik sa utak ko ang nangyari.

"Pasensya na kung umalis ako't iniwan ko kayo."

"No. It's okay. Siguro nga, mas tama na rin yung ganito." Malungkot na salaysay ni Alex.

"Anong ibig mong sabihin?"

"We both know we can't be together now. Mas makakabuting tapusin na lang natin habang maaga pa."

"Ayoko. Ayoko ng iwan mo 'ko o iwan kita. Di mo na itong pwedeng gawin sa kin." Matigas na pagtutul ni Rey.

"Rey, please don't do this. Parehong lang tayong masasaktan."

"Bakit? Kapag pumayag ba ako? Hindi pa rin tayo masasaktan?"

"I'm not saying na hindi ako masasaktan. Na hindi tayo masasaktan. Pero ang hindi ko kaya eh yung makita ka na nahihirapan dahil sa akin. I am dying Rey."

"Then die with me. Mas gugustuhin ko pang masaktan na kasama kita kaysa masaktan kasi pinakawalan kita."

"You don't understand."

"Anak ng! Kahit naman tagalogin o englisin mo pa hindi ko pa rin maiintindihan bakit kailangan mo akong itulak palayo. Alex, mahal kita. Mahal na mahal. At alam kong mahal mo rin ako."

"What we have isn't love. It was just sex - yun lang yun."

Namayaning muli ang katahimikan sa buong paligid kaya nagpasiya na akong sumilip sa may pinto ng kusina. Walang imik na naglakad palabas ng apartment si Rey. Sandali siyang lumingon kay Alex at sa akin.

"He's gone now. Siguro naman pwede mo ng itigil ang pagsisinungaling?" Sabi ko kay Alex nang malapitan ko siya at tuluyan ng mawala sa may pinto si Rey.

"Not now JM. Please." Naging mas mahina ang boses niya.

"You can lie to me. You can lie to Rey and to everyone else. Pero hinding-hindi sa sarili. At kahit na ilang ulit mo pang itanggi, pareho nating alam ang totoo."

Hindi siya nagsalita. Lumipas ang ilang sandali nang magsimula kong marinig ang kanyang mga hikbi. At di na nga niya naitago ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.

"Alex, walang nagbabawal sayong makasama siya. Utang na loob, mahal mo ang tao bakit mo ba siya tinutulak palayo?"

"Paulit-ulit lang ipapaalala ng sakit ko sa kanya na nagkaroon ako ng iba. At natatakot akong dumating sa punto na siya ang magtulak sa akin palayo. Na mapagod siya. Na isang araw susuko na lang siya bigla. JM, hindi ko kaya. Hindi ko iyon kakayanin dahil mahal na mahal ko siya." Umiiyak pa rin siya habang nakayakap sa akin.

Call Center Diary (boyXboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon