09

5.3K 99 39
                                    

Update

Dumating na si Kuya Marlon. Nakasakay na ako sa sasakyan pero silang dalawa ay nag-usap pa saglit. Nakikinig lang ako sa kanila. Hindi na maalis ang tingin ko doon kay Sorin. Paminsan minsan ay sinasalubong niya ang tingin ko, nakakunot ang noo. Nginingisian ko siya.

You wouldn't resist my charms, moreno guy. Sisiguraduhin ko na malala ang parusang mabibigay sa mga taong lalabag sa rules naming dalawa. Ngayon pa lang ay naaaliw na ako sa pwedeng maging punishment niya.

"Gagabihin ba ang uwi mo?" Dinig kong tanong ni Kuya Marlon.

Ang sasakyan ni Kuya Marlon ay parang maliit lang na truck na pandeliver ng mga goods sa palengke. Kaya naman hindi ko na kailangan pang buksan ang binatana dahil open naman na iyon.

Umiling ang bouncer. "Hindi ko pa po alam pero mag-aabiso ho ako nang maaga."

Tumango ang matanda at sumakay na rin. Nagtagpo ulit ang mata namin ni Sorin.

Kinindatan ko ito kaya mas lalong kumunot ang noo.

Inulit ko ang pagkindat at slow mo pang nagflying kiss pa. I saw how he clenched his jaw as he shifted his eyes from me to kuya Marlon then back to me.

I laugh inwardly. Look at his face! Ang sarap sarap niyang asarin!

"Una na kami, Hijo." Pagpapaalam ni Kuya Marlon.

"Mag iingat ho kayo."

Umikot na si Kuya Marlon papunta ng driver's seat. Ngumisi ako habang ang mga mata ay nakatuon sa hindi maipintang mukha ni Sorin.

When kuya Marlon finally settled himself on his seat, Sorin glared at me. I let out a soft chuckle.

Hanggang sa makaalis kami ay hindi na nawala ang ngisi sa labi ko. Tinignan ko siya sa salamin. Nakasunod ang tingin niya sa amin hanggang sa makalayo kami.

"Kumusta naman, Hija? Inaway ka ba ng mga binatang iyon?"

Umayos ako ng upo. "Hindi naman po."

Natawa si Mang Marlon. "Mapaglaro ang tatlong iyon pero iyang si Sorin ang pinakamabait at kalmado."

I made a distorted face with his remarks. Pinakamabait? Kalmado? Oh, Jesus wake me up.

"Sayang nga lang at hindi na natuloy ang pag-aaral. Naging busy sa trabaho."

My head snapped back at Kuya Marlon. What?

"Why did he stop? Finacial problems? Kaya nagtrabaho na lang siya?" Hindi ko maiwasang maisatinig.

"Ulila na ang batang iyan sa pagkakaalam ko. Namatay sa aksidente ang ina niya."

Nabigla ako.

Oh.

"Anong aksidente po?"

"Car accident ata, Hija. Hindi ko na masyadong inusisa iyang binata na iyan dahil mukhang ayaw niyang pag-usapan."

"What about his father? Any news? Kailan pa ho mag-isang nabubuhay si Sorin?" I asked using my worried voice.

Ang impormasyong ito ay talagang binibigla ako! Ang antipatikong iyon ay may ganitong nakaraan!?

"Walang nabanggit sa akin si Sorin kung ano ang nangyari sa ama niya. Pero matagal tagal na rin iyang bata na iyan doon sa lugar namin. Disiotso pa lang ay nandoon na iyan."

18? Bakit? Ilang taon na ba ang taong iyon? E mukhang magkasing edad lang naman kami?

"Sobrang sipag ng batang iyan. Wala akong masabi. Kaya laking pasasalamat ko talaga at may espasyo pa noon na pwede niyang upahan. Buti at mabait din ang ama mo at nabibigyan siya ng discount sa pagbabayad ng lupa."

The Midnight Lies (THE PRESTIGE 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon