#CCD 17 | The Right Decision?

309 7 0
                                    

"Valerie?"

Yun ang unang salitang nasabi ko pagbukas ng pinto. Nakita kong gumuhit ang ngiti sa kanyang labi at di ko alam kong paano iyon susuklian. Pinangunahan kasi ako ng gulat at pangamba. Nagpalitan kami ng 'Hi' at 'Hello' bago ko siya napatuloy sa loob ng apartment.

"Pasensya ka na medyo magulo at makalat." Paghingi ko paumanhin dahil di pa talaga ako nakakapaglinis.

"Hindi. Okay lang. Ako nga dapat humingi ng tawad, mukhang nadisturbo ko yata ang tulog mo." Sabi niya bago naupo sa mahabang sofa. Napalingon ako sa may orasan at tanghali na rin pala.

"Can I offer you anything?" Tanong ko habang patuloy na nililigpit ang ilang gamit sa sala.

Umiling siya at sandaling pinagmasdan ang buong paligid. "Ang ganda ng apartment mo." Pagpuri niya na agad kong sinuklian ng salamat. "Matagal ka na dito?"

"Halos dalawang taon na rin."

"Kumusta ka na?"

"Okay lang." Tugon ko.

"Five years. Akala ko hindi na tayo magkikita ulit." Nakangiti niyang pahayag.

"Yeah. Matagal na rin. Matagal na." Pag-uulit ko dahil sa di ko malaman dahilan, wala akong masabi. Tila ba naubusan ako ng sasabihin sa kanya.

Naupo ako sa kabilang dulo ng sofa at di ko maiwasan balikan ang dating Valerie sa utak ko. Yung Valerie na masiyahin, makulit, at maingay. Ibang-iba siya sa babaeng kaharap ko ngayon. Dati-rati kapag nagkikita kami, yakapan agad. Tawanan at mag-uusap ng kung ano-ano. Masaya lang.

Pero hindi na ito tulad ng dati. Siguro nga binago na kami ng panahon. Nang mga nangyari. Hindi ko na halos makilala ang bestfriend ko.

"JM, I'm sorry." Biglang sabi niya na bumasag sa katahimikan namagitan sa amin. Nilingon ko siya at nakita ko ang mabilis niyang pagpunas sa kanyang mga luha. "Alam ko, marami akong naging kasalanan sayo at kay Michael. Hindi ko hihilingin sayong patawarin mo ako pero sana tulungan mo akong kausapin si Michael. Tulungan mo akong makasama ang anak ko." Salaysay ni Val na gumulat sa akin.

"You are Nathan's mother?" Paglilinaw ko dahil salungat ito sa sinabi ni Khel sa akin nang minsan tanungin ko siya.

Tuluyan ng bumuhos ang mga luha ni Valerie. At sa pagitan ng kanyang pagluha, pilit iyang ipinaliwanag ang mga nangyari pagkatapos niyang isilang si Nathan at ang malalim na dahilan bakit kinailangan niyang iwan noon sina Khel. Sobrang nabasag ang puso ko habang nakikinig sa kanya. Di ko lubos maisip gaano iyon kahirap at kasakit para sa kanya.

Nalaman kong matagal na niyang hinahanap ang kanyang mag-ama. Bumalik siya sa probinsya namin pero di na nakatira sa dati nilang bahay ang mga magulang ni Khel. Sila kasi ang nag-aalaga kay Nathan ngayon. Di pa rin siya sumuko. Nagtanong-tanong siya sa mga kakilala at kamag-anak pero hindi rin nila alam. Hanggang sa isang araw ay nakita niya ako sa isang cellshop. Yun ang araw na bumili ako ng cellphone ni Khel. Gusto sana niya akong lapitan pero natakot siya. Ngunit sa ikalawang pagkakataon na nakita niya ako kasama si Khel sa isang clinic, at marinig ang naging pag-usap ng mag-asa sa cellphone, naglakas-loob na siyang lapitan si Khel pag-alis ko. Ngunit matigas si Khel. Sobra ang galit niya na hindi na siya nakikinig sa mga paliwanag ni Valerie. Ilang beses na niyang sinubukan. Pumunta siya sa boarding house at restaurant pero nabigo pa rin siya.

"Kaya nagdesisyon na akong lumapit sayo. Ikaw lang ang alam kong pakikinggan ni Michael." Dagdag pang paliwanag ni Valerie habang pinupunasan ang kanyang mga luha.

"Val, susubukan ko siyang kausapin. Huwag ka ng umiiyak, please. Hindi yan makakabuti sa kalagayan mo." Sabi ko sa kanya pero sa loob ko, di ko alam paano. Ayaw na ayaw ni Khel na pinag-uusap ang tungkol dito. Sa tuwing magtatanong ako dati, lagi siyang umiiwas. Pero bahala na. Di rin naman pwedeng lagi namin iiwasan ang mga kailangan talagang pag-usapan.

Call Center Diary (boyXboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon