Chapter XVII - A Thousand Reasons
"Hindi mo ba talaga naiintindihan ha? Ayaw sakin ng mga magulang mo, Eris. Ano bang mahirap intindihin don?"
"Sumusuko ka na sa atin?" wika ng babae habang umiiyak na parang wala nang bukas pang naghihintay sa kanya. Ang lalaking mahal niya, sumusuko na sa pag-ibig nilang dalawa. May mas sasakit pa ba sa nararamdaman niya ngayon?
"Sa simula't simula pa lang, dapat kasi hindi na natin ipinagpatuloy ang relasyong ito." seryosong sabi ng lalaki. Nakatalikod siya sa babae habang patuloy na nagbibitiw ng masasakit na salita. Hindi niya maatim na makitang nasasaktan ang babaeng mahal niya. Sinasaktan niya ngayon ang babaeng mahal niya.
"Alam kong bawat salita na lumalabas sa bibig mo ngayon ay salungat sa lahat ng gusto mo talagang sabihin. Alam kong sinasabi mo lang yan para layuan na kita. Para pumayag na ako na wakasan na ang relasyon nating ito. Hindi mo ko maloloko, Mike. Alam kong minahal mo ko at mahal pa rin ako hanggang sa mga oras na ito. Kahit bigyan mo pa ko ng isang libong dahilan kung bakit kita hihiwalayan ngayon, alam kong isang libong kasinungalingan lang ang manggagaling sa mga bibig mo."
Hinarap na ni Mike ang dalaga at sinabing, "Hindi mo man paniwalaan ang isang libong dahilan na sasabihin ko, alam kong itong isang dahilan na sasabihin ko, siguro paniniwalaan mo na."
Ano'ng sasabihin ng lalaking ito? Pakiusap, wag na wag niya sasabihing hindi na siya mahal nito? O na kahit kailan ay hindi siya minahal nito? Ito ang mga nasa isip ngayon ng dalaga. Sabihin niya na lahat ng pwedeng maging rason, wag lang ang nag-iisang rason na iyon.
Sandaling katahimikan ang namayani, hanggang sa sabihin na ni Mike ang mga salitang iyon.
"Eris, hindi kita mahal."
~
"Eris, I love you." wika ni Mike. Naramdaman na lang ni Eunice na para bang may tumutusok sa puso niya. "Mahal na mahal kita Eris. Kahit ilang libong taon na ang lumipas, di nawawala itong pagmamahal ko sayo. Mahal na mahal na mahal pa rin kita. I'm sorry sa lahat ng nagawa ko noon, I'm sorry hindi kita nagawang ipaglaban noon. I'm sorry dahil nagawa kong sumuko sayo noon."
Napatulala si Eunice sa mga sinasabi ni Mike ngayon. Para bang alam niya ang tinutukoy ng bawat salitang binibitiwan ni Mike.
" Lahat yun Eris, sobrang pinagsisisihan ko. PLEASE? Bumalik ka na sakin, oh. Kasi, alam mo ang sakit sakit na. Wala nang mas sasakit pa sa pakiramdam kapag nakikita kitang masaya sa piling ng iba, kapag alam kong iba na ang minamahal ng puso mo. Ang sakit-sakit. Minsan nga, pinagsisisihan kong tinanggap ko yung alok ni Lord na maging ako si Mr. Tadhana. Oo, malaki ang naitutulong ko sa ibang mga nagmamahalan pero sa kabila non, nasasaktan ako kasi bakit ang sarili ko di ko matulungan? Bakit sila napapasaya ko pero ang sarili ko di ko magawang pasayahin? Ang hirap hirap mabuhay sa kalungkutan. ERIS, bumalik ka na sakin. Ako na lang ulit ang mahalin mo. Gagawin ko ang lahat, babawi ako sayo. Mahal na mahal kita."
"Mike, bat di mo ko nagawang ipaglaban?" wika niya habang patuloy ang pag-agos ng luha niya mula sa kanyang mga mata.
Bigla namang hinawakan ni Mike ang magkabilang braso ni Eunice.
"Anong ibig mong sabihin, Eunice?"
"Sagutin mo na lang ako, mike."
"H-hindi kita naiintindihan. Haha, okay na ko Eunice. Di mo na kailangan magpanggap na ikaw si Eris."
"Pucha naman Mike, sagutin mo na lang ako. At isa pa, hindi ako nagpapanggap. Huwag mo kong pagmukhaing tanga. Alam ko na na ako si Eris, ako yung babaeng sinasabi mong mahal mo. Teka, minahal mo nga ba ko? Pucha, eh mukha namang wala kang alam sa pag-ibig."