Xander's POV
°°° Flashback °°°
Halos limang taon na ang nakakalipas nang unang beses kong subukan mag-trabaho bilang isang callcenter agent. Pinalad naman akong nakapasok agad. Nasa second year college na ako at dahil nag-aaral pa, pinili kong magpart-time lang.
Panandalian natigil ang job orientation nang pumasok ang isang lalaki. Taga-recruitment yata dahil sa suot niyang pulang lanyard. Kasunod niya ng isang babae na agad kumuha ng aking atensyon. Napakaganda niya, lalo na ng ngumiti siya sa lahat. Naupo siya sa isang bakanteng upuan di malayo sa akin.
Pagkatapos ay nagpatuloy na ang aming orientation. Ang totoo? Wala akong naintindihan sa mga pinaliwanag nila. Nakatuon lang kasi ang atensyon ko sa babaeng kakarating lang. Di ko mapigilan ang sarili kong pagmasdan siya mula sa aking kinauupoan.
Pagdating ng lunch, lakas-loob ko siyang nilapitan sa pantry at kinausap.
"Hi! Ellen, right?"
"Yes? And you are?" Nagtataka ang kanyang mukha habang nakatingin sa akin.
"Oh sorry. Name is Xander. Magka-wave tayo, whatever that means." Nakangiti kong pakilala.
"Do you mind if I join you?" Tanong ko.
"Sure. Chair's empty." At nakangiti na rin siya tulad kanina. Pakiramdam ko tuloy matutunaw na ako.
Sa aming pag-uusap nalaman kong may pinalitan pala siyang new-hire na dapat sana'y kasama namin. Nagpalipat daw ng schedule para mag-fulltime. Tulad ng karamihan sa amin, nag-aaral din si Ellen. Nasa third year na siya sa isang kilalang unibersidad. Marami pa kaming napag-usapan at naging korportable kami agad sa isa't-isa.
Sa maikling panahon na nagkasama kami sa training, unti-unti akong nahulog sa kanya. Naging mas malalim ang aming ugnayan dahil araw-araw kaming magkatext, magkausap sa phone o diya'y ka-chat sa Facebook. Kahit na hindi ako tumuloy sa pagko-callcenter agent, di naputol ang aming komunikasyon. Hanggang sa nagsimula na kaming magdate. Tumagal ng ilang buwan ang panliligaw ko bago niya ako sinagot. At nang dumating ang araw na yun pakiramdam ko, ako na ang pinaka-masaya at pinakaswerteng lalaki sa buong mundo.
Mabilis na lumipas ang ilang taon hanggang sa pareho na kaming magtapos ng college. Halos sabay lang kami dahil kinailangan niyang mag-extend para sa ilang units. Nanatili pa rin siya sa callcenter habang ako ay nagsimula ng magreview para sa board exam. Dahil sa sobrang demand ng kanyang trabaho at di na nag-aabot ang aming schedule, di na kami halos nagkikita. Madalang na rin ang mga texts at tawag namin sa isa't-isa. Aminin ko man o hindi, nawalan na siya ng time.
°°° End of Flashback °°°
"Ellen?" Sambit ko. Sandali akong nilingon ni JM bago binalik ang tingin sa babaeng nasa kanyang harapan.
"What are you doing here?" Usisa ko kay Ellen ng malapitan ko sila.
"Wala lang. Gusto ko lang ma-meet ang bago mo. Just wanna see him my self." Sabi niya at bumalik sa akin ang naging pag-uusap namin kahapon. Di ko inakalang tutuhanin niya ang kanyang pagbabanta na haharapin si JM.
"I'm sorry but, am I missing something here?" Tanong ni JM at hindi ko alam paano sasagot sa kanya.
"Can we actually skip the part where I have to tell you to stop pretending?" Biglang sabi ni Ellen at nakita ko sa mukha ni JM ang pagkagulat. Di siya nagpaawat at nagpatuloy. "The part as well where I have to be reminded that after breaking up with Xander, he decided to become gay which is very funny by the way, and fell in love with you who is according to him, his boyfriend. Because it's gross."
BINABASA MO ANG
Call Center Diary (boyXboy)
FanfictionLimang taon. Limang taon na paghihintay. Limang taon at mahal mo pa rin siya. Paano kung isang araw, pagkalipas ng limang taon, pag-gising mo boyfriend mo na siya. "Good morning gorgeous." Halata sa mukha niya ang pagkabigla pero di ko na lang pi...