Chapter IX - Loving in Silence

174 4 0
                                    

Dedicated to iammae27 :) :D 

Chapter IX - Loving in Silence

Mike's POV

Days passed. Hindi ko na nakakasama si Eunice. After kasi ng school niya na inaasahan kong uuwi siya agad sa bahay tulad ng dati at mayayaya ko siya kumain sa labas at mamasyal.. yung bagay na yun ay hindi na nangyari. Lagi na kasi siyang gabi umuuwi at kasama si Nathan. Sinasama na daw kasi siya lagi ni Nathan sa gig nito. 

Alam kong wala akong karapatan. UGH! Wala nga akong karapatan magselos pero bakit hindi ko mapigilan?? Well, sino ba may gusto mangyari ang lahat ng ito?

Ako rin.

Pero wag nyo ko sisihin dahil never ko naman naging kontrolado ang mga bagay na hawak ko. Dahil syempre si Lord pa rin ang in-control sa lahat.

Ako ay isang instrumento lamang.

Kung hindi niyo ma-gets ang sinasabi ko, okay lang na huwag niyo muna alamin dahil hindi pa ito ang tamang panahon.

"YOOOHOOO! I'm HOOME!"- Eunice na kararating lang.

"Ano? Alam mo ba kung ano'ng oras na?" - ako

Tumawa naman siya muna bago magsalita. "ITAY naman.. pasensya na po pero.. sinabi ko na rin naman po sa inyo di ba kung bakit lagi na akong ginagabi ng uwi." tapos lumapit siya sakin at nagmano sa kamay ko.

"Hindi ka nakakatuwa, Eunice." 

Nag-iba naman ang expression ng mukha niya. This time, alam kong alam niyang seryoso na ako.

"Sorry na. Alam mo naman kung saan ako galing di ba? Alam mo Mike, ang saya nung tatlong nakaraang araw na lagi ko siyang kasama. Hay, bukas kaya na ika-992 days na lang.. ano pa kaya pwede namin gawin?" at saka siya ngumiti.

"Mukhang napapasaya ka nga niyang tunay." nagulat na lang din ako sa nasabi ko.

"Oo naman." at ngumiti ulit siya.

"Sabihin mo, Eunice.." hinawakan ko ang mga kamay niya. "... minsan ba, napasaya rin kita?"

Nabasa kong nagulat siya sa sinabi ko. Binawi niya ang kamay niya at nilagay naman ang mga iyon sa magkabilang pisngi ko. "Mike, hindi lang minsan. Palagi mo rin akong napapasaya."

"Totoo?"

"Oo naman. Tara na nga at matulog na!" at tatayo na sana siya pero napigilan ko siya sa pamamagitan ng paghawak sa wrist niya.

"Kung ganun, bakit hindi pwedeng ako na lang?"

Bakit hindi pwedeng ako na lang?

Bakit hindi pwedeng ako na lang?

Bakit hindi pwedeng ako na lang?

Ngayon, kitang kita ang pagkagulat sa kanya.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" 

Ngumiti na lang ako. "WALA!! Tara na nga, sleep na tayo!" at hinila ko siya papasok ng kwarto.

"Oy! Bakit di mo subukang matulog sa unit mo?" 

Hindi pa nga siguro ito ang panahon, Eunice.

"Ayoko nga! Actually, nagpa-plano akong dito na lang sa unit mo.. Ayaw mo nun? Tipid!"

Panahon para malaman mo ang katotohanan.

"LOL! Mukha mo! Di ko kailangan magtipid! Baka ikaw ang naghihirap na diyan!"

One thing's for sure, hindi nagbago ang pag-ibig ko para sa'yo.

A Thousand Years by EuniceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon