Chapter I - ANG ITINAKDANG ORAS

270 10 9
                                    

Hello guys! :) Kahit kulang pa ng 5 ang votes sige gora na ko sa UD :D And btw, thank you sa mga positive comments na narereceive ko sa story na ito *O* Mayado akong naoverwhelmed sa comments ninyo to the point na kinakbahan ako. huhu xD pero sana, ma-meet ko pa rin expectations niyo haha. OA na ko masyado ata? xD

PAALALA: ANG ISTORYANG ITO AY MULA SA MALIKOT NAIMAHINASYON NI EUNICE. NAISIP KO ITO DAHIL SA PINAGHALO-HALONG MGA NABASA KO AT NAPANUOD KO DIN AT SIGURO MALALAGYAN KO DIN NG KAUNTING EKSENE MULA SA TOTOONG BUHAY KO KATULAD NG IBA KONG STORY :D SANA WALA DIN AKONG MA-OFFEND MULA SA STORYANG ITO. INUULIT KO, MULA ITO SA MALIKOT KONG IMAHINASYON LAMANG :p

P.S Timeline ng Story ay times ng Four Corners of Love . during their first years in college :D 

Dedicated to yourmhiineonlymhiine :) Thank you :*

Chapter I - ANG ITINAKDANG ORAS

Mr. Tadhana's POV

Maraming naniniwala sa Tadhana. Maraming naniniwala na may lalaki/babaeng nakatadhana para sa kanya. Sa ibang salita, maraming naniniwala sa soulmates. Maaaring yung iba kasama na nila ang itinadhana para sa kanila at maaari ding hindi pa kasama nung iba. Maraming umaasa na mahanap na nila ang itinadhana para sa kanila at makasama habang buhay. 

Sa kabilang banda, marami ring hindi naniniwala sa Tadhana. Ang sabi nila, "sila" mismo ang gumagawa ng sarili nilang tadhana. Sila lang mismo ang may hawak sa sarili nilang tadhana. Sa bawat desisyon na ginagawa nila, doon nila binabasa ang tadhana nila.

Pero ano nga ba ang totoo? Ang masasabi ko lang ngayon pa lang, maniwala na kayo na totoo ang tadhana. 

Hello readers! :) Ako nga pala si Mike. Wala akong apelyido dahil ako si Mr. Tadhana. Ako ang may hawak ng libro ng tadhana. Sa akin ipinaubaya ni God ang naturang libro at sa librong ito, nakalista ang higit trilyong pangalan ng tao at ang mga nakatadhana sa bawat isa sa kanila. Nakasaad din dito ang ibang detalye pero hindi ko pwedeng sabihin kung ano ang mga iyon. Nagulat ba kayo? Hindi niyo ba inaasahang nag eexist talaga ang isang tulad ko? Hahaha. 

"HAPPY BIRTHDAY SA'KIN! WOHOOO! MIKE!! 601 YEARS OLD NA KO !!" 

Si Eunice iyan. Oops. Nagulat niya yata kayo. Kahit ulitin niyo pa basahin yung sinabi niya, 601 pa rin ang basa niyo sa number na iyan at walang typo error iyan sabi na rin ni Ms. Author :P MALAMANG, nagtataka kayo kung paano nangyari iyon. Well, nagulat pa rin ba kayo? Di pa ba sapat na malaman niyong ako si Mr. Tadhana? 

Nandito kami ni Eunice sa rooftop ng bahay nila at saktong 12am na din nga ngayon at 601st birthday na niya. Nakangiti niyang binati ang sarili niya pero ang mga luha niya talagang hindi kayang magsinungaling. Oo eh, umiiyak na siya ngayon habang nakangiti. 

Bigla naman siyang lumingon sa akin sabay sabing, "Hoy. Ikaw. Di mo ba ko babatiin?" 

I just smiled at her and said, "Happy Birthday, Eunice." then gave her a kiss on her forehead. 

She smiled back and said, "Salamat." and then she rested her head on my shoulder.

Aaminin ko, para sakin masarap sa pakiramdam na nandito siya sa tabi ko. Pero, hindi rin ako ganoong nasisiyahan gayong alam kong ni minsan hindi ko naman siya napasaya ng tunay. Dahil sa loob loob ng babaeng ito ay nasasaktan siya at nangungulila pa rin sa taong nakatadhana para sa kanya.

Para saan pa ang pagiging masaya ko kung alam kong nasasaktan naman siya at hindi masaya?

"Mike,hindi mo ba talaga alam kung kailan kami magkikitang muli?" wika niya.

"Bakit? Napapagod ka na ba?" sagot ko.

"Ano ka ba. Syempre hindi. Hinding hindi ako mapapagod hangga't hindi pa kami nagkakasamang muli. Hindi ko lang din maiwasan na mamiss siya ng sobra sobra. Ang bawat ngiti niya, bawat halik, bawat yakap.. alam mo ba, miss na miss ko na kasi." patuloy pa rin siyang umiiyak habang nagsasalita. "Bakit ganun? Ang tagal naman nung araw na sinasabi ni God. Ang unfair lang din yata kasi, sa ilang daang taon na nabubuhay ako at kasama mo ako sa trabaho mo bilang si Mr. Tadhana, witness ako sa istorya nila kung saan nakasama nila sa kung tutuusin, napaiksing panahon lang at nakasama na nila ang nakatadhana para sa kanila. Bakit ganun? Ha? Ang unfair." 

"Unfair pa bang maituturing na binigyan ka ni Lord ng pangalawang pagkakataon para makasama siya? To the point na itinigil niya ang pagtanda mo? Tignan mo, 18 pa rin ang edad mo sa mundong ito kahit 601 ka na. Eunice, lahat ng bagay nangyayari ng may dahilan. At maniwala ka, may dahilan si God kung bakit ganito ang nangyayari sa iyo."

 "Siguro nga tama ka. I'm sorry!!" at niyakap niya ko. 

Eunice, I'm sorry din dahil ang totoo niyan, alam ko kung kailan ang itinakdang araw ng pagkikita ninyo pero iyon kasi ang hinding hindi ko pwedeng sabihin.

Di bale, mamaya na naman ang itinakdang araw.

--

At ngayon, nandito ako at pinapanuod si Eunice at Nathan. 

Masaya ako para kay Eunice dahil sa wakas dumating na rin ang araw na pinakahihintay niya. 

Kitang-kita naman na sobrang saya niya. Pero ilang sandali pa, noong inalis na niya ang pagkakayakap niya kay Nathan ay napalitan na naman ng lungkot ang emosyon niya.

Siguro naalala niya ang kondisyon na kapalit ng itinakdang araw na ito.

Ang kondisyon na...

Totoong magkikita silang muli at muling magkakasama. Pero walang maaalala si Nathan ni isang detalye mula sa nakaraan nila ...

Pero tulad nga ng sinabi ko, may mga bagay pa na hindi ako sinasabi tungkol dito. And hinding hindi ko talaga maaaring sabihin lalo't may naghihintay na mabigat na kapalit para sa akin once na, may masabi ako.

--

Hey! Haha. Sa wakas, nailabas ko na rin ang malikot na eksenang ito na matagal ng umiikot sa utak ko XD Hahaha. Musta naman? Okay lang ba?

Vote.

Fan.

Comment.

Add to your RL :D

Recommend :)

:)

FAN.

COMMENTS AND VOTES PLEASE BAGO MAG UPDATE :P :)

A Thousand Years by EuniceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon