CHAPTER XV - MEMORIES OF THE PAST
Chris' POV
Ang labo ni Eunice. Di man lang ako tinanong kung kaikan ang alis ko. After kong sabihin na aalis nga kami, bigla na lang siyang tumahimik tapos nagyaya umuwi.
Kung ayaw niya ko umalis, bakit di na lang niya sabihin? Pero kung sasabihin niya yon, di nga ba ko aalis? Napakamot ako bigla sa batok ko.
Pagdating talaga sa kanya, di ko naiintindihan ang sarili ko.
Nandito na kami ngayon sa Hongkong. Yeah, di man lang ako nakapagpaalam kay Eunice. Dumaan ako sa unit niya kanina pero walang nasagot, mukhang tulog pa siya. Maaga rin kasi yun mga 4am.
And so, ano nang gagawin ko ngayon? Ayun, bonding time with my Mom. Matagal tagal na rin mula nung nakapagbonding kami ng kaming dalawa lang. By the way, may sarili kaming bahay dito sa Hongkong. Actually, dito na rin ako lumaki kasi taga-rito din talaga kami dati.
Nandito na kami sa bahay ngayon.
"Oh, Chris. Ayos ka lang ba? Napapansin ko kasi na kanina ka pang nakatulala. Parang wala sa sarili. Halika nga dito." at lumapit naman ako kay Mom. Tapos bigla niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko as she looked at me straight in my eyes.
"Nakuha mo talaga ang mata ng Daddy mo." at saka siya ngumiti. Sa totoo lang, madalas talagang sabihin ni Mom ang bagay na ito.
"Malungkot ka na naman, Mom? Kung ipadukot ko nalang kaya tong mga mata kong ito para di ka na malungkot sa tuwing nakikita to?" wika ko tapos bigla niya kong hinampas sa braso.
"kalokohan mo na naman, anak. Ang mga matang yan, Alam mo bang iyan ang isa sa mga bagay na pinakaminahal ko sa Daddy mo?" tapos binalik niya ang hawak nya sa pisngi ko. "Noon, tingnan lang ako ng Daddy mo, parang kaya ko ng mabuhay kahit walang kain kain."
"Mom? Iyan ka na naman, please wag ka na malungkot."
"hindi naman ako malungkot. Ayos lang ako. Masaya naman ako sa piling ng step-Dad mo." pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagpatuloy na siya sa mga ginagawa niya. May kinuha siya kaninang isang box galing sa bodega. Pinagmasdan ko ang mga bagay mula sa box. Sari-saring mga lumang retrato ang nakikita ko sa harapan ko ngayon.
"sandali lang anak, ah? Yung niluluto ko pupuntahan ko muna sa kusina."
"sure, mom."
Ibinaling ko muli ang atensyon ko sa mga pictures. Mga pictures pala ito nung kabataan ni Mom. Sa ilang pictures, masaya si Mom kasama ang mga kaklase niya siguro ito kase pare-parehas silang naka-uniform. Pagkatapos ay napukaw ng atensyon ko ang isang picture kung saan may kasamang babae si Mom.
Dalawa lang sila ng babae sa retrato.
Parehas sila ng uniform.
Parehas silang natural na nakangiti.
At ang babaeng kasama ni Mom.
Eunice's POV
"nakaalis na si nathan?" tanong ko kay Mike.
"Oo, kanina pang 4am." sagot niya.
Tumayo ako sa hinihigaan ko at niyakap si Mike.
MIKE'S POV
Yakap-yakap ako ni Eunice ngayon. Umiiyak na naman siya. Nang dahil na naman kay Nathan.
"Mike, alam mo... Naguguluhan ako sa sarili ko ngayon."
Di ako nagsasalita. Hinahayaan ko lang siyang magsalita.
"buhat mula nung magkita uli kami ni Nathan, ang saya saya ko na naman lagi. Minsan nga, nakakalimutan ko na lahat nang nangyari sa nakaraan namin. Kasi ngayon naman, kahit sa loob lang ng kakaunting panahon, nakabuo naman kami ng mga bagong ala-ala. Tapos, basta ang saya saya lang talaga kasi. Baka mabatukan mo nga ko pag sinabi ko sayo ngayong di ko na hinahangad na bumalik kami sa dati."