Chapter XVI - They're not just simple memories.
Mike's POV
"Eunice?"
Nilapitan ko ang umiiyak na si Eunice. Nakaluhod siya sa lapag habang umiiyak. Bakit? Bakit siya umiiyak?"
"bakit ka umiiyak?"
Tapos bigla niya kong hinampas. "gagi ka kase! Bakit ganyan ka kaseryoso ngayon? Alam mo bang pinahihirapan mo ko?kanina nung binanggit ko lang si Nathan bigla ka nalang naging seryoso. Tapos ang haba haba ng byahe natin papunta dito sa Pangasinan tapos ni isang salita wala ka man lang sinabi saken. Sa buong byahe, hindi mo man lang ako kinausap. Ano ba? Ano bang problema mo? Bakit di mo sabihin sakin? Ang daya daya naman neto eh. Pag ako ang may problema sinasabi ko lahat sayo tapos pag ikaw di mo man lang sinasabi sakin??"
Patuloy pa rin siya sa pagsasalita pero nung niyakap ko na siya, dun lang siya tumigil.
Bakit ganun? Kahit na nasasaktan ako ngayon dahil nakikita ko siyang umiiyak, di ko naman maalis sa sarili ko na maging masaya?maging masaya dahil nalaman kong ganito na pala kalaki ang epekto ko sa kanya? Simpleng bagay na nagagawa niya na ang laking epekto sakin.
"Sorry po." hawak ko ngayon ang magkabilang pisngi niya. "Di na po mauulit."
Then, she smiled which also made me smiled.
Eunice's POV
"yum yum! Grabe mike! Sarap mo talagang magluto!" nakain na kami ni Mike ngayon. After nung eksena kanina, bumalik na yung dating atmosphere sa pagitan namin. Oo, di niya sinabi anong nasa isip niya ngayon pero, naisip ko di ko na lang din pipilitin, kasi baka may dahilan naman talaga siya bat di niya masabi.
"ako pa ba?? Hahaha. Nakuwento ko na ba sayong may restaurant kami dati?"
"oh?? Daya! Hindi mo nakwento!"
"haha sorry di ko pala nakwento. Oo meron, at kasama ko si Eris na itinayo yung resto na yon."
Si Eris. Yun yung babaeng nabanggit ko na sa inyo dati, na mahal ni Mike.
"alam mo, ang swerte ni Eris sayo."
"hahaha bakit mo nasabi?"
"kasi siya yung babaeng mahal mo."
"kung ganun, bakit ikaw di mo ko magawang mahalin?"
Parang tumigil ang oras nang sabihin niya yon.
"Joke!" nakahinga naman ako ng sinabi niyang joke lang.
Pero, kung pwede lang turuan ang puso, matagal ko na sigurong minahal itong si Mike. I mean, na kay Mike na naman kasi ang lahat eh. Mabait, maaasahan, laging nariyan, tunay na kaibigan, tunay magmahal..matapat.. Lahat na.
"S Eris, aaminin ko, hanggang ngayon mahal ko pa rin siya." nakatingin siya sa mga mata ko habang nagsasalita.
"kung may pagkakataon, gusto mo bang kausapin si Eris ngayon?"
"pwede ba?" pagkasabi niyang yon, hinawakan ko ang mga kamay niya at sinabing, "isipin mo muna, ako si Eris."
Chris' POV
"Ma, I'm sorry pero kailangan ko munang bumalik sa Pilipinas."
Eunice's POV
"Eris, I love you." wika ni Mike. Pero bakit ganun parang biglang may tumusok sa puso ko? "Mahal na mahal kita Eris. Kahit ilang libong taon na ang lumipas, di nawawala itong pagmamahal ko sayo. Mahal na mahal na mahal pa rin kita. I'm sorry sa lahat ng nagawa ko noon, I'm sorry hindi kita nagawang ipaglaban noon. I'm sorry dahil nagawa kong sumuko sayo noon. Lahat yun Eris, sobrang pinagsisisihan ko. PLEASE? Bumalik ka na sakin, oh. Kasi, alam mo ang sakit sakit na. Wala nang mas sasakit pa sa pakiramdam kapag nakikita kitang masaya sa piling ng iba, kapag alam kong iba na ang minamahal ng puso mo. Ang sakit-sakit. Minsan nga, pinagsisisihan kong tinanggap ko yung alok ni Lord na maging ako si Mr. Tadhana. Oo, malaki ang naitutulong ko sa ibang mga nagmamahalan pero sa kabila non, nasasaktan ako kasi bakit ang sarili ko di ko matulungan? Bakit sila napapasaya ko pero ang sarili ko di ko magawang pasayahin? Ang hirap hirap mabuhay sa kalungkutan. ERIS, bumalik ka na sakin. Ako na lang ulit ang mahalin mo. Gagawin ko ang lahat, babawi ako sayo. Mahal na mahal kita."