Chapter XII - Reaching You

153 5 1
                                    

May mga nag-vote naman. So, eto na next chapter :)

Dedicated to victoriacacho :)) 

Chapter XII – Reaching You

Mike’s POV

Natapos ang kanta. Nakita ko namang nag-uusap si Eunice at Nathan. Walang kwenta. Mukhang walang epekto ang kinanta ko para sa kanya. Hindi pa rin niya alam kung ano’ng gusto kong ipahiwatig.

Mukhang wala na talaga akong pag-asa.

-.-

“MIKE!” naguat ako ng may tumawag sa’kin. Syempre, kialla ko na kung sino yun boses pa lang, eh.

Si Darna.

Joke XD

Si Eunice.

“Hoy! Mike! Ang galing mo kanina, ah? At tsaka akala ko ba natatae ka ha? Ayun pala, kakanta ka lang dun! Pambihira!” sabi na eh, wala lang sa kanya yung ginawa ko. -.-

“Naisip ko lang na baka matigil ang pagtatae ko kapag kumanta ko.”

“LOL! Sinong niloko mo? Ha?”

Tumahimik na lang ako. Parang wala akong energy magpanggap sa harap niya ngayon na okay ako. Umupo ako sa lapag.

“Huy.Madumi dyan. Aning ka?” –Eunice, pero di ko na lang siya sinagot.

“Hay!” sabi ulit niya saka siya umupo sa tabi ko.

“Di ba sabi mo madumi? Eh, bakit nandito ka ngayon sa tabi ko? Dun ka na nga sa Nathan mo! Shooo!” at itinaboy ko siya na parang aso.

“Ayoko. Dito muna ko. Sinamahan mo ko sa buhay ko ng ilang daang taon. Ang laki-laki ng utang na loob ko sayo. Kaya tandaan mo, kahit nasaan ka man, nandito pa rin ako para sayo. Etong simpleng pag-upo dito sa maruming lapag na ito, balewala ito kumpara sa ilang taong inalagaan mo ko, sinamahan sa buhay, sa ilang taon mo kong minahal..”

MINAHAL?

“…minahal bilang kaibigan.”

Sabi ko nga -.- ang alam mo, mahal lang kita bilang kaibigan.

“Ngayon, sabihin mo sa’kin kung bakit ka umiiyak sa stage kanina.”

“Ayokong sabihin.”

“Ha? Ikaw ah! Ngayon ka lang naglihim sa’kin. Alam mo bang pansin ko na iba na ang ikinikilos mo nitong mga nakaraang araw? Sabihin mo na sa’kin. Sige ka, magtatampo ako!”

“Naintindihan mo ba ang lyrics nung kanta?”

“Oo naman. Ano tingin mo sa’kin?”

“Kung ganun, alam mo ba yung feeling na yung mahal mo, ang lapit lapit lang sayo pero hirap na hirap kang abutin? Yung tipong kung anu-ano nang pagpaparamdam ang ginagawa mo para malaman niya ang nararamdaman mo, pero hindi pa rin niya malaman-laman? Kasi , alam mo ang sakit pala talaga.”

“Baliw. Alam mo namang ganyan din ang feeling ko ngayon di ba? Pero.. alam mo, feeling ko malapit na ulit niya akong mahalin. Ay sha. Napunta tuloy sakin. Teka! Sino ba yang tinutukoy mo ha? Sabihin mo na sa’kin dali!”

“Masakit pala talaga ang one-sided love. Di mo alam kung hanggang kailan mo siya mamahalin. Kung meron pa bang mangyayari sa inyo. Kung aasa ka pa ba, o susuko ka na. Kung kaya mo pang lumaban. Pero alam mo ba kung ano’ng pinakamasakit?”

“Mukhang ayaw mo talaga sabihin kung sino ang tinutukoy mo. Pero sige, ano’ng pinakamasakit na tinutukoy mo?”

Tiningnan ko siya sa mata. “Yung pinakamasakit, yung malinaw sayo na may iba na siyang mahal pero hindi mo pa rin mapigilan ang nararamdaman mo para sa kanya.”

With that, hindi na rin siya nakapagsalita.

“Drama mo. Haha. Pero sana, in time, masabi mo rin sa’kin kung sino ba yang maswerteng babaeng iyan. Nang mabatukan ko at matauhan na mahalin ka!”

Talaga, mababatukan mo sarili mo? I smiled with the thought. XD

May nagpahabol pang luha, pinunansan ko muna bago kami pumunta uli sa event.

Eunice, when is the time that I can be able to reach you?

Eunice’s POV

Pagbalik naming sa event, nakita ko s Nathan na napaliligiran na naman ng maraming babae. Parang kanina lang, hawak-hawak niya ang kamay ko. Tapos ngayon, iba na ang mga katabi niya at kausap ngayon.

Hindi ko alam kung ano’ng nararamdaman mo para sa kanya.

Naalala ko yung mga sinabi niya kanina. Ano’ng ibig niya sabihin dun? Nararamdaman ko para kay Mike? Nakow! Huwag na huwag niya sasabihing mukhang inlababo ako kay Mike! Nakaaaw! Wag please -.- Ikaw ang mahal ko Nathan eh, ikaw lang!

Pero eto mapapangako ko sayo, narito rin ako para sayo.

Napangiti naman ako sa sunod niyang sinabi noon. Nariyan siya lagi para sakin? :”) I smile with the thought. Sa totoo lang, madalas na nga kaming magkasama pero, friendship pa lang ang namamagitan sa aming dalawa. Lalabas kami, kakain together, magkukuwentuhan, pero mukhang hanggang dun pa lang. Wala pa siyang sinasabing gusto niya ko eh, mahal pa kaya? Hayy. Pero, the way he looks at me kanina, may iba talaga eh. Ibang-iba. As if he loves looking at me :”) Pero, ayoko pa i-assume na mahal na niya ako. Dahil na rin sa sunod pa niyang sinabi kanina.

Marahil, hindi pa rin ako sigurado kung ano itong nararamdaman ko pero ang alam ko, hindi ako papayag na mapasakanya ka.

Hindi pa niya sigurado ang nararamdaman niya para sa’kin. Eh, ano na bang nararamdaman niya para sa’kin? Ano’ng level na ba? Hayy. 991 days remaining… ang bilis ng araw. Kailan ba niya akong mamahalin ulit? Pero, hindi daw siya papayag na mapunta ko kay Mike. So ibig sabihin, siguro gusto na rin niya ako? :”)

Napapangiti na lang talaga ko ng wala sa oras, tuwing siya ang nasa isip ko.

“Uy. Okay lang sayo na may mga umaaligid sa kanyang mga babae?” oo nga pala. Kasama ko si Mike.

“Syempre hindi. Pero, hayaan mo muna. Wala naman akong nakikitang masama na ginagawa niya. Nakikipag-usap lang naman siya sa kanila.”

“Alam mo, ang swerte niya sayo. Ang tanga naman niya para hindi ka pa mahalin ulit. Eh, ang dali-dali mo lang mahalin. Sino pa bang lalaki diyan ang makakahanap ng katulad mo? Mabait, maalaga, masayahin,may mabuting puso, lahat na yata ng positive qualities na hinahanap ng lalaki ay na sa’yo na.” napangiti ako sa mga sinasabi ni Mike ngayon. Ganun pala ang tingin niya sa’kin? Haha. Pero alam ko, pinapagaan lang niya ngayon ang loob ko. Ang swerte ko talaga sa kaibigan kong ito. “Teka, ha.” Tapos tumayo siya.

“Oy. San ka pupunta?”

“Babatukan ko lang siya saglit, nang matauhan.”

“Baliw! Tumigil ka nga! Maupo ka na ulit dito.” Pagkasabi ko sa kanya nun, nag-iba naman ang ekspresyon ng mukha niya. Siya na nakatingin pa rin sa direksyon nila Nathan at ako naman nakatingin pa rin sa kanya.

Dala ng pagtataka kung bakitaiba ang ekspresyon ng mukha niya, tumingin din ako sa direksyon kung nasaan sila Nathan.

At nakita kong…

… may babaeng kayakap si Nathan.

At yung babaeng iyon, kilala ko siya.

Nathan, akala ko malapit na kitang maabot. Pero, hindi pa rin pala.

I never knew that reaching you would be this hard and painful.

---

Vote. Like. Comment. Recomend. Add to RL, Folow Us! :)

Thanksiie!

A Thousand Years by EuniceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon