Flashback)
Maingay ang ulan sa labas. Malakas ang bawat hampas ng hangin. Sobrang ingay ng kulog kasunod ng nagliliwanag na kidlat na tila hinahati ang kalangitan. Tinulungan ko ang sarili kong tumayo at sinara ang kulay asul na kurtina. Pabalik na ako sa kama nang bumukas ang pinto. Sunod kong nakita si Cess at sumalubong sa akin ang kanyang mga ngiti. Gusto ko rin sana ngumiti sa kanya subalit tila naubusan ako ng lakas. Una kong naging kaklase si Cess sa elementarya at dahil halos araw-araw kaming magkasama ay naging magkaibigan na rin kami. Di man iyon tulad nang meron kami nina Valerie and Khel, masasabi kong isa siya sa mga taong alam kong nariyan lagi. Kaibigan na alam kong hindi ako iiwan kahit anong mangyari. At di ako nagkamali dahil nung malaman niyang umalis ako sa amin, agad niya akong sinabihan na sa bahay muna nila tumuloy.
"Hindi ka pa inaantok?" May pag-aalalang usisa niya bago naupo sa isang upuan sa harap ng malaking salamin.
"Hindi pa." Maikli kong tugon. Nalingon ako sa calendaryo malapit sa kanyang kinauupuan. Friday – the 13th of March
"Gusto mo bang pag-usapan ang nangyari?"
Umiling lang ako at di sumagot sa kanyang tanong. Agad niya iyon naunawaan at di na nagpumilit. Hindi pa rin talaga ako handang pag-usapan ang nangyari sa bahay. Ayokong balikan yung sakit na naramdaman ko habang pinagtatabuyan ako ng sarili kong ama. Yung poot at pagkamuhing nakita ko sa kanyang mga mata. Hinding-hindi ko iyon malilimutan.
"Mabuti na lang at nagkasya sayo ang damit ng pinsan ko." Biglang sabi niya habang nakatingin sa aking suot. "Sa kanya rin itong kwarto. Pasensya na medyo magulo. Di na kasi masyadong nagagamit. Matagal na siyang di nauuwi." Patuloy niya ng di ako nakasagot. Nakangiti pa rin.
"Hindi okay lang. Ako nga ito ang dapat humingi ng pasensya sayo at sa mga magulang mo. Kayo pa itong inabala ko."
Umiling siya at lumapit sa akin. "Hindi 'yan totoo. Hindi ka abala sa amin. At sabi ko nga kanina, wala naman gumagamit ng kwarto kaya pwede kang mag-stay hangga't gusto mo."
"Salamat. Salamat ng marami. Tatanawin ko itong malaking utang na loob."
"Ano ka ba! Hindi ka na iba sa akin. Isa pa, mas malaki ang utang na loob ko sayo. Kahit man lang sa ganitong paraan e makakabawi ako sayo."
(End of Flashback)
"JM?" Tawag ng boses na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. "JM, okay ka lang?" Nilingon ko si Khel sa 'king tabi. Pauwi na kami pagkatapos niya akong sunduin sa opisina.
"Kanina pa ako salita ng salita, di ka naman pala nakikinig. May problema ba?" Patuloy niyang usisa. Natigil ako sa paglalakad nang tumayo siya sa aking harapan.
"Si Xander... Nag-aalala lang ako. Ilang araw na siyang di pumapasok sa trabaho. Hindi rin namin siya ma-contact nina Alex at Christa. Baka kung ano na nangyari sa kanya." May pag-aalalangan kong sagot. Huminga siya ng malalim at napalingon sa paligid bago kami nagpatuloy sa paglalakad. Sandaling namagitan sa amin ang ingay ng kalsadang nilalakaran namin. Yung mga sasakyan dumadaan. Yung ibang taong abala sa kanya-kanya nilang ginagawa.
"Gusto mo bang puntahan natin siya sa bahay nila?" Nabigla ako sa kanyang sinabi. Hindi ko iyon inasahan lalo na't kahit di niya sabihin ay di pa rin niya nakakalimutan ang ginawa ni Xander.
"Hindi, okay lang..."
"I insist. Hindi ko naman siya kailangan kausapin, di ba? Sasamahan lang kita."
"Okay lang sayo?"
"Let's just say that right now, I don't wanna be the over-protective, jealous and villain boyfriend. Xander needs you. He needs his friend. And I won't stop you from being that person for him..." Naputol ang kanyang pangugusap ng bigla akong yumakap sa kanya.
BINABASA MO ANG
Call Center Diary (boyXboy)
FanfictionLimang taon. Limang taon na paghihintay. Limang taon at mahal mo pa rin siya. Paano kung isang araw, pagkalipas ng limang taon, pag-gising mo boyfriend mo na siya. "Good morning gorgeous." Halata sa mukha niya ang pagkabigla pero di ko na lang pi...