#CCD 12 | Restless Heart

423 10 4
                                    

"Xander, I love you..."

"But you love me as a friend." Biglang putol ni Xander sa aking pangungusap. Pinunasan niyang muli ang kanyang mga luha bago nagpatuloy sa pagsasalita. "JM, I am not asking you to love me the way I love you, atleast not for now. I just need you to know how I feel, sapat na sa akin yun."

"I'm sorry." Mahina kong sabi habang nakatitig sa kanyang mga mata na namamaga na dahil sa sobrang pag-iyak. "I am causing you so much pain at wala akong magawa. Kaya sana mapatawad mo ko."

"Hindi mo naman ito kasalanan e. Kasalanan ito nitong puso kong di na natuto." Natatawa niyang sinabi ngunit di pa rin niya naitago ang sakit na kanyang nararamdaman.

Biglang tumayo si Xander sa aming kinauupuan. Dali-dali siyang nagpaalam na hindi ko naman tinutulan. Kahit na gustuhin ko siyang samahan, hindi iyon maaari. Lalo na't ako ang dahilan kung bakit niya kailangan mapag-isa.

Mabilis na lumipas ang oras at di ko namalayan gabi na. Kung sa mga nakaraan araw ay dalawa o tatlong oras lang ang tulog ko, di na talaga ako nakatulog pagkatapos namin mag-usap ni Xander. Mahigit 24hrs na akong gising, daig ko pa ang 7Eleven nito. Dagdag pa na di maalis sa utak ko si Khel. Hanggang ngayon ay di pa siya tumatawag o nagtext man lang.

Absent si Xander at nag-call in na masama daw ang pakiramdam. Si Alex naman ay sickleave pa rin at next week pa babalik sa trabaho. Maging si TL ay ilang araw ng di pumapasok.

"Pang-ilang baso mo na yan ng kape? Baka naman mag-palpitate ka na niyan?" May pag-aalalang tanong ni Christa habang naka-lunch kami sa pantry.

"Dalawa. Tatlong baso. Hindi ako sigurado." Matamlay kong sagot sa kanya. "Hindi ko na alam." Patuloy ko na tila ba hindi na tungkol sa kape ang pinag-uusapan namin.

Huminga ako ng malalim at napatingin sa relong nakasabit malapit sa amin. Apat na oras pa bago ang logout. Parang ayaw ko na talagang bumalik sa floor. Sana lang pwedeng maghulog ng barya sa avaya namin para mag-extend ng lunch, yung parang sa internet cafe. Pero hindi e. Hindi pwede.

"Kaya mo pa bang magtake ng calls? You don't look good. Mghalfday ka na lang kaya?" Usisang muli ni Christa na di parin maalis sa mukha ang pag-aalala.

"I'm fine. I'm fine." Paguulit ko dahil masyadong naging mahina ang aking boses na pati ako di iyon narinig.

Tumayo ako para sundan si Christa palabas ng pantry ng biglang umikot ang aking paningin. Napahawak ako sa upuan malapit sakin para bumalanse. Hanggang sa magdilim na ang paligid at ang huling narinig ko ay boses ni Christa.

°°°°°

Mabigat kong binuksan ang aking mga mata. Malabo. Wala akong maaninag. Pumikit ako't dahan-dahan dumilat ulit para tulungan ang mga mata kong mag-focus sa nasa paligid ko. May narinig akong nag-uusap.

"Are you sure we don't need to send him to the hospital?" Pamilyar ang boses ng lalaki.

"Sabi ng doctor, kailangan lang niyang magpahinga. Overfatigue. Malamang dahil kulang sa tulog at wala sa oras na pagkain. Sinabayan pa ng sobrang stress." Salaysay ng kanyang kausap.

Nagpatuloy pa ang kanilang pag-uusap. Hanggang sa makilala ko na ang boses nina Christa at Alex sa likod ng skyblue na kurtina.

Pero anong ginagawa dito ni Alex? Nasaan ba ako? Sa clinic? Ang huling naalala ko ay magkasama kami ni Christa. Tapos bigla akong nahilo.

"Ito ang unang beses na nawalan siya ng malay. Di naman siya ganito dati. Hindi siya pabaya sa health niya." Sabi ni Alex na nagkomperma sa aking hinala.

Call Center Diary (boyXboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon