Chapter VI - Warmth of The Heart

179 5 5
                                    

Hohoho. Merry Christmas! :) kahit 27 na ngayon XD HAHAHA. Kamusta naman po Pasko niyo?? =))

Gusto ko talaga yung last chapter neto. XD

Dedicated to kathcii =) Thank you!

Chapter VI - Warmth of The Heart

Mike's POV

"Sobrang saya ko, Mike! Walanang mapaglagyan!!! WAAAAAAAAAAAAAAAAH!" at saka siya umikot-ikot sa kama ng parang baliw -_________-++ Ilang beses na nga rin niya nakuwento sa'kin iyan. Tsss. Rinding-rindi na nga ako, eh. And oo nga pala, okay na rin kami. Mukhang nakalimutan niya na yung insidenteng hinalikan ko siya.

Ang sabi niya, kinanta niya ang Lost In Space na paborito nilang kantahin ni Nathan noon. At ang nakakagulat nga ay yung, lumuha rin si Nathan para kay Eunice sa di ko rin malaman na kadahilanan. Siguro, sadyang makalimot man ang utak, ang puso ay hindi naman nakakalimot.

"HAHAHA. Basta Mike, masaya ko at nagkaroon ako ng kahit kaunting pag-asa ng dahil sa mga luha niyang iyon. By the way Mike.. ikaw ah! Di ka na nagkukuwento sa'kin tungkol sa mga destiny ng ibang tao. At.. hindi mo pa naikukuwento yung kay CES!" 

"Paano ko naman ikukuwento kung puro Nathan ang bukambibig mo?" Bigla naman siyang napatigil at mukhang may kalokohan na namang naisip itong babaeng ito. -_______-

Lumapit siya sakin. Hm, parehas kaming nakaupo sa kama niya. Face to face na kami ngayon and I can feel it.. siguro kulay kamatis na ang buong mukha ko. "Nagseselos ka ba?" she said it na naka evil grin pa.

Oo. Nagseselos ako. Gusto kong sabihin yun pero syempre di ko pa rin masabi.

Ano namang laban ko kay Nathan di ba? Ano'ng sense ng pagtatapat ko ng damdamin ko sa kanya  kung alam kong sa simula pa lang, talo na ko?

"Hindi. Bakit naman ako magseselos?"

"Asus. HAHAHA. By the way, ang kuwento ni Ces kanina ay yung tungkol sa dazzling creature na na-meet niya. At syempre tuwang tuwa kami ni Hyacinth dahil at last! May lovelife na si Ces! At kalurks ha, dahil sa iisang bahay pa sila titira. Mala-wattpad story lang nu? Tapos tapos.. ang bongga pa dun eh ang gwapo daw talaga ni dazzling creature! emeegeeed ngayon pa lang, kinikilig na ko!!" at nagtitili pa siya -______- "Sabi nga namin, tatambay kami madalas sa bahay nila haha. Pero syempre si Nathan pa rin ang laman nitong puso ko." sabay hawak pa sa dibdib niya. 

"Ang OA mo talaga, Eunice!" 

"Che! Di ka na nasanay sakin :P" 

At napatigil siya. At alam ko, eto na yung moment na may sasabihin siyang matino.

Napangiti muna siya at nagsimulang magsalita. "Pero alam mo, sobrang saya ko para kay Ces. Dahil sa wakas nga, may dumating ng lalaki para sa buhay niya. Magiging masaya na siya, for sure."

A Thousand Years by EuniceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon