"Malas." Bulong ko sa sarili ko habang nasa waiting area ng isang clinic para magpa-checkup, pero napalakas yata dahil napalingon sa akin si Khel.
"Malas ang alin?" Tanong pa niya.
"Yung date bukas..." Sagot ko nang pareho na kaming nakatingin sa calendar malapit sa waiting area ng clinic.
"Friday-The-13th. Di ko alam na naniniwala ka sa mga ganyan."
"Bakit? Hindi ka ba naniniwala?"
"Maybe. Pero nakakatawa lang kasi that most people would blame it sa date at sasabihin na minalas sila on that day na para bang hindi na sila minalas sa ibang mga araw."
"Maybe it is true. I mean, hindi naman magiging paniniwala ang isang bagay kung hindi ito naranasan ng karamihan. And most people believe things they have experienced themselves." Paliwanag ko.
"Sir JM De Guzman!" Mahinang tawag ng babaeng receptionist kaya naputol ang aming usapan.
Tumayo ako at lumapit sa frontdesk. Pagkatapos kong permahan ang slip ay sinabihan ako ng receptionist magpa-validate sa cashier at dumiretso sa Nurse Station.
"Siguro nga nakalimutan na niya ang araw na yun." Bulong ko ulit sa sarili ko nang maupo na ako sa labas ng nurse station.
Matagal din akong naghintay bago nakapasok sa maliit na silid na may dalawang magkatapat na table. May dalawang nurse kada table - isang taga-assist, isang taga-record. Kinunan nila ako ng BP, temperature at sinukat ang height at weight.
Pagkatapos ay sinabihan na naman nila akong maghintay sa labas ng katabi nilang silid. Tatawagin lang daw ako ulit.
Pakiramdam ko babalik ang sakit ko nito sa kakahintay. Sobrang bagal at sobrang tagal. Mga isang oras pa ang dumaan bago ko narinig ulit ang pangalan ko.
Pagpasok ko, napansin kong sing-laki lang ito ng silid ng mga nurse kanina buti na lang at kami lang ng lalaking doktor sa loob. Matanda na siya. May suot na eyeglasses. Napaka-detailed niya sa mga dapat kong iwasan at napagsabihan pa ako na alagaan ang aking kalusogan lalo na daw sa trabaho namin na laging puyat at grabe ang stress - emotional stress dagdag pa niya. Neresetahan niya ako ng vitamins maliban sa mga gamot na kailangan kong inumin tatlong beses isang araw. Binawalan niya muna akong pumasok mamayang gabi hanggang bukas ng gabi. Mabuti na rin dahil restday ako sa weekend kaya tuloy-tuloy ang pahinga ko.
Pagbalik ko sa may waiting area, wala si Khel. Hinanap ko siya at nakita ko siyang may kausap sa phone sa labas ng clinic.
Nilapitan ko siya at mabilis ko iyon pinagsisihan.
"Sige baby. Tatawag ako ulit. I love you." Paalam niya sa kanyang kausap bago binulsa ang phone.
"JM? Kanina ka pa?" Nabigla niyang tanong nang makita niya ako.
"Ngayon-ngayon lang." Pagsisinungaling ko at sinubukan kong ngumiti pero nabigo lang ako. Humigpit ang hawak ko sa phone ko. Gusto ko siyang tanungin sino kausap niya pero di ko kaya. May nagsasabi sa akin masasaktan lang ako, mas masakit sa narinig ko kanina.
"Okay ka lang?" Tanong niya ulit habang naglalakad na kami.
"I'm fine." Pagsisinungaling ko ulit.
"Kausap ko sa phone si Rey kanina. Nasa mall din sila ni Alex. Nag-aaya na..."
"Stop! Stop right there." Putol ko sa kanya.
Nakatayo lang kami sa gitna maraming tao. Huminga ako ng malalim at humanap ng lakas ng loob na magsalita.
"If you tell another lie to me, baka hindi ko na kayanin. So just stop." Sabi ko ng di ko napigilan ang sarili kong galit.
Mabilis akong naglakad palayo sa kanya.
BINABASA MO ANG
Call Center Diary (boyXboy)
FanfictionLimang taon. Limang taon na paghihintay. Limang taon at mahal mo pa rin siya. Paano kung isang araw, pagkalipas ng limang taon, pag-gising mo boyfriend mo na siya. "Good morning gorgeous." Halata sa mukha niya ang pagkabigla pero di ko na lang pi...