Humanda kayo. Mahaba ito :P Mwahaha. Work of Fiction lang to, 'kay? :)
Dedicated to Shirlengtearjerky :D Congrats po ulit sa IIF, Ate Leng!:)
CHAPTER II - WHAT WE'VE BEEN THROUGH.
Ikaw na bumabasa nito, naaalala mo pa ba yung araw na sa kauna-unahang pagkakataon ay nagmahal ka? Yung araw na nakilala mo ang first love mo? Yung araw na tumibok ang puso para sa isang tao? And there, the story goes on. Marahil yung iba, nagpaligaw muna o puwede ring nag-PBB teens ang peg ng iba na kahit hindi sila eh umaariba, o puwede ring naging sila agad ng mahal nila dahil sa ayaw na nila pakawalan pa ang isa't isa. Kahit ano pa man diyan ang naranasan mo, panigurado akong naging masaya ka kasi yun na yun oh, sa wakas naranasan mo na rin ang magmahal at lalo ang mahalin.
Katulad na lamang ni Eunice sa istorya nating ito. Nakakainis isipin pero katulad siya ni Barbs sa kuwentong If I Fall ni Ate Leng, Shirlengtearjerky. Noon, masaya na siya sa panunuod ng mga Shoujo anime at mga Asian Dramas at movies lalo na yung mga nakakakilig at sinasabayan pa niya yan ng pagbabasa ng mga libro at maging sa mga romance novels online, isama na rin nating yung mga Manga na binabasa niya. Doon, nararanasan niyang kiligin na yung tipong nagwawala na siya kapag sobrang nakakakilig yung mga eksena lalo na kapag napakaguwapo nung main lead na lalaki. She has always been living in the Fiction World. Hanggang sa dumating yung araw na naisip niya, ano kayang feeling nun? Darating ba ang araw na mararanasan ko din ang mga yun? Napapailing na lang din siya tuwing naiisip niya ang mga bagay na yun, Shet! Ano ka ba Eunice! Ikaw ba yan! Baliw, grabe natatawa ko sayo! XD
Sometimes I wonder
How its gonna feel
Will my first love be true and real
Will I be ready when
My heart starts to fall
What will I do when my love comes to call
Then the very very very very very (OA na ah? xD) unexpected time came. That's when he met Nathan. magclassmate sila nung high school. High School has been a very important part of her life kasi dun niya naranasan tumawa at umiyak ng wagas, dun niya naranasan ang bagong experiences sa mga bagay-bagay with her friends, teachers and classmates. Sige na, isama niyo na rin yung dahilan na doon niya naranasan na magkagusto sa isang lalaki. Pero hanggang gusto lang yun, wala na. Hanggang usap lang sila ng normal, yun lang. Hanggang sa dumating ang graduation kung saan sa kauna-unahang pagkakataon naranasan niya kiligin ng sobra mula sa own experience niya.
~ ------ ~
Nilapitan niya ito at niyakap.
"Mamimiss kita." She said nang yakapin niya ang lalaki.
"Mamimiss din kita, Eunice."
~ ----- ~
I'm feeling things
I've never felt before
Sweet sensations
And anticipations
Calling commotion
To my emotions
Tunay, ang saya saya niya noon. Yung tipong wala nang mapaglagyan ang saya. Ang totoo, di siya nakatulog nang gabing iyon.
College days. Ang saya at parehas sila ng pinasukang school. Kaya lang, back to normal at parang walang nangyari. Actually, they had never been that so close nung high school kaya what to expect ngayong college pa? Wala. At may pakpak nga ang balita kasi she's been receiving news na may girl friend ito at papalit-palit din. Sa totoo lang eh hindi naman siya nasasaktan. Pusong bato ba? Hindi naman. Sadyang crush lang kasi ito, no more, no less.