#CCD 29 | Mixed Signals

50 1 0
                                    

Kasalukuyan.

Someone's POV

Halos dalawang buwan na rin pala ang lumipas. Malayo na sa bayan ng San Rico. Ang lugar kung saan nagsimula ang lahat ng kaguluhan. Maraming nangyari simula nung umagang mag-abot kaming tatlo.

Masaya.

Malungkot.

Mga ala-ala nagbalik.

Mga bagong kakilala.

Mga taong nagpaalam.

Hindi naging madali ang lahat at di nakakatulong 'tong kanta sa Spotify. Paano ba kasi ako napadpad sa playlist na ito? Patawad by Moira – nakadisplay sa screen ng tingnan ko ang title ng kanta. Tinangka ko pang i-next, pero mas pinili ko pa rin na hayaan na lang.

Paano nalimutan ang lahat
Na kahit konti, walang pasabi?
Paano nalimutang banggitin
Na nagbago pala ang pagtingin?

Wala na rin naman kahit na balikan
Wala na ang tamis nung ika'y nahagkan
At sa huling paalam, naintindihan
Na sa ating dalawa, may ibang nakalaan

At kasabay ng kanta'y bumalik ang lahat ng mga ala-alang pilit kong nililimut. Sinubukan kong magpaliwanag subalit di na namin marinig ang isa't isa. Sinubukan kong tumutol ngunit buo na ang kanyang desisyon. Sinubukan ko siyang pagilan sa kanyang paglayo pero ang manatili ay tila ba mas masakit. Kapwa lang kaming masasaktan kapag pinagpatuloy namin ang kung ano man naging meron kami. Siguro nga'y ito na rin ang mas makakabuti.

Paanong burahin ang sandaling
Naiguhit sa panaginip?
At kung sa paggising, ikaw pa rin
Ang nasa isip, hindi maitanggi

Wala na rin naman kahit na balikan
Wala na ang tamis nung ika'y nahagkan
At sa huling paalam naintindihan
Na sa ating dalawa. May ibang nakalaan

Patawad, Paalam
Patawad, Paalam

Sana'y sa pag-gising ko isang araw ay di ko na maramdaman ang mga nararamdaman ko ngayon. Tulad ng pagtatapos ng saya, sana ay matapos na rin ang kalungkutan ko. Sana'y mapatawad namin ang isa't isa. Sana'y dumating ang araw na mahanap niya ang taong nararapat sa kanya. Hindi man ako yun, masaya na akong naging bahagi ako ng buhay niya.

Patawad kung ikaw ay aking nasaktan
Hindi ko nabigay ang iyong kailangan
At ang huling pangakong maibibigay
Na sa ating dalawa
Ay wala nang sisihan

Patawad, Paalam
Sating nakaraan

Sa pagtatapos ng kanta'y narinig kong tumunog ang cellphone ko. Isang text message mula kay Alex. "Sorry. Malapit na talaga kami. Medyo traffic lang talaga kanina."

"Ok lang." Tanging nasabi ko dahil ang totoo ay mas nais ko sana na mapag-isa ngayon. Yung gusto mo lang namnamin ang lungkot para matapos na. Na kapag umiyak ka lang ng umiyak, e magiging okay na lahat.

"Nasa labas na kami. Pabukas naman." Bungad ni Alex ng sagutin ko ang tawag niya. May mga sinabi pa siya tungkol sa mga nangyari habang papunta sila, pero hindi ko na pinakinggan. Naibaba ko lang tawag nang mabuksan ko ang pinto. Subalit hindi si Alex o Christa ang nasa labas ng pinto. May hawak siyang bulaklak, ballon at isang box ng cake. Sa gulat ko'y di ako nakapagsalita.

"Hi! Can we talk?"

°°°°°°

Isang buwan bago ang kasalukuyan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 20, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Call Center Diary (boyXboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon