"... minsan kasi kailangan mong kayanin. Kailangan mong tiisin ang sakit. Kailangan mong magpatuloy kahit na pakiramdam mo wala ng natira sa puso mo..."
".... hindi lahat ng pagmamahal, pwede mong ipagpalaban. May mga mamahalin tayo na hindi natin pwedeng mahalin. May mga taong kahit anong gawin natin... kahit pa ibigay pa natin ang buhay natin... lahat ng meron tayo, hindi tayo pipiliin. Hindi nila tayo mamahalin sa paraan gusto natin..."
Nagpaulit-ulit at di na matanggal sa aking isipan ang mga sinabi ni Xander kanina. Kinailangan kong lumabas ng silid dahil parang sasabog ang puso ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko lubos inakalang aabot sa ganito ang lahat. Kahit na ayokong aaminin - tama si Alex. Nasaktan, at patuloy ko lang masasaktan si Xander.
"JM, sandali..." Pigil ni Khel ngunit hindi pa rin ako nakinig. Patuloy lang ako sa paglalakad palabas ng ospital. Hindi ko na rin pinigilan ang pagbuhos ng mga luha sa aking mata.
Natigilan lang ako ng mahawakan niya ako sa braso. Akala ko'y magpupumilit siyang kausapin ako tungkol sa nangyari, pero hindi. Hinila niya ako palapit sa kanya at yumakap siya sa akin. Wala siyang sinabi. Di siya nagtanong. Hinayaan niya lang ako umiyak. At habang tumatagal ay lalong humihigpit ang kanyang yakap.
Mula sa ospital at sumakay kami ng taxi pauwi sa aking apartment. Wala pa rin imik si Khel. Pareho kaming tahimik. Subalit ni minsan, sa loob nang halos isang oras na byahe, di niya binitawan ang aking kamay. May mga pagkakataon na kahit hindi ko siya nakikita, habang tanaw ko ang kawalan sa labas ng bintana ng sasakyan, alam kong nakatingin lang siya sa akin. At kapag lilingon ako sa kanya, tatangkain pa niyang umiwas ng tingin. Pero mas madalas ay ngingitian niya lang ako.
"Nagtext na ako kay Rey na sabihan si Christa at Alex na bukas na lang tayo babalik sa ospital."
"Salamat Khel..." At sinundan pa iyon ng mahabang katahimikan. Ilang sandali pa'y narating na namin ang aking apartment. Pareho kaming naupo sa may sala. Wala pa rin ingay maliban sa bukas na TV sa aming harapan. Hindi ko maalala kong binuksan ko iyon o naiwan namin bukas kanina dahil sa pagmamadaling makapunta ng ospital.
"Sa'n ka pupunta?" Habol kong tanong nang tumayo siya.
"Tatawag lang ako sa restaurant para magpaalam na hindi muna ako papasok today."
"Hindi mo naman kailangan lumiban sa trabaho dahil sa akin. I can take care of my self."
"I know that. But I just wanna be here - with you." Sabi pa niya na hindi ko na rin tinutulan. Pinatay ko ang TV at nagpasyang pumasok na lang sa aking kwarto. Dahil sa sobrang tahimik ng buong apartment, di ko maiwasan marinig ang kanyang boses mula sa labas.
"... Oo. Pakisabi na lang kay boss na absent ako today. Bigla kasing sumama pakiramdam ko. Alam naman ni Kaye anong gagawin e."
Pinili kong huwag ng pakinggan pa ang kanilang usapan. Nagtungo ako sa aking kabinet at nagsimulang magpalit ng damit. Gusto ko sanang maligo dahil galing kami ng ospital subalit tila wala na akong lakas. Dumiretso ako sa aking kama hanggang sa maramdaman ko siyang pumasok tangan ang isang baso.
"Pinagtimpla kita ng gatas para mabilis kang makatulog." Sabi niya sabay abot sa akin ng baso. Pilit pa rin ang mga ngiti niya. Nakatalikod siyang naupo sa gilid ng kama. At sa di ko na mabilang pagkakataon, namayani ang katamikan sa buong silid. Humanap ako ng lakas ng loob para kausapin siya tungkol sa nangyari.
"Khel..."
"Huwag muna ngayon. Mas kailangan mong magpahinga." Agad niyang putol sa akin bago ko pa man masimulan ang aking pangungusap. Inabot ko ang kanyang kamay na nagpalingon sa kanya sa akin.
"It's not what you think, okay?" Pagbalewala ko sa kanyang sinabi
"I am not even sure what to think but I'm not stupid JM. Mahal ka niya, ni Xander. Dati hindi ko lang pinapansin pero alam ko, nararamdaman ko. At alam mo ba ano pa ang nararamdaman ko? Yung sakit... Yung takot... Kasi baka isang araw paggising ko, hindi na ako ang mahal mo."
BINABASA MO ANG
Call Center Diary (boyXboy)
FanfictionLimang taon. Limang taon na paghihintay. Limang taon at mahal mo pa rin siya. Paano kung isang araw, pagkalipas ng limang taon, pag-gising mo boyfriend mo na siya. "Good morning gorgeous." Halata sa mukha niya ang pagkabigla pero di ko na lang pi...