Lahat tayo nangangarap na magkaroon ng sarili nating love story.
Lahat tayo gusto ma-meet yung taong makakasama natin sa habang buhay. Yung taong makapagpapadama sa atin kung pano maging tunay na masaya. Yung taong hindi tayo sasaktan, hindi tayo iiwan. Yung laging nariyan para sa atin. Yung taong magmamahal sa'tin ng buong buo.
Yung iba pwedeng nahanap na nila yung taong para sa kanila. Yung iba, naghahanap pa lang. Yung iba, patuloy na umaasa na yung taong kasama nila ngayon, sana siya na.
At sa totoo lang, naniniwala akong marami sa inyo na nakapagbasa ng kwentong ito ay sasabihing sobrang hindi makatotohanan nito. Isang babae na nabuhay ng ilang daang taon para lang hintayin ang pagbabalik ng mahal niya? Maaaring isang kalokohan lang talaga ang kwentong ito. Pero kalokohan man o hindi, isa lang ang ma-aassure ko sa inyo...
I assure you that my love for this girl is truer than true.
Mahal ko siya. Sobrang mahal ko siya.
Siya yung nagpadama sakin na di ako nag-iisa. Siya yung taong nag-stay kung kailan lahat ng tao iniwan ako. siya yung tanging taong naniwala sa sarili ko kahit nung oras na sarili ko mismo ay hindi ko nakayang paniwalaan. Siya yung natakbuhan ko sa oras na pinaka-kinailangan ko ng taong nariyan para sa akin. Yung sa oras ng problema nandiyan siya, at sa oras ng saya hindi rin siya nawala at hanggang sa naramdaman kong siya na ang dahilan ng bawat ngiti ko sa araw araw. Lagi ko siyang hinahanap. Lagi ko siyang gustong makasama. Lahat ng ginawa niya para sakin na hindi ko naman hiniling na gawin nya, gusto kong matumbasan lahat yon. Hindi ko alam kung kailan nagsimula, pero naramdaman ko na lang isang beses... nung magkatabi kami ... na yung tibok ng puso ko ay sobrang bilis. Sobrang bilis na hindi ko maintindihan kung bakit. Maituturing ko siyang isa sa mga kaibigan ko na pinaka-komportable ako. Pero mula nung naramdaman ko yung bilis ng tibok ng puso ko nung mga oras na iyon, doon na ko naweirduhan. Baka.. baka gusto ko na siya.
Hanggang sa naramdaman kong mahal ko na rin siya.
Alam kong marami sa inyo ang nakaramdam na rin ng ganito.
At ang masasabi ko lang, sana.. sana subukan nyo. Subukan nyong pasukin ang mundo ng pagmamahal once na maramdaman nyo na ito sa isang tao. Kasi, minsan lang to at maaaring siya na pala talaga ang taong matagal niyo nang hinahanap na para sa inyo.
At ako?
Hindi ko na kayo pipilitin na maniwala sa kwento namin ni Eunice. Dahil kayo, kayo ang magdedesisyon kung maniniwala kayo o hindi.
Maaaring nagtataka rin kayo kung paanong naaalala ko ang lahat. Hindi ba dapat ay wala na akong naaalala buhat nang mawala siya?
Ako, hindi ko rin alam kung bakit.
Alam ko lang,
Siguro dahil...
Dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya.