CHAPTER XXV- Our Infinity (Fin Part 2)

46 1 0
                                    

CHAPTER XXV- Our Infinity (Fin Part 2)

Eunice's POV

There are a lot of times I felt so helpless. One is nung college ako during our times ni Nathan. Okay naman nung una, pinapag-aral ako ng parents ko sa isang tanyag na school. Nung first year, keri pa ang tuition. Nakakaraos naman, pero nung nagstart na ang 2nd year 2nd sem, dun ko na naramdamang di na kaya nila mama na mapag-aral ako dun. Kinakaya nila pero hanggang sa mag 4th year na ko, I had the limit. Hindi ko na kayang makitang nahihirapan sila mama at papa. Wala ng stable na trabaho ang parents ko pero kinakaya pa nilang mapag-aral ako. Utang dito, utang doon, kahit ako umuutang na rin sa mga kaibigan ko para makapag-enroll ako. Those times were the hardest. Naranasan kong hindi kumain nang di iniinda ang gutom dahil sa sobrang kakaisip ng paraan, at ng kung anong plano ko sa buhay ko. Maghahanap ng part time job or lumipat na lang ng school? Hindi ko alam, pakiramdam ko kasi ako na yung may hawak ng record ng pinakawalang silbing anak sa buong mundo. Wala akong magawa para sa pamilya ko, pabigat lang ako. I felt so helpless. Kahit sa mga kaibigan ko, hindi ko ishinare ang problema ko. Ayoko silang abalahin, kaya ko ang sarili ko. Kaya ko...

Pero ngayon, itong pinagdadaanan ko, hindi ko alam kung kaya ko.

Sanay akong ako ang iniiwan. Marami nang taong nawala sa buhay ko. Well, dapat sanay na ako kasi sa ilang daang taon ba naman akong nabubuhay sa mundo at ilang beses nang iniwan. Kahit si Mike, nawala na rin.

But this time, ako na ang kailangang mang-iwan.

-----

"I love you, Eunice." he said while looking straight into my eyes. Ang mga matang pasimple kong tinitingnan noon, ngayon ay nakatingin na sa sakin. I have all the time now para tingnan ang mga mata niya but the time is limited.

Ganun, nakatingin lang kami isa't isa. Sa mga ganitong pagkakataon, pakiramdam ko ay tumitigil ang oras para sa aming dalawa.

"I love you." ulit niya. His voice was so good to hear lalo't sinasabi niya ngayong mahal niya ako.

Then he cupped my face using his both hands. Kissed me on my forehead, on the top of my nose, and slowly... Until his lips reached mine. He's kissing me gently, as if the world has finally stopped for us.

We both have our eyes closed now, as I respond to his kisses. Then suddenly, our tears started to fall.

I know he really loves me. And I know, he's hurting.

I'm hurting him. And I hate myself for that...

-------

"Hahahahaha!!!! Ang corny mo!" wika ko.

"Corny pero tinatawanan mo?" wika niya

"Syempre, mahal kita eh. Kaya kahit gaano pa kakorni ang jokes mo, tatawanan ko pa rin. Kasi nga, mahal kita."

Mukha siyang timang ngayon, haha. Eh kasi bigla siyang tumahimik tapos yung ngiti niya abot tenga na niya. At ang mga mata niya, parang kumikislap habang nakatingin sakin. Para na naman akong hinihigop.

"Hoy mukha kang timang. Ayos ka lang??" pero di pa rin siya sumasagot kaya nilapitan ko na siya at tinapik-tapik ang mukha, baka sakaling magising. Hanggang sa hinawakan niya ang dalawang kamay ko.

A Thousand Years by EuniceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon