Chapter XVIII - One friend
"Ano'ng nangyari? Bakit mukha kang zombie?"
Muntik nang mabuga ni Eunice ang ice cream dahil sa sinabi ng lalaki. Kahit kailan, he never failed to make her feelings lighter.
"Baliw ka talaga, Chris."
"baliw na agad? Di ba pwedeng awesome lang?"
Napangiti na naman siya nito. Just by being by his side, makes her feel happy. Parang kaya na niyang kalimutan ang lahat, makasama lang niya ang lalaking ito.
"So, ano'ng nangyari?" wika ni Chris|Nathan
"Chris, pano pag may kaibigan ka, tapos ang dami dami nyo nang pinagsamahan nung tao, maraming masayang ala-alang nabuo. Kung bibigyan ka nga ng pagkakataong magbigay ng isang libong rason para pasalamatan ang kaibigan mong iyon, baka sumobra pa sa isang libo, eh. Pero nang dahil lang sa isang rason kung bakit ka nasaktan nang dahil sa kanya, parang mababalewala na yung isang libong rason na iyon."
"kaya mo ba talagang itapon ang lahat ng yon dahil lang sa isang rason?"
"hindi ko alam eh, pero kasi sobrang sakit."
"Ang sakit, nawawala yan. Ang pagkakaibigan naman, kaya mo bang mawala yan?"
Napaisip si Eunice sa mga sinasabi ni Chris.
"Ikaw talaga pinaka-awesome na taong nakilala ko."
"Well, hahaha."
Ano'ng ginagawa ni Chris ngayon? Bakit parang umurong ang dila niya na sabihin ang lahat ng gumugulo sa kanyang isipan ngayon? Bakit parang ayaw na niyang itanong lahat kay Eunice? Imbes na sarili niyang kalooban ang kanyang pagaanin, ay kalooban ni Eunice ang pinagaan niya? Kita niya ang kalungkutan na bumabalot kay Eunice ngayon at automatic na ang gawin niya ay ang pasayahin ito.
Dahil kapag masaya si Eunice, hindi niya maitatangging masaya na rin siya.
"Saan mo gusto pumunta?"
Muli, napangiti si Eunice sa sinabi ng lalaki.
Pumunta sila sa amusement park. Lahat ng rides sinakyan nila. Purong kasiyahan ang bumabalot sa dalawa ngayon. Parehas sila ng nararamdaman, masaya sila sa piling ng isa't isa.
"Chris, maraming salamat."
"Wala yon."
"Ang dami ko nang utang sayo."
"Utang talaga? Haha."
"Pano ba ko makakabawi sayo?"
"baliw. Di mo naman kailangang bumawi, teka. Bibili lang ako ng ice cream." tumayo si Chris at sa pagtayo niya, nahulog ang isang picture.
Pinulot ito ni Eunice at ngayon, pinagmamasdan na niya ito.
"Eunice?" napansin ni Chris na hawak hawak na ni Eunice ang picture. Mukhang ngayon na ang tamang oras para itanong niya ang lahat.
"Paanong nasayo ito, Chris?" hindi alam ni Eunice ang mararamdaman. Ang nasa picture, ang kaibigan niya noong nasa Hongkong sila ni Mike. Masayang masaya silang tatlo sa picture.
"Ang isang babae riyan, siya ang Mommy ko."
"Anak ka ni Cecille?"
"Kung ganun, ikaw nga ang nasa picture?"
"Magpapaliwanag ako. Sumama ka sa akin."
Anong gagawin ni Eunice? Saan niya sisimulang ipaliwanag kay Nathan ang lahat? At anong ginagawa niya? Malinaw naman sa kanya na paglabag sa kasunduan ang gagawin niya. Hinding hindi pwedeng malaman ni Chris ang tungkol sa kanila ni Eunice noon, ang tungkol sa tadhana, ang tungkol sa takbo nito.
"Dito nagsimula ang lahat."Dinala ni Eunice si Chris sa eskwelahan nila noong high school. Sa katotohanan, wala na ang eskwelahan ngayon, ang nadatnan nila ay isang subdivision na.
"Dito noon nakatayo ang eskwelahan natin noong highschool. Ilang daang taon na ang lumipas. Nung highschool, doon ko naranasan magmahal sa kauna-unahang pagkakataon. At dahil sayo yon, ikaw ang nagparamdam sakin kung pano magmahal. Kung gaano kasarap magmahal."
"Ilang daang taon na ang lumipas?"
"Alam kong mahirap maintindihan ang lahat. Ni hindi ko nga alam kung maiintindihan mo pa."
Sumunod na pinuntahan nila ay ang restaurant kung saan nagtapat ng pag-ibig si Nathan sa kanya noon.
"Dito ka nagtapat ng pag-ibig sa akin noon. Dito mo sinabing mahal mo ako. Reunion ng batch natin nung high school noong araw na iyon. Ang araw ding iyon, ang pinakamasayang araw sa buhay ko."
Ngunit walang naiintindihan si Chris. Paanong ang babaeng kasama niya ngayon ay nabubuhay pa ngayon at mula pa noong ilang daang taon na ang lumipas?
"Ang sabi mo pa nga noon, ginawa mo ang lahat para makalimutan mo ang nararamdaman mo sakin, ilang beses ka pa nagpapalit palit ng girl friend pero hindi mo naramdaman sa kanila ang nararamdaman mo para sakin. Kasi sabi mo, ako ang gusto nito.." tinuro ni Eunice ang puso ni Chris. "...ako ang gusto ng puso mo."
Pumunta rin sila sa ospital kung saan muli sikang nagkita at kung saan saan pang lugar na naging saksi sa pagmamahalan nila. Ngunit walang nangyari, tunay nga sigurong wala nang maaalala pa si Nathan.
"Hindi ko alam kung maniniwala ako sa lahat ng sinabi mo. Pasenya na."
"Wala kang dapat na ihingi ng pasensya. Kahit ako ang mapunta sa sitwasyon mo, hindi ko rin alam kung maniniwala ako."
"Kung ganun, sabihin mo sakin. Paanong nabubuhay ka pa hanggang ngayon?"
Itinanong na ni Chris ang tanong na ayaw marinig ni Eunice. Ang pinakaipinagbabawal sabihin sa lahat ng pwedeng sabihin. Dahil sa naghihintay nitong kapalit.
Sandaling katahimikan ang namayani. Nasa labas sila ng isang convenience store ngayon. Nakaupo sa isang bench, umiinom ng softdrinks.
Hindi alam ni Eunice ang sasabihin. Hindi niya alam kung sasagutin niya ba ito. Lalo't ang pinakamaaapektuhan kapag sinabi niya ang mga ipinagbabawal, ay si Mike.
Nahagip ng mata ni Eunice ang isang matandang tumatawid sa kalsada.
Habang may paparating na sasakyan na mabilis ang andar.
At di inaasahan ang sumunod na nangyari.