Dedicated to IamSamshii :)
Chapter XI – Out Of My League
Eunice’s POV
Parang tumigil ang mundo para sa aming tatlo. Bakit parehas nilang hawak ang kamay ko?
Una ko namang tinitigan si Mike at siguro naman ay magegets niya yung sasabihin ko sana sa kanya. Yung tingin na BAKIT-MO-KO-HAWAK-HA?
“Eunice…” nagsalita na siya at saka may ibinulong sa’kin na nag-udyok sa’kin para gustuhing sipain siya papuntang planetang Mars. Ang ibinulong niya sa’kin ay..
“Eunice, natatae ako.”
Pinandilatan ko na lang siya para bitiwan na ko.
“Eh, Chris saan ba CR dito?” tanong ko kay Chris.
“Dun lang sa may backstage, meron.” – Chris
“Narinig mo?” at ayun binitiwan na ko ni Mike at saka umalis. Pero may ikinagulat na lang din ako.. the way he looks at me. Parang sinasabi ng mga mata niya sa’kin na nasasaktan siya. Nasasaktan ang puso niya?
Muntik ko na rin makalimutan na hawak pa rin ni Nathan ang isa kong kamay. Nung tiningnan ko siya, may sinasabi rin ang mga mata niya. Pero eto, iba ito. Actually, it’s exactly the same way on how he looks at me noon. Noong masaya pa kaming magkasamang magkasintahan. Noong sinasabi niya sa’king mahal niya ko, noong inaalagaan niya ko, pinoprotektahan, minamahal. Noong nagmamahalan pa kami. And now, I can tell that It’s exactly the same way. Feeling ko matutunaw na ko rito. I could feel butterflies on my stomach. Siya lang talaga ang nagpaparamdam sa’kin ng ganito. Kung ganun na nga, sinasabi na rin ba ng mga mata niya na mahal na niya ako? Na mahal na niya ulit ako?
Masaya akong tinitingnan ako ni Nathan ng ganito ngayon. Pero hindi ko pa rin maialis sa isip ko kung pano ako tingnan ni Mike kanina. Mahal ko si Mike dahil kaibigan ko siya and we’ve been together for more than a hundred years. At ngayon lang niya ko tiningnan ng ganun. Everytime I’m with him, I feel that I’m being protected, cared and loved. Loved, dahil nga magkaibigan kami. Pero these days, napapansin ko ring iba si Mike. May iba sa kanya. It seems like something’s weird and not right?
Nagising ako sa diwa ko nang may narinig akong tumutugtog ng isang pamilyar na musika. Nang makita ko naman kung sino ang nasa stage ngayon.
“Eunice, maupo muna tayo? Okay ka lang ba?” tanong ni Nathan at hawak-hawak pa rin niya ang kamay ko ngayon. Pero, binawi ko na. Seems like kailangan kong bawiin sa kanya ang kamay ko ngayon. Napansin ko namang nabigla siya.
Naupo na kami ni Nathan at sabay na pinanuod si Mike. Out of My League ang title ng kanta. Ang pinakaweird na kanta na narinig ko.
["Out Of My League"- Stephen Speaks]
~it's her hair and her eyes today
that just simply take me away
and the feeling that i'm falling further in love
makes me shiver but in a good way
all the times i have sat and stared
as she thoughtfully thumbs through her hair
and she purses her lips, bats her eyes as she plays,
with me sitting there slack-jawed and nothing to say