A/N: May palitan ng POVs sa chapter na 'to. Sana ay hindi kayo maguluhan. Salamat and Enjoy!
Xander's POV
Mataas na ang araw ng marating namin ang sementeryo kung saan nilibing ang ama ni JM. O mas tamang ang inakala niyang tunay na ama. At dahil muli na naman kaming pinagbawalan ng kanyang mga kapatid at para maiwasan na rin ang gulo, nagpasiya kaming pumunta na lang kapag wala ng tao. Naiwan kami nina Princess sa sasakyan ni Joseph sang-ayon na rin sa pakiusap ni JM na mapag-isa lang muna.
"Di ko pa rin maintindihan bakit kailangan niya 'tong gawin sa sarili niya." Biglang sabi ni Princess. Di ko siya nilingon at tanaw pa rin si JM. Kahit malayo'y ramdam ko ang sakit na kanyang nararamdam. "He doesn't deserve all of these." Patuloy ni Princess.
Nagsimulang maipon ang luha sa aking mga mata hanggang sa tuluyan na itong bumuhos. Sinubukan ko iyon pigilan subalit nabigo lang ako. Lalo na ng maramdaman ko ang mahigpit na hawak ni Princess sa aking balikat bago ako napayakap sa kanya.
"Tumahan ka na kuya. Lalo lang malulungkot si JM kapag nakita ka niyang ganito" Sabi ni Princess habang hinahaplos ang aking likod.
"Sinusubukan ko naman. Sinusubukan ko pero hindi ko na talaga kaya Princess. Ang sakit-sakit na at wala akong magawa for him." Humigpit ang aking mga yakap sa kanya. Nagsisimula ng lumabo ang aking paningin dahil sa aking pag-iyak.
Sunod kong naramdaman ang paghawak ni Joseph sa aking braso na nakayakap pa rin kay Princess. "He's gonna be okay. And you will be okay too." Pilit siyang ngumiti at nagpatuloy sa pagsasalita. "He is blessed to have people like you and I am sure nagpapasalamat siyang nariyan kayo lagi for him."
"Salamat Joseph." Halos pabulong kong sabi sa kanya. Di pa rin siya bumibitaw sa kanyang pilit na mga ngiti. Pinunasan ko ang aking luha pagkatapos kumawala sa pagkakayakap sa aking pinsan.
"Did you talk to Michael about what happened?" Tanong ni Princess na pilit tinatago ang pagpunas sa kanyang mga luha.
"I tried, but JM doesn't want him to know." Tugon ko habang inaalala ang nangyaring pag-uusap namin ni JM kagabi. "And he doesn't want him to worry." Dagdag ko.
"Classic JM. Ayaw niyang nag-aalala lahat ng tao sa kanya. Lahat na lang sinasarili" Huminga ng malalim si Princess at nagsimula na siyang humakbang patungo sa kinaroroonan ni JM. Sinubukan ko siyang pigilan pero matigas ang ulo ng aking pinsan. Sigurado akong hindi siya makikinig.
"Classic Princess." Biglang sabi ni Joseph na akin rin sinang-ayunan. Tumayo si Joseph malapit sa akin at nagbukas ng kaha ng sigarilyo.
"I didn't take you as someone who smokes." Nakatingin na ako sa hawak niya.
"No. It's not mine." Mabilis niyang pagtanggi. "Naiwan lang sa kotse ng kaibigan ko. I was only trying to check if wala ng naiwan so I can throw it away." Ngumiti siya at umiwas ng tingin sa akin.
"Sorry...."
"You don't need to apologize." Putol ni Joseph sa akin.
Nag-abot ang mga mata namin at mabilis rin naghiwalay para iwasan ang isa't-isa. Sinundan na iyon ng mahabang katahimikan hanggang sa makabalik na sina Princess at JM sa sasakyan. Sandali kaming nag-usap saan pupunta at muli nanaig ang katahimikan sa pagitan namin lahat.
JM's POV
Pagkagaling sa sementeryo ay dumaan kami saglit sa isang supermarket para mamili ng pagkain at iinumin bago tumuloy sa aking motel. Ngayon na rin kasi ang huling gabi ko sa kabila ng pakiusap nina Cess at Joseph na manatili muna ako ng ilang araw. Iyon naman talaga ang unang plano bago ko nalaman ang mga nalaman ko. Wala na akong dahilan para magtagal pa dito.
BINABASA MO ANG
Call Center Diary (boyXboy)
FanfictionLimang taon. Limang taon na paghihintay. Limang taon at mahal mo pa rin siya. Paano kung isang araw, pagkalipas ng limang taon, pag-gising mo boyfriend mo na siya. "Good morning gorgeous." Halata sa mukha niya ang pagkabigla pero di ko na lang pi...