Chapter XIV – Friendship
CHRIS' POV
“Chris?” ani niya. Mukhang hindi niya narinig ang sinabi ko.
Kumawala ko sa yakap at nginitian siya. “Ang sabi ko, tara kaen?”
Eunice’s POV
Grabe, ang daming nangyari. Kung titingnan natin, masasabi nating ang lapit ko na kay Nathan ulit. Ang close na namin tapos nung isang linggo, niyakap niya ko. May binulong pa nga siya eh, sayang lang at di ko narinig. Hay, pero nakakalungkot rin dahil sa sobrang dami ng mga ginagawa namin sa school ngayon ay nawawalan kami na kami ng time magkita. Ni dito nga sa dorm eh hindi na kami nakakapagkita. Nung isang araw lang ay dumalaw ako sa unit niya tapos nakita ko sila ng mga classmates niya don, may mga kung anong kinukutingting. Pero uy alam ko naman yon actually haha, dati ko na kasing course yung computer engineering, may mga circuits kasi silang ginagawa. Gusto ko naman tumulong kaya lang sabi nila kaya na naman nila yon. So yun nga, sobrang busy na. 986 days remaining, asaaar!! Bat kasi ang bilis ng oras, eh. Nakakainis. Buti na lang naimbento ang cell phone. Madalas kasi kaming magkatext na, yun nga lang tuwing gabi lang dahil siguro ang busy din talaga sa araw. Nakahiga na ko ngayon, muni muni lang, hinihintay text nya. Ayaw ko kasi siyang maistorbo, baka may ginagawa eh.
_kamusta accounting? :)) _ yown! Nagtext na siya haha! Nakwento ko kasi sa kanya na kanina nag exam kami sa accounting.
* ayon, ayos naman , may nasagot naman. Hahaha. Kaya lang, 3 lang yun sure namen, eh.
_sus. Ikaw pa. Baka nga naperfect mo yang exam mo, eh. :))
*asa. Haha.
_oh? Bat naging nega? Haha ikaw pa naman yung pinakapositive na tao na nakilala ko. :))
*di nga sabi ako positive :P mahilig lang talaga ko magcheer. X)
_siguro ang kailangan mo, malaman pano i-apply sa sarili :))
*yun nga siguro pero di ko alam kung pano :)
_malalaman mo rin yan :p may gusto kang pag-usapan? :)) ang iksi tuloy ng reply ko ><_
Yun oh!:D ayaw nya matapos convo namen :) itong mga gantong kasimpleng bagay na ginagawa nya, sobrang nagpapasaya saken. :")
*hahaha. Ge, may chikka ko xD si justin may ibibigay kay cath ulet ang effort kamo hahaha.
_tas ikaw na naman magbibigay? :))
*de, sabi ko sya naman, hahaha.
_may sasabihin ako opinyon ko lang naman wag mo na lang sabihin kay justin :)) Dat ang iniisip nya muna eh pano mapapalapit kay cath un tipong nakakausap na nya yun hndi na nya kelangan magpaabot :)) kapag kakaibiganin mo un tao or makikipagpalagayan ka ng loob di mo nman kagad bibigyan ng regalo d ba :)) ang importante kse eh un makilala ka nun tao._
Shems. Sabihin nyo nga pano ko pipigilan ang pagmamahal ko sa taong ito?? Kung ganito ba naman ang kabutihan ng puso ng taong mahal mo, eh pipigilan mo pa ba?? Di talaga ko nagkamali na mahalin ang tulad niya, :)
*ang awesome mo talaga :P pero tama ka, :D sguro in time maiisip din naman ni justin yon, mukhang nahihiya lang talaga siya kay cath ngayon.
_hahaha tatanggapin ko ba yang complement mo para sa awesome cool guy card ko joke :)) sguro pero sana marealize rin yon ni justin. :))
*Chris, tingnan mo ang daming stars sa langit *o*
_haha naalala ko bigla ex ko di ako bitter naalala ko lang na paborito nya ang stars.
Ouch naman. Naalala pa si ex. Pero maisip ko lang, bat sila nagbreak? Bat hinayaan ng babaeng yon na mawala pa sa kanya si Nathan? Eh, iilan na lang ang tulad ni Nathan ko. Wait, di ko naman sinabing sayang di sila nagkatuluyan pero kase, sino bang titigil sa pagmamahal sa lalaking ito??