#CCD 22 | Will You Choose Me?

194 5 0
                                    

JM's POV

"Refund normally takes 24-48 hours to complete from our end. Now, depending on your bank policies, posting of the refund may take up to 5 business days. Let me process it now, are you able to hold for 2 minutes" Paalam ko sa kausap kong customer sa phone. Halos mag-iisang oras na kami at di ko itatangging nauubos na ang pasensya ko. Kanina pa ako paulit-ulit sa pagpapaliwanag bakit nagkaroon ng double charges ang kanyang credit card at ayaw niyang makinig. Di naman namin kasalanan kung di siya nagpacancel ng dati niyang subscription. Ilang ulit na siyang napadalhan ng notice.

"I don't have a choice, do I?" Sarkastikong niyang balik ng tanong sa akin.

"If you're not confortable being put on hold, I can place you on mute instead."

"Doesn't matter. Just process the refund." At hinold ko na lang talaga siya. Mabuti na rin at hindi ko siya maririnig sa kabilang linya. Marami na akong iniisip at ayaw kong dumagdag pa siya. Una akong nag-generate ng reference number para ibigay sa kanya. Mamaya ko na tatapusin ang refund.

"Thank you for staying on the line. I have processed the refund. Do you have a pen and a paper for your reference number?"

"Hold a sec.... Yes. Go ahead."

"Your reference number is REF-98038. Again, that is REF; numbers 98038."

"Got it."

"Do you want me to call the bank to know more about their posting process?" Alok ko sa kanya na hindi naman niya tinanggihan.

"Please stay on the line while I'm transferring your call. Thank you for calling Active Wireless!" Paalam ko sa aking kausap. Napahinga ako ng malalim. Sa wakas natapos narin. At ibig sabihin ay tapos na rin ang shift ko ngayon araw. O mas tamang ngayon madaling-araw.

"Everything okay?" Napalingon ako kay Xander na nakaupo sa katabing workstation ko. Sa may kanan. Abala siya ng pag-aayos ng kanyang headset at tumbler. "Ilang araw ka ng wala sa sarili. Akala ko nga aabsent ka today." Patuloy niya ng di ako sumagot.

"Marami lang akong iniisip but I am okay." Pagsisinungaling ko sabay ngiti sa kanya. Inabala ko na lang din ang sarili sa pag-aayos ng aking mga gamit.

Sinundan iyon ng ilang minuto ng katahimikan na agad rin niyang binasag. "So paano? Tulad dati?"

"Not today. May dadaanan pa kasi ako."

"Hatid na kita? Sa'n ba 'yan?"

"Di na. Magtataxi na lang ako." Pagtanggi ko.

"Hindi okay lang. Wala naman akong lakad. At saka sayang kung..."

"Hindi na nga e!" Tumaas ang aking boses kaya natigilan siya. Naramdaman kong pinagtitinginan na kami ng ilang agents sa floor.

"Sorry..." Sabi ko sa kanila at binalikan ko ng tingin si Xander na nakatayo pa rin sa harap ko. "I am so sorry. I didn't mean to..."

"No, it's okay. It's okay. It was my fault naman. Kita - kita na lang tayo tonight?" Nakangiti niyang putol sa akin, salungat sa nais sabihin ng kanyang mga mata. Alam kong nasaktan ko siya. Kahit ba wala naman siyang kinalaman sa nangyari.

"I'll see you tonight Xander." Paalam ko sa kanya. Naiwan siya sa kanyang station at kahit na hindi ko siya nakikita, ramdam kong pinapanood niya ako. Papalayo sa kanya.

Pagkalabas ko ng aming gusali, agad kong naramdaman ang malamig na ihip ng hangin. Ibang-iba sa lamig sa loob dahil sa aircon. Maraming tao sa paligid. Abala ang lahat. Kwentuhan. Tawaan. Marami sa kanila'y may hawak na sigarilyo. Habang ang iba'y in-enjoy ang kanilang mamahaling kape mula sa malapit na Starbucks. May iilan naman na nakontinto na lang pagmasdan ang paligid - ang pag-aagaw ng dilim at liwanag.

Call Center Diary (boyXboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon