Nakakalungkot lang at mukhang wala na yatang nagbabasa ng story na ito :( Nawala lahat ng readers eh. Wala man lang comments. Hay. Pangit na ba ang takbo ng story?
Sorry medyo wala ako sa mood.
Dedicated to xaixhaiy97 :) Thanks for adding this story to your Reading List!
~
Chapter XIII - Heartbeats
"Nathan. Ito ba? Ito ba ang dahilan kung bakit ka nakipagbreak sa'kin? 5 months, Nathan. Limang buwan yun. Limang buwan ako nabuhay mag-isa. Sa loob ng mga buwan na yun, alam mo bang mahal pa rin kita? Mahal pa rin kita at walang nagbago dun. Pero bakit ganun? Bakit hindi mo ko pinagkatiwalaan na kaya kitang alagaan sa mga oras na naghihirap ka? ?Bakit hindi mo sinabi sa'kin ang tungkol dito? Bakit?" wika ni Eunice kay Nathan at hindi na rin nito mapigilang umiyak. Hindi naman siya galit pero hindi lang niya matanggap na hindi pala kayang pagkatiwalaan ni Nathan ang pagmamahal na ibinibigay niya rito. Marahil, umiiyak siya dahil sa sakit pero mas umiiyak siya dahil sa nakikita niyang kalagayan nito sa harapan niya ngayon. Nakaupo ito sa isang wheelchair. Halatang namayat ito, at nanghihina. Bakit? Bakit nga ba may panahon pa siyang magalit dito? Hindi ba dapat simulan na lang niyang alagaan na ito at patuloy na mahalin?
Nakatingin na lang sila sa isa't isa. Walang naging sagot sa kanya si Nathan. Nathan just couldn't find the right words to say. Ano ba dapat ang sabihin niya? Oo, pinakawalan na niya si Eunice sa buhay niya pero hinding-hindi sa puso niya. Mahal pa rin niya ito at walang nagbago dun. Gusto niyang yakapin ang babae at sabihing sobrang na-miss niya ito. Pero, hindi pwede dahil kapag ginawa niya yun ay lalo lang siyang hindi iiwanan nito. Pero ano ba? Alam na ng mahal niya ang totoo. Hindi pa rin ba niya sasabihin ito? Bakit hindi niya sinabi kay Eunice ang totoo? Gasgas na ang dahilang ito pero eto ang totoo. Ayaw niyang masaktan pa lalo ang babaeng mahal niya.
"Nathan, kanina pa kita hinahanap. Naku, nag-aalala na sina Tita sa'yo." biglang may dumating na isang babae. May katangkaran ito, maganda, maputi at pamilyar ang mukha nito para kay Eunice. Saan nga ba niya nakita ito? Ah. Yes, Nathan's ex-girl friend. So.. eto ang dahilan?
Nalaman niyang ang babaeng iyon ang nag-aalaga kay Nathan, all this time. Siya ang babaeng nasa tabi ng lalaking mahal niya, nung mga panahong wala siya.
"Oh. Okay. May kasama ka naman pala dito. O sige, mamaya pa naman ang time mo para uminom ng gamot kaya sige, mabuti pa nga at mag-usap muna kayo." wika ng babae at saka umalis.
"Eunice, it's not what you think. Si Clara lang kasi yung unang nakaalam dahil..."
"Dahil sa kanya mo unang sinabi?"
"Eunice, please. Pagsalitain mo muna ako. Kapatid niya yung doctor ko. Yun lang ang dahilan at wala ng iba."
"Pero, you can't change the fact na siya ang nasa tabi mo all this time na dapat ako yun."
"Ayoko lang saktan ka. Okay? Ayokong malaman mo ang tungkol sa sakit ko. Ayokong alagaan mo ko at mahirapan ka ng dahil sa'kin. Ayokong makita kitang umiiyak dahil mas nagiging doble ang sakit ng nararamdaman ko sa tuwing ginagawa mo iyon."
"Pero bakit? Sarili mo lang ang iniisip mo alam mo yun? Aalagaan naman kita eh. Hanggang sa gumaling ka. Dahil gagaling ka." bigla naman nagbago ang ekspresyon sa mukha ng lalaki.
"Ayokong itali kita sa pagmamahal mo sa'kin. You deserve someone better. Besides,
...I'm dying."
Doon na bumuhos ng tuluyan ang luha ni Eunice. Niyakap na lang niya ang lalaki at ipinangakong kahit ano'ng mangyari, hindi na muli siya aalis sa tabi nito. Aalagaan niya ito at sisiguraduhing gagaling ito.