Chapter XXIII - I THINK I LOVE YOU BETTER NOW ( a special chapter )
Author's note
Hellllllo!! Hahahaha kahit na alam kong walang naka-abang sa story na iyon, gusto ko na talaga siya tapusin hahahaha and yeaaah, eto na yung special chapter xD sa mga readers ko ng four corners of love at moving closer, alam niyo naman na eto na yung sign na patapos na nga at malapit na sa ending itong story :P
Sooo eto na!
~ I THINK I LOVE YOU BETTER NOW ~
Eun, bakit naman ang drama ng story na ito? Lalo na yung past chapters, parang may pinaghugutan ka eh :P anyways, ano ba ito? Ano bang meron sa story ko?
Okay. Magpapakilala muna ko.
Ako si Marisse, typical college girl. Kaklase ako nila Eunice kaya nasingit ako sa story na ito. We're taking up Accountancy sa UST and I just can't believe I'm still surviving. Nakakaloka! Di ko naman talaga ginustong eto ang kunin kong course eh. Eto lang ang kinuha ko dahil bukod sa eto na rin naman ang pinakuha sakin ng CPA kong mommy, eto na rin kasi ang course na kinuha ni...
Kris.
~I'm gonna pick up the pieces,
And build a Lego house
If things go wrong we can knock it down~
Yeah, I even don't understand myself. Naloloka na rin ako sa sarili ko.
~My three words have two meanings,
There's one thing on my mind
It's all for you~
Am I being pathetic? . Hindi naman masamang maging crush sya di ba?
~And it's dark in a cold December, but I've got you to keep me warm
If you're broken I will mend you and I'll keep you sheltered from the storm that's raging on now~
Sino ba namang di magkakagusto sa taong halos buong buhay mo na kasama? Okay, hindi nga kami ganun kaclose during elementary and highschool days pero still, we're friends. Di man kami laging physically together, we still have this connection. And friends tend to be open with each other kaya naging open rin siya sakin. I am also with him through his ups and downs. Kahit yung down moments nya like nung heart-broken sya. Could you imagine? I witnessed the tears he had when he cried because of their break up and the girl also happens to be my friend. Nakita ko kung paano siya nasaktan, at ako ang kasama nya that time, ako... Ako.
Open rin naman ako sa kanya, lahat rin halos ng tungkol sakin alam nya. That's because were friends nga kasi.
We're friends.
And crush ko siya pero di niya alam.
At ang ikinatatakot ko lang, paano kung mas lumalim pa itong nararamdaman ko?
~I'm out of touch, I'm out of love
I'll pick you up when you're getting down
And out of all these things I've done I think I love you better now
Kasama ko nga pala siya ngayon. Magkasabay kami umuwi, yung ibang kaibigan kasi namin may ibang business pa daw. Sus, if I know.. Baka sinadya rin nila ito. Well, lately ko lang rin naamin sa kanila na crush ko nga itong kasama ko ngayon.
"uy, alam mo ba sila deniece at drew na ulit." i started a conversation. Ganto lagi, tungkol sa past classmates namin ang napag-uusapan namin.
Tapos tumingin siya sakin, damn. Those eyes of him, para talaga kong hinihigop pag tinitingnan nya ko. May sinabi siya about sa sinabi ko pero di ko tuloy naintindihan, hey marisse, wake up!