CHAPTER XIX - Just One Reason

28 0 0
                                    

CHAPTER XIX - Just One Reason

"Ano'ng ginagawa ko dito?" nasambit ni Eunice nang magkaroon na siya ng malay. Nakahig asiya ngayon sa isang kama habang nasa tabi niya si Chris na hawak-hawak ang kanyang mga kamay. "Ano'ng nangyari?"

"Niligtas mo ang matandang muntik na masagasaan kanina, alam mo bang sobrang nag-alala ko sayo?"wika ni Chris at saka niya naalala ang lahat. "Mabuti na lamang ay nakapreno ng ayos ang sasakyan. Buti, galos lang ang inabot mo."

"Kamusta si Lolo?"

"Ayos siya. Walang nangyari sa kanya, nagpapahinga lang siya ngayon sa kabilang silid."

Ngumiti si Eunice sa lalaki.

"oh? Bakit ka nakangiti?"

"Ang cute mo pa lang mag-alala." dahil sa mga sinabing iyon ni Eunice ay hindi mapigilan ni Chris ang mamula.

"Oh?" hinawakan naman ni Eunice ang lalaki sa mga pisngi nito. "Bakit ka namumula? Aba, ikaw ata ang may sakit."

Muli, hinawakan ni Chris ang mga kamay ni Eunice at saka seryosong nagsalita, "kanina, nung nakita kitang biglang tumakbo sa kalsada, alam mo bang sobrang natakot ako? Akala ko masasagasaan ka ng sasakyan, at noong mawalan ka ng malay, akala ko hindi ka na magigising."

"Sssh, eto oh. Gising po ako." di maialis ni Eunice sa sarili na masaya siya ngayon dahil sa naririnig niyang mga sinasabi ni Chris.

"Akala ko, mawawala ka na sakin."

So, ibig sabihin ba nito ayaw ni Chris na mawala sa kanya si Eunice?

"B-bakit? Ayaw mo ba kong mawala sayo?"

Natigil ang pag-uusap nila ng dumating ang isang lolo na nakasakay sa wheelchair.

"Hija, maraming salamat sa pagligtas mo sa buhay ko."

Nagmano si Eunice sa lolo at sinabing,"Wala pong anuman, Lolo. Sa susunod po, wag na lang po kayo tatawid nang wala kayong kasabay. Naku po, delikado na po kasi talaga ang panahon ngayon. Marami pong pasaway na driver."

"Sige hija, susundin ko ang payo mo. Mag-iingat ako lagi. Maraming salamat ulet ha?"

"Wala pong anuman, ulit."

"Sige, hija mauna na ko sa labas."

"Sige po."

Hinatid naman ni Chris si Lolo sa labas.

"Hijo, alagaan mong mabuti ang kasintahan mo. Napakaswerte mo sa kanya dahil may napakabuti siyang puso."

"hindi ko po siya kasintahan pero sige po, aasahan niyo pong aalagaan ko siya."

"Ano kamo? Hindi mo kasintahan?"

"Uhm, opo."

"Pero alam ko, mahal mo siya hijo."

"Mahal po?"

"Aray!bakit nyo po ako binatukan?"

"Matanda lang ako pero hindi ako tanga katulad mo."

"Sabihin mo sakin ngayon, anong nararamdaman mo kapag kasama mo siya?"

"Kapag kasama ko po siya, masaya ko. Sa tuwing nakikita ko siyang malungkot, gusto ko lagi siyang pasayahin. Masaya na rin kasi ako kapag kasama ko siya. Para kasing yung mga ngiti niya, para kong binibigyan ng lakas para gumising sa araw-araw. Yung boses niya, parang melodiya sa aking pandinig lalo na pag kumakanta siya. Tuwing tinitingnan niya ko sa mga mata, para bang napupunta ko sa kabilang mundo kung saan kaming dalawa lang ang naroon. Never akong nabored kasama siya. Parang pag kaming dalawa lang, ang dami dami pa rin naming magagawa. Sa lahat ng oras, gusto ko siya makasama. Kapag di ko siya kasama, lagi na lang siyang hinahanap ng mga mata ko. Kapag wala siya, hindi ako masaya. Hindi ko alam pero, gusto ko siyang laging pasayahin, protektahan, alagaan..."

A Thousand Years by EuniceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon